Kahit ano'ng gawin kong pagpapaamin, naninindigan pa rin si Mang Diosdado na siya ang nagmamaneho ng taxi noong gabing iyon. Siya raw ang nakasagasa kay mama pero aksidente lang daw iyon dahil nawalan ng preno ang sasakyan. Para na akong mababaliw kakaisip. Gusto kong kumbinsihin ang sarili na nagsasabi nga siya ng totoo pero ayaw namang maniwala ng puso ko. Sigurado ako sa narinig ko kanina mula sa asawa niya. Hindi siya ang nakasagasa sa mama ko! Kung hindi man siya, sino? Hindi ako mapakali hangga't hindi ko napagbayad ang totoong may sala! Hindi na ako nakapaghapunan kaiiyak ko. Naabutan pa nga ako ni Tito Ryushi na humahagulhol. "Dimples, what happened?" nag-aalalang tanong niya. Nilapag niya sa sahig ang mga dala niyang pasalubong saka ako niyakap. "Hey, calm down. Stop cr

