Shun's POV] "WAAH! Potcha!" Napasigaw ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Kai kasama si Aunt Soledad. Mabuti na lang at nakaalis na si Dimples. "Anong nangyari sa 'yo?" kunot-noong tanong ni Kai. Napakapa ako sa dibdib. "Whew! Akala ko magnanakaw." "Tapos na ba itong nalinis, Shun?" mahinahong tanong ni Aunt Soledad. "Y-yes, po, auntie." Sinuyod nito ng tingin ang buong paligid. "Ok ka lang ba dito, anak? Kaya mo na ba talagang mag-isa?" "Mom, kaya ko na. Hindi na ako bata, okay?" Mayamaya'y biglang tumunog ang doorbell. "Ako na," wika ko at binuksan ang pinto. Sumalubong kaagad sa akin ang galit na galit na si Uncle Ryushi. Kaagad nitong sinugod ng svntok si Kairo. "Kisama!" Napasigaw si Auntie Soledad sa gulat habang ako ay nanatili sa kinatatayu

