chapter 80

1395 Words

Wala kaming imikan ni Kai sa byahe hanggang sa makarating kami sa DRIS. Laman ng isip ko ang bago kong nadiskubrehan. Kung sakali mang siya nga nag nagpadukot sa akin, hindi ko siya mapapatawad! Pinahamak niya ako! "Nandito na tayo," biglang sabi niya. Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin sa malayo. "Dimples, let's go." "Ikaw ang nagpadukot sa akin noon." Hindi niya naituloy ang pagbukas ng pinto ng driver's seat. Tiningnan niya ako. "Ikaw ang nagpadukot sa akin!" ulit ko at sinalubong ang kaniyang tingin. Nag-abot ang mga kilay niya. "Bakit mo ginawa 'yon? Alam mo bang muntik na akong mapahamak noon?! Alam mo bang muntik na akong magahasa no'n kung hindi lang dumating si Renzi?!" mangiyak-ngiyak kong bulyaw sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Sumagot ka, Kai!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD