Tumulo ang luha ko habang nanginginig ang kalamnan ko sa takot. Yakap-yakap ko si Renzi. Kinapa ko ang likod niya at hinanap kung saan siya Banda tinamaan. "Huwag ka nang tumayo kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!" Napadilat ako nang marinig ang boses na iyon kasabay ng pag-igkas ng puso ko. Nilingon ko ang pinagmulan ng boses at nakita ko matangkad na lalaking may hawak ding b4ril at nakatutok kina Ronald. Nang balingan ko ng tingin ang dalawang magkaibigan ay napanganga ako dahil nakasalampak na sa semento si Ronald. Ang b4ril na hawak nito ay tumilapon. Kung gan'on, hindi pala si Renzi ang nab4ril kundi ang kamay ni Ronald ang tinamaan! Naluluha kong tiningnan ang lalaking nagligtas sa amin. "K-Kai..." Kasunod niya sina Shun at Hiro. Naiwan naman si Mark sa sasakyang dala

