Nagmadali akong bumaba para umawat pero pinagsisihan ko rin matapos mapagtanto ang malaking pagkakamali. "Dimples?!" gulat ni Mark. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Shun. Hindi pala dapat ako bumaba! Sheyt! Lahat sila ay natigilan at nakatingin sa akin. Sumipol si Hiro habang sinusundan ng makahulugang tingin si Shun. Seryoso naman ang mukha ni Renzi at ang mga mata ay nagtatanong. Samantalang nag-igtingan naman ang mga panga ni Kai "What's the meaning of this?" mariing tanong ni Kai. Napaatras ako. "Shunjiro! What's this?!" gigil niyang sigaw sa kaniyang pinsan. Kaagad na namutla si Shun. Hindi nakatiis si Kai at kinwelyuhan niya ang kaniyang pinsan. "Tinatraydor mo na naman ako?!" "Easy insan. Tinulungan ko lang siya." Isang malakas na sapak ang nakapagpatahimik kay

