"TITO RYUSHI, HUWAG!" Pinipilit kong awatin si Tito Ryushi pero hindi ito nagpapigil. Binanatan nito ng suntok si Kai. "Tama na po! Tito, walang kasalanan si Kairo!" Hinahatak ko na ang kwelyo nito. Pero sa halip na tumigil ay kinaladkad pa nito si Kai patayo. Kung anu-anong ibinato nitong salita sa kaniya. "I told you to stay away from her!" bulyaw nito kay Kai. "I can't... And I won't." "You..!" "She's mine, dad." Muling itinaas ni Tito Ryushi ang kamao para suntukin si Kai pero mabilis kong hinila ang braso ni Tito at niyakap ito sa beywang. Natigilan ito sabay tingin sa akin. Umiiyak naman akong nakasubsob sa dibdib nito. "Tito Ryushi, tama na po. Tama na. Huwag niyo nang saktan si Kai." Hindi nakakibo si Tito Ryushi. "Dimples!" Dahan-dahan akong tumingin kay K

