Sa bathtub ang bagsak ko matapos kong sukahan kanina ang kotse ng lalaking sumundo sa akin. Ni hindi ko na maidilat ang mga mata ko dahil sa kalasingan. Napapiksi ako nang pasiritan niya ako ng shower. "Ano ba?!" Wala na akong nagawa dahil basang-basa na ang buong katawan ko. Nang huminto siya ay saka ko lang binuksan ang mga mata ko. Bumungad sa paningin ko ang gwapong mukha ni Kai na sobrang seryoso. "Ba't ka naglalasing? Paano na lang kung hindi kami dumating ni Hiro? Sino'ng bubuhat sa inyo? Huh?!" "Hindi kami lasing." Sarkastiko siyang ngumisi. "Hindi ka pa lasing sa lagay na iyan? Ni hindi mo na nga namalayan na nakahubad ka na pala." Napatingin ako sa sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong natanggal pala ang tali ng strap na suot ko. Labas ang dibdib ko na tangi

