"Founder, kilala mo?" tanong ni Luke. Mabilis kong dinakma ang kwelyo nito saka hinatak. "Magsabi nga kayo ng totoo, sinaktan niyo ba ang babaeng 'yan?" "H-hindi, founder! T-touch lang. K-kunting hipo lang nam—arrrr! Ahuhu!" Napabaluktot ito matapos ko itong dagukan. "F-founder! B-bakit naman kayo nananakit!" "Ilapag mo na 'yan don sa kama!" baling ko kay Dominic na hindi pinansin ang pagdaing ni Luke. "Founder, type mo ba ang babae?" tanong naman ni Dominic sabay pakawala ng makahulugang ngiti. Sinamaan ko ito ng tingin. Nasindak naman kaagad at wala nang imik na pinahiga sa kama si Dimples. "Tandaan niyo ang mukhang 'yan. Next time you see her, 'wag na 'wag niyo na ulit siyang hahawakan! Clear?" "Head and shoulder, founder!" "Mga gago! Magsilayas na nga kayo!" sigaw ko saka ini

