Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Kairo. "Woah! Bra! Walang favouritism!" rinig kong sabad ng isa pang pamilyar na boses. Lagot! Si Hiro yata iyon! Ang pinakamanyak sa kanilang lahat! Kung gano'n, pupunta kami sa bahay ni Shunjiro? At nandoon pa ang iba niyang mga kaibigan?! Lalo na 'yong manyak na Hiro na iyon?! At higit sa lahat, naroon din si Kairo!? Oh, God! Ano'ng gagawin ko? "Ah, Renzi, h-hindi mo ba ako ihahatid sa Cavite?" "Do I owe you a favor?" "Ha?" "Ha?" panggagaya niya. Naasar naman kaagad ako. Sarap batukan. Pero magpapakabait ako. Susubukan kong magpakyut baka sakaling tumalab at makumbinsi ko siyang ihatid ako diretso sa Cavite. "Ahm, Renzi..." Tumingin ako sa kaniya sabay ngiti. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko kasabay ng pag-ipit ko ng aking

