"I-ikaw?" Mula sa pagkakaupo ay tiningala ko siya at siya naman ay nakapamulsang nakatungo sa akin. Matapos ang mahigit isang taon, hindi ko akalaing makikita ko siya ulit. Napalunok ako nang mapansin ang mariin na titig niya sa akin. Naalala niya kaya ako? Sana hindi. Sana nga hindi! Gosh! Kinabahan ako lalo. Baka makilala niya ako at maalala na ako ang babaeng sumampal sa kaniya noon sa harap ng madaming tao. O baka naman, kaya siya nandito dahil kasamahan niya ang dumukot sa akin! Baka nga siya ang nagpa-kidnap sa akin! Baka matagal na nila akong hinanap para gantihan at parusahan! And now that they have found me, baka ito na ang gabi ng paghusga ko at magiging katapusan ko! Kung anu-ano nang masamang hangin ang pumapasok sa utak ko na lalong naglagay ng takot sa dibdib ko. "A-an

