Ilang segundong nanahimik si Mark at pinoproseso ng kaniyang utak ang sinabi ko. Mayamaya'y kumunot ang kaniyang noo. "She's your sister? Says who?" Nag-iwas ako ng tingin. "Kutob ko lang. Nakita ko ang litrato niya sa mga gamit ni dad na nakatambak sa attic. I know dad is hiding a secret from us. When I asked him about it, takot siyang magsalita. Hindi siya umamin. Pero basi sa mga aksyon niya, alam kong may kaugnayan siya kay Dimples. Bukod do'n, tulad nina tito Ricky at ninong Ryushi, kilala rin niya ang mama ni Dimples. Umiyak pa nga siya noong namatay ito." Muli siyang bumuntong-hininga. "Well, hindi mo naman pwedeng gawing basihan ang kutob lang, Renzi. You're overthinking. Malay mo, hindi pala kayo magkapatid." "Magkapatid man kami o hindi, I still want to protect her." "And lo

