*** * *** JAPAN!!! Halos halikan ko na ang sahig ng Haneda airport ng Japan international airport dahil sa saya nang makababa na kami ng eroplano. First time kong pumunta sa ibang bansa at sa Japan pa! Dream come true 'to! Sumalubong kaagad sa akin ang kakaibang hangin dala ng lamig ng panahon. Bagaman nakasuot ako ng makapal na jacket na binili ni Ryushi para sa akin noong nasa Pilipinas pa lang kami pero iba pa rin talaga ang lamig nito. Nagsuot na ako ng scarf at makapal na gloves pero ang pisngi ko ay hinahalikan pa rin ng malamig na hangin. Pakiramdam ko tuloy, nagyeyelo na ito. Sumakay kami ng taxi cab at sa daan pa lang ay namangha na ako sa mga dekorasyon. Pinalamutian ng maraming lungsod sa Japan ang kanilang mga kalye ng mga Christmas light. Ang bawat punong nakatayo sa g

