Renzi's POV] "Renz!!! Babyyyy!" Napaigtad kami pareho ni dad sa biglang pagsulpot ni mom sa labas ng pinto. "M-mom!" Paimpit siyang tumili habang tumatakbo palapit sa akin. "My baby!" Kaagad niya akong niyakap nang mahigpit at pinaulanan ng kaniyang halik. "Ang bango pa rin at ang gwapo ng baby ko!" Alangan akong ngumiti at pasimpleng tumingin kay dad. Nakita ko ang pagtago niya ng litrato sa kaniyang bulsa. "Uhhh... Ang baby ko! Sobra-sobra-sobra kang na-miss ni mommy!" tili ni mom habang sapo ang magkabilang pisngi ko. "I missed you too, mom." "Come! Ipagluluto kita ng favorite bestik mo!" Hinila niya ako palabas pero pinigilan ko siya. "Ah, mom, nagluluto na po ngayon si Yaya." Umingos siya saka pumulupot sa braso ko. "Bakit ngayon ka lang dumalaw, ha? Mukhang sobra kang na

