bc

His Cheating Heart

book_age18+
14.6K
FOLLOW
44.8K
READ
second chance
drama
bxg
cheating
like
intro-logo
Blurb

Rafael is a cheating man. He broke Contessa's heart. Pakiramdam niya may kulang kaya naghanap siya ng iba. Sa paglipas ng mga taon, nagtagpong muli ang mga landas nila. Nabuhay din ang mas maigting na pagmamahal niya sa dalaga. Will he have second chance with her kung sinaktan niya ito ng lubusan noon?

chap-preview
Free preview
Simula
“Nandiyan iyong Rafael.” Malinaw niyang narinig ang sinabi ni Tiya Fidela pero hindi siya tuminag. Ramdam niya ang gigil sa boses ng tiyahin. Katulad niya, galit ito sa lalaki. "Kakausapin mo ba? Once and for all, haharapin niya ang lalaking ito. Sa kahuli-hulihang pagkakataon. Mula sa pagkakahiga ay inut-inot na bumangon siya. Bahagya pang umikot ang pakiramdam niya kaya mariin siyang napahawak sa hamba ng bintana habang nakapikit ang mga mata. Hinintay niya munang humupa ang pagkahilo bago niya ibinuka ang mga mata. Nag-ayos siya ng buhok at nagpalit ng maayos na damit. Kahit kaunting dignidad man lang ay maibigay niya sa sarili. Bitbit niya ang may katamtamang laking kahon paglabas niya. Naglalaman iyon ng mga memorabilia at lahat ng bagay na nagmumula sa lalaki. Wala siyang itinira kahit isa. Sa maliit nilang sala niya naratnan ang lalaki. Nakatungo ito. Nakatukod sa dalawang tuhod ang magkabilang braso nito. Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha nang mapansing nasa harapan na siya nito. Ngayon ay magkasalubong ang mga titig nila ngunit ‘di niya pinagkaabalahang basahin ang emosyong nilalaman ng mga mata nito. Para ano pa? Kataksilan din lang naman ang makikita niya. Napapaisip siya kung ilang ulit na itong nagawa ni Rafael sa kanya. Kaya pala nanlamig ang sabi nito’y pagpapakasal sa kanya. “Huwag na,” pigil niya sa lalaki nang tangkain nitong tumayo. “Mabilis lang naman ito.” With all she could, kailangan niyang umaktong matapang sa harap nito. Sa paraang ‘yon man lang ay mapapanatili niya ang dignidad sa sarili. Kahit na nga sa loob-loob niya ay nagkapira-piraso na siya. “Contessa-” “Ito na nga pala lahat ng mga bagay na nagmula sayo. I guess, wala nang silbi na manatili sa akin ang mga 'yan,” maagap niyang putol sa sasabihin pa nito. “Ibinabalik ko nang lahat sa’yo.” Napatungo si Rafael. Ilang saglit din ang lumipas na wala itong ibang sinabi. Ganoon din katagal na nakaangat sa ere ang hawak niya. “I’m sorry.” Pinakaunang beses na nag-apologize sa kanya si Rafael. Naging mas konkreto tuloy ang nagawa nitong kasalanan. “Para saan ang sorry?” kalmado niyang tanong. Napipi ito. Hindi makasagot. “Para sa halos tatlong taon na ibinuhos ko ang lahat ng pagmamahal sa’yo o para sa sarili mo na sa loob ng mga panahong ‘yon ay nagpanggap kang mahalaga ako at nasayang ang buhay mo?” Sinikap niyang huwag mapaiyak. Pain was hammering her chest but she a ted so brave. “Minahal mo nga ba ako?” Kahit minsan kasi, hindi niya narinig ang mga salitang hinahanap-hanap niya. “Kahit papano ay minahal kita.” Kahit papano. Conditional. Parang pasang-awa lang sa exams. “Pero hindi ka masaya sa akin.” Doon na pumiyok ang boses niya. Para kasing ang sikip-sikip ng dibdib niya. May kung anong awa namang nagdaan sa mukha ni Rafael. Pero wala itong awa. “Pasensya ka na at hindi ko kayang ipagkaloob sa’yo ang kaligayahang maibibigay ng babaeng ‘yon.” Nagdaan sa isip niya ang nasaksihang tagpo sa pagitan ng mga ito. ”Hindi ko rin kayang pantayan ‘yong mga ambisyon mo. Ganito lang kasi ako, eh. Simple lang ang buhay na gusto ko. Kaya, ang dali-dali sa’yong itapon ang lahat ng pagmamahal ko sa ‘y.” Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. Tumulo iyon ng kusa ngunit maagap niyang pinigil. Crying in front of this cruel man means defeat. Kahit dito man lang ay hindi siya matatalo. “Sana, sinabi mo na lang,” sa halos pabulong na boses ay sinabi niya. “Maiintindihan ko naman ‘yon, eh. Kahit mahirap pipilitin kong intindihin.” She paused for air. “Mahal na mahal kita. Sobra. Kaya, kakayanin kong pakawalan ka. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa 'yo kasi alam ko kung gaano kahirap ‘yon. Alam ko naman simula pa lang na isang sugal ka. You are a risk I was willing to take. Sumugal ako hoping na maiba naman ang kapalaran ko sa nanay ko.” Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib. “Pero wala din. Everything was just a dream. Sana nga lang ay sinabi mo nang mas maaga. You could have had some decency to tell me the truth nang 'di ako nalulugmok ng ganito.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
519.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.4K
bc

Broken Angel

read
4.6K
bc

Unloved by the billionaire

read
400.6K
bc

Unexpected Romance

read
40.1K
bc

The Ex-wife

read
215.0K
bc

The ex-girlfriend

read
140.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook