Crush? Paghanga lang naman yun sa isang tao diba?
Pero masyado akong naging close sakanya.
Kaya noong kailangan na namin mag hiwalay naging mahirap sakin.
Bakit kailangan nya pang umalis? Lumayo? Kung kelan nag sisimula na akong mag bago.
Dahil sakanya..
Yung crush lang sana naging love na yata.
.
.
.
.
.
.
First day of school..
Well tinatamad na naman akong pumasok. Paano lagi naman kasing walang ginagawa pag first day. Kaya naman tinatamad akong pumasok.
Sipag ko ba?
First day pa lang ala nyo na kung gaano ako kasipag.
Masyado talaga akong madaldal. Jasmine Haylee Alcantara. Fourth year high school student na ako.
Salamat naman at graduating na. Sa wakas!!
Naku!! Kaya naman ako tinatamad pumasok kasi naman, new classmates lang naman ang makakasama ko for the whole year. Bakit ba naman kasi nalipat pa ako dito sa ibang section pero ung iba sakanila naging classmates ko na. Pero syempre iba pa din yung group of friends na nakasanayan mo na.
Ang daldal ko ba masyado? Dito lang naman ako madaldal pero sa personal, shy type talaga ako.
Tapos tahimik lang din ako, hindi ako nag sasalita hanggang walang kumakausap sakin. Hindi naman kasi ako friendly. Noong first year ako si Cathy and Sam lang friends ko. Noong second year naman si Rea and Shaila lang. Noong third year, si Kim and Jelly.
Oh diba, ang hilig ko sa dalawang friends lang tapos never ko na ulit silang naging classmates. Kaya ayun every year iba-iba ang mga nagiging bestfriend ko. Pero nakikita ko pa din naman sila.
Pero dahil nga shy type ako, nahihiya na akong kausapin at lapitan sila. Ganito talaga siguro pag introvert ka, ang hirap mag adjust.
Ayan na pa kwento pa tuloy ako. Hindi naman siguro ako nakakaawa. Loner? Pero minsan mas gusto ko kasi mag isa lang ako. Gusto ko kasi ng tahimik lang ang paligid ko.
So, no choice need ko talaga pumasok ngayon.
Sa school...
Nag hihintay kami sa tapat ng room kasi sarado pa. Napaligon-lingon ako.
OHHHHMYY!!!
“Hey Haylee dito rin ba ang class mo?” Tanong sakin ni Phanie, naging classmate ko sya noog first year pa.
“Ahh.. Oo. Ikaw din ba?” Ang totoo naiilang akong kausapin sya.
“Yes. So classmate pala ulit tayo. Nice naman. Hey Kevin! dito ka din ba?” Tanong nya sa isang lalaking nakatingin samin. Ang dami naman kasing kakilala nitong si Phanie
“Yes Phanie. So classmates ulit tayo no.” Sagot naman ni Kevin.
Lumayo na muna ako sakaila kasi feeling ko out of place naman ako.
Loner na naman ang peg. Naka tayo lang ako mag isa dito malapit sa room namin, bakit ba naman kasi ang tagal i-open ng pintuan.
Ayun nga pala si Kevin Santos ang aking crush. First year palang crush ko na yan! Sad to say, hindi nya ko pinapansin.
Makalipas pa ang ilang minuto ay binukasan na din ang classroom namin. Welcome new school year, please be good to me.
“Kamusta ang bakasyon?? Hidi na naman kayo mga bago. For sure kilala nyo na ang isa’t-isa. So for today, ayusin na lang natin ang seat plan nyo.” Sabi ni Ms. Mendoza
“Ms. naman kailangan pa po ba talaga?” Biglang nagsitutol ang mga kaklase ko,
“Wag na po Ms.” Madami ang ayaw ng may seatplan pa. Oo nga naman, fourth year high school na nga naman kami pero kailangan pa ba talaga?
“Para mas madali kayo makilala ng mga teachers nyo. Madaming bagong teacher ngayon. So makakatulong naman yun” Paliwanag ni Ms. Mendoza
Well tahimik lang naman ako. Wala kaya akong lakas ng loob mag salita. Kasi nga mahiyain ako diba?
At ang ending wala rin naman nagawa ang mga kaklase ko kasi meron pa ding seatplan.
Ayoko nitong arrangement na to kasi kilala ko 'tong mga katabi kong 'to. Mga pasaway. Lahat na yata ng bad record nakuha na nila. Siguro kung may award para sa paramihan non for sure top one na sila.
“Hernandez, then Alcantara and Cruz” Tawag ni Ms. Mendoza
“Ohhhhhwww” sabay-sabay pang sabi ng mga kaklase ko.
Tss pasaway talaga. Yung muka ko hindi na maipinta. Kainis naman, ayoko ng mga katabi ko. Mag isip ka Haylee!! Ano ba yan, wag ka papayag.
“Ahhh. Ms. Mendoza, pwede po ba mag palipat?” Naglakas na ako ng loob talaga.
“Why?” Napalingon agad sakin ang teacher namin.
“Ahhmmm kasi po. I’m not comfortable here.” Ito naman ang totoong dahilan ko. Totoo yon, ayoko talaga sakanila. Nakakatakot no at higit sa lahat ayokong mabully.
“Okay. Just wait, let me check if there’s still a vacant chair.” Wow ang lakas ko naman yata sa teacher namin or baka nakita nya talaga sa muka ko na hindi ako komportable sa pwesto ko.
“Here you go Alcantara. There” Itinuro ni Ms. Mendoza ang kabilang side ng room. Tiningnan ko muna kung sino makakatabi ko baka kasi mamaya worst pa pala. Napaka judger lang.
Pag tingin ko naman, nakita ko si John Renz Bautista, tapos sumenyas pa sya sakin na dun na daw ako sa tabi nya. So napangiti naman ako. Mabait naman kasi sya.
Tumayo na ako at umupo sa tabi ni Renz. Naging classmate ko sya noong third year kami pero di ko sya talaga nakaka usap or naging close.
Lagi lang akong tahimik.
“Hi seatmate.” Bati ni Renz sakin, nginitian ko sya.
“Hello” Shy talaga. Ang tipid ko talaga sumagot.
“Alcantara, are you comfortable in your place now?” Tanong ulit sakin ni Ms. Mendoza
“Yes po Ms. Thank you po” Buti nalang talaga pinayagan nya akong lumipat.
So ayun na nga ang first day. Tapos nag botohan na ng class officers.. Natapos ang not so eventful first day ko.
SECOND DAY..
“Aga mo naman pumasok Jazz” Bati sakin ni Renz, maaga talaga ako pumasok para makaiwas na rin sa traffic.
“Ahh.. Oo, ikaw din din ang aga mo” I appreciate Renz kasi nag eeffort talaga syang kausapin ako.
“Aala naman, malapit lang kasi ang bahay namin dito.” buti pa sya ang lapit lang ng bahay ako kasi 45 to 1 hour ang byahe ko.
“Kaya naman pala kasi ako mga 45 minutes to 1 hour ang byahe ko, so need talaga ng maaga akong umalis at makaiwas na din sa traffic.” Paliwanag ko sakanya. Wala pang masyadong tao sa room namin.
“So dapat ikaw ang naging class monitor natin” Nag open na naman sya ng new topic.
“Huhh? bakit naman ako?” Naguguluhang tanong ko, ayoko naman magkaroon ng responsibility.
“Ang aga mo kaya, wala lang naisip ko lang” Natatawang sagot nya sakin.
Nagpalipas pa kami ng ilang minuto, kwentuhan ng mga walang kwentang bagay at na enjoy naman namin.
Dumating ang first teacher namin. Ohh no! Math ang first subject. I love math actually but math hates me. Kahit anong aral ko dyan sobrang hirap na hirap talaga akong intindihin.
Lumipas pa ang mga araw at dumating na ang buwang ng Hulyo.
Naging kaibigan ko naman sina Renz tapos may isa pa si Rish, mabait naman sya at mas lagi ko na syang kasama.
“Jamie?” Tawag ni Ms. Santos
“Wala pa po Ms.” Sagot ng kaklase kong si Louie.
“She’s always late? Almost one month na yan, laging ganyan ah. I need a new class monitor.” Sabi naman ni Ms. Santos.
Habang ako busy sa pag rereview kasi may quiz daw sa math. Grabe hindi ko pa din maintindihan ito. Paano ba 'to sagutan.
“Ms. Santos, I think Haylee can be our new class monitor.” Napalingo ako kay Renz, bida-bida din tong isang to.
Nagulat ako at napatigil ako sa pag rereview. Why me? Ayoko nga ng masyadong napapansin tapos gagawin pa akong class monitor.
“Well, I think it’s a nice idea Renz” Sumang ayon naman agad si Ms. Santos.
“Here’s the class record. Then you need to check it....” Nag explain agad si Ms. Santos, pumunta pa sya sa upuan ko at hindi na tinanong kung gusto ko ba maging class monitor. Na explain nya na yung gagawin ko. Ako daw mag ccheck ng attendance at ng mga late comers. blah blah blah..
“Hoy ikaw! Napaka pasaway mo Renz. Bakit mo naman sinabi yon kung ikaw na lang kaya.” Pilit kong binibigay sakanya ang class record.
“Okay na yan. Bagay naman sayo” Tapos tatawa tawa pa sya, ang sarap sakalin.
“Bahala ka dyan, lagyan kita dyan ng absent.” Pang aasar ko din sakanya.
“Hoy hoy.. Ang aga ko kaya lagi dumating. Nauuna pa nga ako sayo tapos absent?” Hindi makapaniwala ang loko. Inaasar ko lang naman kasi.
“Ohhh, ikaw na lang kaya tutal mas maaga ka pa palang dumadating sakin” Lalo ko pang inaabot ang class record sakanya.
“Wag na. Tara na nga mag review na tayo. Math pa naman, parehong love pa naman natin yan” Sobrang sarcastic talaga. Nag sama pa kaming parehong mahina sa math.
Well, mabait pala yang si Renz kasi noong third year kami muka kasi syang suplado. Hindi din sya nakikihalubilo sa iba kaya lalong naging suplado. Sabi nya nga sakin last time, dati daw kaya hindi nya ako ma approach kasi muka daw akong mataray. Tahimik lang talaga ako pero mukang mataray? Hindi naman.
The next day..
Maaga na naman akong dumating as usual. So soud trip muna ako habang naka yuko sa table ko, maaga pa naman. Hindi ko naramdaman na may katabi na pala ako.
“Pasend naman ako nyang song na yan” Kinalabit ako ni Renz.
“Tss. Nakakagulat ka naman. Bakit kasi bigla-bigla kang nag sasalita dyan. Ito ba? Korean song to.” Baka kasi hindi nya din trip ang mga kpop or yung mga korean songs na madalas kong pakinggan.
“Okay lang. Napapanuod ko nga minsan yang boys over flower eh. Ang astig nga ni Ji Hoo lalo na pag nakasakay sya motorbike nya." Ayy kaya pala, na kwento nya kasi sakin na meron daw syang motorbike.
“Sige open mo na yung Bluetooth mo” (A/N: year 2009 po ito hindi pa uso ang share it.)
Infairness pareho pa kaming N95 ang phone. Nakakatuwa naman.
“Open na” Tapos inabot nya sakin.
“Sino ka dito? Louie, Mylabs, Enchay, blue, nhoj, loveee,” Ang dami kasing naka open palang bluetooth device.
“Yung nhoj” sagot nya.
“Ayan connecting na, bakit nhoj?" curious lang naman ako.
“Jonh" simpleng sagot nya. Ahh oo nga no,baliktad lang ng john yung nhoj. Hindi ko naisip yon.
“Weeeh? Baka naman ikaw tong si Enchoi. Tapos destiny yata kayo ni Enchay." Pang aasar ko pa sakanya. Ang hilig ko na syang asarin. Well sabihin na nating, Crush Ko Si SeatMate
“Enchoi ka dyan, hindi ako yun..” Pinipilit nya ring hindi sya yon.
“Oh ano asar ka na? Ayyyiiieee Enchoi” tinuloy ko pa ang pang aasar sakanya.
“Ewan ko sayo pechai..” Balik pang aasar nya sakin.
“Hoyy. Ano sabi mo? Pechay? Hindi nga ako kumakain ng gulay.” Sagot ko sakanya. Nagiging madaldal ako pag kasama sya, dami nya kasi kinukwento sakin. Grabe tong lalaking tong, daig pa ang babae. Sobra ang daldal.
“Inaasar mo kasi akong Enchoi. Eh di ikaw si Pechai..” Balik pang aasar nya din sakin.
“Sus! bahala ka dyan. Enchoi..” Hindi pa din ako tumitigil sa pang aasar.
Nag start na ang class. Okay naman at hindi ako na bo-bored kasi si enchoi kasi. Kung anu-ano pinag gagawa.
So enchoi na ang tawag ko sakanya. Pero nakakaasar kasi pechai naman tawag nya sakin parang gulay lang. Pero di ko sure bakit kinikilig ako. Atleast kahit corny may endearment kami.
“Pechai pahiram ng relo mo” out of nowhere yon ang sinabi nya.
“Makinig ka nga baka matawag tayo nyan. Tapos Religion pa naman kami. Si Ms. Reyes pa naman.” Mahigpit pa naman itong teacher namin.
“Pahiram lang naman eh.” parang batang nagtatampo. No choice. Hindi naman titigil ito hangga’t hindi ko pinapahiram. So ayun binigay ko na.
“Para kang baliw. Dala-dalawa pa ang suot mong relo..” Tiningnan ko pa sya. Parang sira din ang isang to.
Binigay nya naman sakin yung relo nya at sinuot ko naman.
“Ang laki nito sakin eh baka mahulog to enchoi..” Infairness maganda ang relo nya.
“Basta suot mo muna yan pechai..” Okay lang naman. Kaya sinuot ko pero ingat na ingat ako baka mahulog ko kasi.
Ayy naku. Habang tumatagal nagiging malapit ako kay JOHN RENZ. Crush ko na talaga sya.
Well.. mabait, gwapo, matalino din naman but we both love math and math hates us. Mayaman, cool, lahat na nga yata ee..
One time nagulat na lang akong bigla nyang hinawakan ang kamay ko habang english class namin.
“Hoy chansing ka enchoi..” Nagulat ako pero may kilig.
“Hindi ahh, inaantok na kasi ako. Massage mo nga kamay ko pechai” inutusan pa nga ako pero ginawa ko naman. kilig naman kasi ako.
Naging daily routine na nga namin to. Mag papalit ng wrist watch, hahawak sa kamay. Mas naging close pa nga kaming dalawa.
Araw-araw na huhulog ang loob ko sakanya. One time hindi sya pumasok. So ang booooooring lang. Wala akong ka kwentuhan, walang nangungulit.
RENZ P.O.V
Ako si John Renz Bautista.
Kahit gusto ko pumasok ngayon para makita si Jazz, si Haylee, si Pechai ko. Wala na hindi ko na sya makikita. Pinag bawalan na kasi akong pumasok. Hindi na daw pwede. Nalulungkot lang ako dito sa bahay namin. Napatingin ako sa left hand ko. Yung wrist watch ko, gusto ko ulit makipag palit ng relo sakanya at mahawakan ulit ang kamay nya.
Pero……
Hindi na yun mangyayari, masakit pero kailangan tanggapin na nag bibilang nalang ako ng buwan, oras, minuto, segundo sa nalalabi ko pang panahon. Swerte na nga daw ako at umabot pa ako ng 17 years kasi mahina ang puso ko. Madami akong iniinom na gamot pero hindi na tinatanggap ng katawan ko.
Pumapasok na lang ako dahil naging masaya ako kasama si pechai. Hindi naman siguro masama maging masaya sa mga huling sandal ng buhay ko. Hindi man lang ako nakapag paalam sakanya na hindi na ako papasok.
Sana kahit sa huling oras ko makita ko sya.
Haylee P.O.V
Naman ohh. One week na, hindi pa ba papasok si Enchoi? Nag check kasi ako ng attendance, lagot talaga sakin yun pag pasok nya. Ang dami nya nang absent dito oh! Miss ko na si Enchoi, wala kasing nangungulit kasi sakin.
“Where’s the class record Haylee?” tanong sakin ni Ms. Santos.
“Here po Ms.” Inabot ko sa teacher namin. Naman oh. Yari ka enchoi, makikita na ni Ms. na madami kang absent. Ano ba problema nung lalaking yon.
“Starting today, Mr. Bautista will not go to school anymore” Nagulat ako sa biglang announcement ni Ms. Santos
“Why po Ms.?” Curious natanong din ni Louie.
“Because Renz is still in the hospital. Why don’t you go and visit him?” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Bakit nasa hospital sya, hindi man lang nya sinabi sakin. Naman tong si enchoi, nasa hospital lang hindi na papasok. Grabe. Ilang days pa lang naman syang absent kaya pwede naman sya ma excuse.
“So totoo pala ung sakit nya?” narinig kong sabi ni Maxine
“Oo, dati pa yun nung elementary pa kami” sagot naman ni Henry
“Kaya pala muka syang mahina, dahil sa sakit nya. Kawawa naman, mabait pa naman yun” sagot ulit ni Maxine, hindi ko maiwasan na pakinggan ang usapan nila.
Anong sakit? Anong meron? Hindi ko sila maintindihan. Uwian na, pupunta na lang ako sa hospital para dalawin si Enchoi.. ahmmm Fruits na lang siguro ang dalahin ko, pwede na siguro yon.
SA HOSPITAL
“Hello Miss. Where is John Renz Bautista’s room?” tanong ko sa may info desk na nurse yata.
“Room 482 po” Tumingin sya sa computer at itinuro sakin ang papunta sa kwarto ni Enchoi.
“Okay po. Thank you” Umalis na ako at hinanap ang kwarto. Mabilis ko namang nahanap at kumatok muna ako.
May matandang nag open. Dad nya siguro to.
“Good afternoon po, dadalawin ko lang po sana si Renz. Friend nya po ako..”- Pagpapakilala ko sa matandang lalaki na kaharap ko, pinapasok naman ako. Hindi ko kaya yung nakita ko. Si Renz, nakahiga lang at nakasuot ng oxygen mask. At maraming nakakabit na kung anu-ano sa katawan nya. Nanghihina ako.
“Pasok ka muna, maiwan ko muna kayo” Sabi nung lalaki at malungkot na ngumiti sakin.
Lumapit ako kay enchoi hindi ko maintindihan. Bakit ? Paano?
Nasa may bed side na ako ng mapansin nya ako at tinanggal ang oxygen mask at masiglang ngumiti sakin.
“Hoy pechai. Ano ginagawa mo dito? Cutting ka ba sa math? Ikaw talaga” Kahit nanghihina nakuha nya pang magbiro.
“At nakuha mo pa magbiro enchoi. Bilisan mo nga mag pagaling. Wala na akong makulit sa room. Ano ba yan.” Ayaw kong ipakita sakanya na kinakabahan ako, kailangan na magmuka akong malakas.
Umupo na ako sa may gilid. Napansin kong napatingin sya sa relo ko.
“Palit tayo” Agad nyang sabi sakin.
“Tss.. Hanggang dito ba naman..” Nakipag palit ako ng relo. So ayun, kwentuhan about sa school. Ewan ko ba sa taong to. Trip nya yung relo ko.
“Hoyy enchoi mag kwento ka nga sakin para saan pa at naging seatmate tayo. Ano bang sakit mo? Kelan ka ba talaga papasok?” Nilakasan ko na ang loob ko at tinanong ko na sya.
“Kailangan ko ba sagutin lahat ng tanong mo? Hindi na ako makaka pasok eh.” Malungkot na sagot nya sakin.
“Sus. Ikaw pa. Mag pagaling ka na.” Pinapasigla ko na din ang boses ko kahit medyo nanghihina na din ako.
“Kung pwede lang talaga pechai..” Tuluyan na syang nalungkot.
“Kung kaya ko lang pahintuin ang oras. Kung pwede lang talaga, gustong gusto ko pa talaga pumasok sa school. Makipag tawanan sayo pero hindi na pwede yun mangyari kasi nag bibilang na lang ako ng mga araw ko .” Hindi ko maintindihan ang mga pinag sasabi nya.
“Hoyyy, ayusin mo yang trip mo enchoi. Hindi nakakatawa.” Nangingilid ang mga luha ko pero pinipilit ko pa ding lakasan ang loob ko.
“Hindi ako nang ttrip pechai, mahina ang puso ko baka bukas o sa makalawa hindi na ako magising” Malungkot syang ngumiti ulit sakin at unti-unti nang pumatak ang luha nya.
Hindi ko na din napigilan ang mga luha ko, kusa silang kumawala. Hindi pwede yun mangyari, masigla naman sya nung mga nakaraang araw. Nakikipagbiruan pa nga sya.
“Pero paano yun nangyari?" iyak pa din ako nang iyak.
“Na inherit ko tong sakit sa puso sa mom ko. She also died because of having a weak heart. Sabi ni doc. Prayers na lang daw.Hindi ako pwedeng mapagod. Madalas na ding sumasakit ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Alam mo ba pechai hindi na nga dapat ako papasok ngayong school year. Pinilit ko lang si dad. Buti na lang, atleast bago ako mawawala naging masaya ako kasi nakilala kita pechai. Wag ka ngang umiyak dyan. Ang panget mo” Nag da-drama na nga sya nakuha pang mag biro.
“Pero bakit di mo sinabi sakin? Nakakainis ka naman enchoi. Hindi pa naman siguro kasi diba sabi mo sabay tayo nang kukuning course? Pareho tayong sa Med school mag-aaral?” Pag papaalala ko sakanya ng mga plano namin.
Nasabi ko ba na pareho namin gusto maging Doctor? Pero pinag-iisipan pa naming ang specialization namin.
“Kaya ikaw pechai, ikaw na ang mag patuloy sa mga pangarap natin. Kasi hindi ko na kaya, hindi ko na matutupad yun” Pero bakit? Nakakainis naman, kung kelan madami na kaming na plano ganito naman ang nangyari sakanya.
“Wag ka nga mag salita ng ganyan. Ikaw pa ba, kakayanin mo yan” Hindi ko alam kung sino ba ang pinapalakas ko ang loob, sya ba o ako.
Nag kwentuhan pa kami, hanggang sa makatulog sya. Bawal syang maging emotional. Bawal mapagod, ang daming bawal.
Araw-araw ko syang dinadalaw every after class. Sa ganun nagiging masaya daw sya, kahit ako masaya na rin. Lumipas ang dalawang buwan na ganun ang naging routine ko. Kaya nya pala hinihiram ang relo ko kasi daw baka daw mapatigil nya ang time tuwing mag kasama kami.
Alam nyo ba sa loob ng dalawang buwan, naamin ko na na crush ko sya at eto pa inamin nya din na crush nya ako. Akalain nyo yon, nagka gusto din pala sya sakin.
Naging normal lang naman ang mga dumaang araw. Ang sabi pa nga ni Doc na lumalaban daw ang puso at katawan ni Renz and it’s a good sign.
“Enchoi, alam ko na ang magiging specialization ko pag naging Doctor ako.” Medyo matagal ko na din namang napag isipaan to habang dinadalaw ko sya.
“Ohh?Nakapag decide ka na din sa wakas. So ano na?” Excited nyang tanong.
“Ahhm. Gusto ko maging cardiologist” Na inspired din kasi ako sa mga naging doctor ni Renz at higit sa lahat gusto kong gamutin ang mga katulad nyang may sakit sa puso.
“So ako ang yung una mong magiging patient” Natatawa nyang sabi pero sana magaling na sya bago pa ako maging doctor kasi gusto kong ituloy yung mga plano namin.
“Pwede naman! Libre pa. Kaya mag-aaral akong mabuti, hintayin mo akong maging Doctor ahh.” Sya naman talaga ang dahilan kung bakit gusto ko maging cardiologist. Para sakanya gagawin ko lahat. Naging malapit na ako sakanya.
AFTER SEVEN YEARS
“HOYYY. Ang gulo dito. Yung mga research mo ayusin mo naman” Inis na sabi nya sakin.
“Wait lang naman enchoi. I-sasave ko lang to..” Nagpapanic na din kasi ako. Tama. Naka survive sya sa loob ng pitong taon. Parang sa bahay na nga nila ako nakatira at isa pang malaking "oo" kami na nga. For six years kami na talaga.
Dahil bawal sya ma stress lagi lang sya nag papahinga. Tapos hindi na sya nag aral iwas stress na din. Kaya ako na lang daw mag patuloy ng pangarap naming maging Doctor.
So ayan na nga, nag aaral akong mabuti para sakanya. One year na lang makaka graduate na ako sa Med school.
“Anak, nainom mo na ba yung vitamins mo?” Tanong ng dad nya.
“Yes dad. May pupuntahan po kam-----ARRRRRRRRRRAAAAAAYYY” bigla kaming napatingin sakanya kasi sumigaw sya, pero iang kaba ang nararamdaman ko.
“RENZZZ..” Sigaw din ng dad nya.
“Enchoi. Wait tito, dlahin na po natin sya sa hospital” Nagpapanic na din ako dahil nawawala na ng malay si Renz.
Nakahiga na si enchoi sa kama.
“Enchoi. Okay ka na ba? Anong gusto mo? Water? Gutom ka na ba?” Pinipigilan ko lang ang mga traydor kong luha. Hindi ko pwede ipakita sakanya to. Kailangan na maging matatag ako.
“Pechai. I’m tired. I want to rest” Mahinang bulong nya.
“Okay lang enchoi. You can sleep here. I’ll stay here just relax. Okay?. I’ll take good care of you. Because I’m your future doctor. Right?” Hinawakan ko ang kamay nya habang titig na titig ako sa muka nyang halatang nahihirapan.
“No! Pechai, I'm tired.” Ulit na naman nya.
“Shhh. Please enchoi.” Hindi ko pa yata kaya. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay nya.
“Enchoi, do you want to exchange our wrist watch?” Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Alam ko na naman ang ibig nyang sabihin pero hindi pwede. Isang taon pa, hintayin mo ako enchoi.
Habang nakapikit sya pinipilit nya pa din magsalita. "You know what pechai. I’m so thankful that I met you. For staying by my side for almost eight years. I’m so happy. So please be happy for me too..” Inabot nya sakin yung wrist watch nya. “Saiyo na itong watch ko. Gusto ko itago mo ito." Ngumiti sya sakin.
“Ano ba yang sinasabi mo? Please enchoi. Please” Hindi ko alam kung ano ba ang pinapakiusap ko sakanya pero hindi ko pa kakayanin.
“I want you to continue our dreams, i want you to be a good Doctor. I’ll be you’re guardian angel. Pag naging cardiologist ka na. Gusto ko tulungan mo din ung ibang mga tao na kagaya kong may sakit. Alam kong magiging mabuti kang Doctor. Jasmine Haylee Alcantara, I love you. Please always remember that.” Wala na akong ibang masabi at tumango ako kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
“I love you too John Renz Bautista. Please. Just wait for me, one more year enchoi. Isang taon na lang graduate na ako sa Med school, board exam. Gusto ko makita mong matupad ko ang ating pangarap. Diba sabi mo pupunta ka sa graduation ko?” Medyo matagal pa kung tutuusin kung gusto ko maging cardiologist, kailangan ko pa din mag aral ulit.
Hindi ko na napigilan pa. Iyak na ako nang iyak. Hawak ko pa din ang kamay nya. Suot ko yung relo nya pero sya nakapikit na, hinawakan ko at pinakiramdaman ang pulso nya. Mahina na ito.
Nooooo!!Hinid ko pa kaya. Wag naman ngayon. Please po Lord. Wag muna.
“Always remember Pechai that I love you. Mawala man ako lagi pa rin kita sasamahan, babantayan. Hindi man ako makarating sa graduation mo, isipin mo lang ako kasi I’ll be your guardian angel.” Mahigpit na rin ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
“I will enchoi. I love you too..” Mas lalo namang lumakas pa ang iyak ko kasi alam kong nagpapa alam na sya sakin.
“I love you pechai. Thank you for everything pechai.” Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya, pinilit nya rin na ngumiti sakin. Siguro dapat ko na ring sabihin sakanya. Baka nga ito lang ang hinihintay nya na sabihin ko.
"Enchoi, please take a good rest. Sleep now Enchoi and always remember that I love you forever." Kasabay ng pag ngiti nya ay ang pag sara ng mga mata nya at pagbitaw nya sa kamay ko. Humagulgol na ako ng iyak.
Wala na. Iniwan na nya ako.
For the last time I kiss him. I hug him. He left me.
TWO YEARS LATER
“Heyyy enchoi. Look at my certificate and here’s my licence. I’m a real doctor now. Alam ko namang lagilang kita kasama. Para i-guide ako. Baka nga minsan ikaw yung nag bubulong sa mga exams ko ng sagot.
*Biglang umihip ang hangin* Hahaha wag mo akong takutin enchoi. Alam kong kasama kita ngayon pero naman mag-isa lang ako dito sa harap ng puntod mo.
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita John Renz “ENCHOI” Bautista. My crush, my seatmate, my boyfriend.
I Jasmine Haylee “PECHAI” Alcantara, promise to be a good Doctor and to love you seatmate, forever.
--------------END--------------
[A/N: thanks for reading. Sana okay lang. Hindi man naging sila sa huli pero hindi naman kasi ganun lagi ang buhay diba? Minsan talaga kung kelan masaya ka na sa taong mahal mo doon naman sya kukuhanin sayo pero hindi naman dun nag tatapos ang isang kabanata ng buhay, pwedeng ito din ang maging dahilan ng pag bubukas ng isa pang kabanata ng buhay mo.] 12-23-12