CHAPTER 48 “Congrats!” masayang bati namin kay Paris nang malamang mare-release na ang bago niyang libro next week. Kasalukuyan kaming nasa Printovia ngayon dahil nagkaroon ng meeting regarding sa anniversary event ng kumpanya. Lahat ng employee ay invited na um-attend. Naatasan din na bawat department ay kailangan magkaroon ng performance, nang sa gano’n ay maging entertaining ang party. Hindi naman talaga kami totally na employee ng Printovia pero special participation pa rin kami since malaki rin ang naiambag namin sa kumpanya. “Thank you, guys!” medyo naluluha pa si Paris nang sabihin iyon kaya naman napangiti ako, kahit kailan talaga ay ang baba ng luha niya. “Congrats, Paris.” bati pa ng ilang writer na kasabayan naming lumabas ng meeting room. Agad naman nagpasalamat si Paris ba

