bc

Love Affair 1: Tainted Nights

book_age16+
682
FOLLOW
2.2K
READ
revenge
forbidden
possessive
dominant
twisted
bxg
office/work place
cheating
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

“We can’t just end our relationship with them, not now...” Quatro whispered as he placed sweet kisses all around my neck.

“Where will this dangerous game of cheating will lead us?” He cupped my face in his hand and a soft moan escape my lips when he kissed me with so much intensity.

***

Printovia and Viking press are well known publishing company in the country, but due to both troubled reputation, the two company agreed to make a collaboration novel to save their skins.

Being one of Printovia’s best-selling author, Tamara Quenery has always been known for having an unpredictable personality. She is fierce and passionate and always up for a challenge, so when her publisher asked her to do the collabㅡshe agreed to do it without a slightest hesitation.

However, doing that decision isn’t easy and isn’t supposed to be, especially when the other author is none other than Quatroㅡthe devilishly handsome guy who broke her heart in the past.

Their passionate yet twisted relationship will start when they both discover that their partners are having an affair.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Wait!” sigaw ko nang makitang pasara na ang elevator. Mabuti na lang at bumukas ulit iyon at nakitang nag-iisa sa loob si Anika, one of my bestfriend. Isa siya sa mga best-selling author ng Printovia kagaya ko. “Is the meeting... Really that urgent?” hingal na tanong ko pagkapasok sa loob. Halos ipahinga ko pa ang kamay ko sa tuhod dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo. “Not really, bakit hingal na hingal ka? Saang marathon ka galing? Haggard girl, ah. Mukha ka ng pauwi.” tumawa siya saktong pagkasara ng elevator. Tinignan ko tuloy ang sarili ko sa salamin, my hair is frizzy, I have sweat all over. Nalulusaw ang make up ko, what the hell? “Reikka texted me, ang sabi niya nag-uumpisa na ‘yong meeting at ako na lang ang kulang.” pilit kong inayos ang buhok ko at pinunasan din ang pawis ko gamit ang baon kong facial tissue. Natawa ulit si Anika at nakitang umiling ito mula sa repleksyon ng salamin. “And you actually believe that? Alam mo namang pinaglihi sa prank ang babaeng ‘yon. Malamang sinadya niya ‘yon dahil alam niya kung gaano kalala ang pagka-Filipino time mo.” saktong bumukas ang elevator sa fourth floor pagkasabi niya noon. Tuloy-tuloy lang ang pag-akyat kaya mabilis kaming nakarating. “Well, make sure to thank her later.” “No, I will f*****g curse that woman!” inis na sambit ko habang inaayos ang suot kong floral chiffon dress para kahit paano ay magmukha akong presentable, “Look at my goddamn shoes! Sa pagmamadali, magkaiba tuloy ang nasuot ko.” She stopped walking just to look down at my feet, she let out a loud laugh when she noticed that I’m wearing two different doll shoes. Magkaiba na nga ang kulay, magkaiba pa ang design noon. “Fashion wise. Are you aiming to be a trendsetter or something? Lol!” “Come on! This isn’t funny, Anika.” napairap ako bago maglakad muli. Some people greeted us and we greeted back, nagbubulungan pa ang iba kapag napapansin ang magkaibang kulay ng doll shoes ko. Ugh! This is mortifying, seriously! “Tungkol saan pala ang meeting? Wala ako masiyadong info since busy ako sa paggawa ng outline para sa book two ng trilogy ko.” tanong ko habang tinitignan ang repleksyon ko sa mga glasswall na madaanan sa hallway. “No idea. Short notice, eh. Nabigla nga ako nang maka-received ng message galing kay Miss. Hindi naman kasi siya nagpapatawag ng meeting dati, group chat lang oks na.” kibit-balikat niyang sagot bago itulak ang pinto ng meeting room. Naroon na si Reikka na agad tumawa nang lumingon sa akin since malapit ito sa pinto. Si Paris naman ay halatang na-weirduhan sa katabi niya. “What? Why? Why are you laughing?” she looks so lost that I want to laugh, too. “Tignan mo sapatos ni gaga.” tumawa ng malakas si Reikka bago ituro ang sapatos ko kaya saktong paglapit ko sa inuupuan nito ay sinipa ko siya sa binti. “You little monkey!” “Galit na galit, girl.” komento ni Anika pagkaupo niya sa katapat na upuan ni Paris. Umirap ako at umikot sa kabilang side at naupo na rin sa tabi niya kung saan katapat ko naman si Reikka na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. “Aw... What happened? You want me to buy you a new pair of shoes?” pag-alok ni Paris nang magpalumbaba ito, her kindness and innocence pissed me off somehow. “You know I have tons pair of shoes, Paris.” bumuntong hininga ako at tinapunan ng masamang tingin si Reikka. “Kasalanan ‘to ni Reikka, eh. She and her stupid prank!” “Chill, Tam. I’m just trying to help. Kapag kasi sinabi mong on the way ka na, ibig sabihin talaga eh.... Naliligo ka pa lang.” tumawa ulit siya ng malakas kaya umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng meeting room. Sa ngayon, apat pa lang kaming author na narito. “Filipino time at its finest.” tumawa si Anika ng tipid habang abala sa phone niya, probably playing games or messaging her boyfriend, Kier. “It’s okay, babe. Don’t mind them, you still look sassy.” Paris tried to comfort me so I just smiled. Iba-iba talaga ang personality naming apat but still, we click so well na para bang tinadhana na magkasama kami sa iisang company. Halos magkasabayan lang kaming apat na nag-sign ng contract kaya magkakasabay kaming nag-debut bilang bagong author ng Printovia, sabay rin na-published ang mga libro namin at kami-kami rin ang magkakasama sa mga event. Kasama siguro iyon sa mga dahilan kung bakit nasa iisang circle kami. Reikka is the boyish type, she’s very easy-going. Anika is the mix of mature and silly. Paris is kind and innocent and then there’s me... Well, how should I describe myself? Meticulous? Outgoing? Whatever. My personality is very unpredictable, nakadipende iyon sa mood ko. “Oh! Kumpleto na pala kayo.” lahat kami ay napatingin nang pumasok si Ms. Maria, our publisher. “Good morning.” “Good morning, miss.” sabay-sabay naming bati bago ito maupo sa swivel chair niyang nasa kabisera at ilapag ang phone niya sa mesa. “Apat lang po ba kaming kasama sa meeting?” puna ni Reikka. “Yeah, so let’s get down to business.” walang paligoy-ligoy na sabi nito at hindi na ipinaliwanag kung bakit kaming apat lang ang ipinatawag sa meeting. “You see, Printovia’s in a pinch. Kalat na sa social medias na nagsasapawan ang dalawa sa malaking publishing company rito sa Pilipinas.” “Viking press? Nakita ko nga sa sss ‘yong post na kapag may nilabas na bagong book ‘yong Printovia, maglalabas din ang Viking press and vice versa. I mean, what’s wrong with that? Hindi ba nila alam ang salitang strategy? That’s how business works,” pag-amok ni Anika. “Right, but still nasisira ang reputasyon ng both company. May issue pang may nangyayari raw na sabotage and so on, so para mamatay na ang issue, nag-decide kami ng Viking press na gumawa ng collaboration novel.” nagkatinginan kaming apat bago ibalik ang tingin kay Ms. Maria. “Last week pa ako nakipag-usap sa Viking press at pumayag naman sila since okay raw ‘yong idea... And since lalake ang napili nilang isabak sa collab, sinuggest kong babae ang isasalang ko para naman mas maganda ang kalabasan ng story, mas mabibigyan ng justice ang male and female character... By the way, the collab will be about dystopian-romance...” sumandal ito sa swivel chair at tinapik-tapik ang daliri niya sa mesa. “So yeah. Sino sa inyo ang gustong sumabak sa collab? Kayong apat ang matunog na author ngayon..” wala agad sumagot sa amin dahil hindi namin inaasahan na magkakaroon ng ganoong pakulo ang Printovia. I mean, Viking press is a freaking rival. “Uh, sino po ba ang isasalang nila?” tanong ni Paris. “Si Quatro, Quatro Marqiz.” wala naman akong iniinom ngunit nasamid pa rin ako. Pakiramdam ko ay may bumara bigla sa lalamunan ko nang marinig ang pangalang iyon. Tinignan ko ang tatlong kaibigan at nakitang nakaturo na sila sa akin. “Tamara can handle the collab, miss.” nakangiting sabi ni Anika kaya nanlaki ang mata ko at pinalo ang hintuturo niyang nakaturo sa akin. “Don’t point at someone else’s face, that’s rude.” I said through gritted teeth. “Am I missing out on something? Tamara, close kayo ni Quatro ng Viking press?” “Uh...” hindi ko alam kung ano ang sasabihin. “Kilalang-kilala.” pataas baba pa ang kilay ni Reikka nang sabihin niya iyon, dahilan upang pangmulatan ko siya ng mata. “Well, he’s... An.. Ex.. Friend?” hindi siguradong sabi ko. Mas okay nang ex-friend kaysa sabihin kong kaya ko siya kilala ay dahil ghinost niya ako exactly one year ago. Ugh! That freaking asshole. “Well, are you in or not? Makakatulong ‘tong collab sa future novels mo. Especially to your trilogy’s sales.” saglit akong napaisip ngunit nakapag-decide rin agad. I’m a person who likes challenges after all. “Okay, I’m in. Sayang naman ang royalties.” “Don’t worry, malayo pa naman ang deadline for manus. 70k words lang din naman ang kailangan sa novel.. Hindi naman siguro ‘yon makakaapekto sa pag-publish ng second installment ng trilogy mo.” ani miss. “Strong ni girl.” bulong ni Anika sa tabi ko kaya pasimple ko itong siniko. “Oh right, about the advance and royalties. Since it’s a collaboration, maghahati kayo ni Quatro, 50% each.” “I understand.” ngumiti ako ng tipid, mula sa ilalim ng mesa ay sinisipa-sipa ako ni Blake. Tinignan ko siya at nakitang nakangiti ito ng malawak, she’s being creepy again. What’s her problem? “I will arrange our meeting with Viking press and Quatro next week, mas okay na mapag-usapan natin ng maayos ang collaboration since reputasyon ng both company ang nakasalalay.” tumango lamang ako at ngumiti. Marami pa kaming napag-usapan sa loob gaya na lang ng magh-hire raw sila ng bagong editor since lumipat ng Viking press ‘yong isang editor na laging naka-assign kay Anika, kinumusta rin ni miss ang manus ni Paris since first time niyang gumawa ng new adult novel. Hindi rin niya nakalimutang kumustahin si Reikka because she’s currently experiencing a writer’s block. This publishing company really treasure us, tinuturing nila kami na para bang anak. They actually spoiled us, sinisigurado nilang okay kami sa lahat ng bagay. They gave us what we need, nakikipag-communicate sila sa amin ng maayos at kapag nagkakaproblema kami sa pagsulat, iniintindi nila iyon. Printovia is one of the most well known publishing company in the country, hindi lang dahil sa books. Pati na rin sa mga magazines and newspaper. Dahil sa company na ‘to ay nakahanap ako ng tunay na kaibigan... I really consider myself lucky. Pagkatapos ng meeting ay nagkanya-kanya na rin kaming apat since abala rin sila sa kanya-kanyang manus. Nasa taxi na ako nang mag-vibrate ang phone ko, agad ko iyong nilabas sa bitbit na sling bag at tinignan. [Babe, where are you?] [I’m on my way home, why?] mabilis na reply ko. [Nothinh, ungat ka. lpve you.] tipid akong napailing nang makita ang message niya, halatang nagmadali ito sa pag-type. Siguro ay nasa studio siya o kaya nama’y nagmamaneho. “Ah manong wait, dito na lang po ako.” sabi ko nang mahagip ng paningin ko ang isang branch ng favorite restaurant ko. Agad na ginilid ng driver ang sasakyan kaya naman tinignan ko ang metro at nagbigay na ng buong 200. “Keep the change po, thank you.” Pagkababa ko ng taxi ay naglakad pa ako sa sidewalk dahil medyo lumagpas kami. Doon na lang ako mag-lunch since malamang, walang pagkain sa apartment at natutulog na ang roommate kong si Czelle. Graveyard pa man din iyon sa trabaho niya. “Come on baby, why here?” napahinto ako sa paglakad nang makita si Rio, my boyfriend. And he’s with a woman, no less! Nakayakap pa ito sa baywang ng babae. What the hell? Parang kanina lang ay ka-text ko siya sa phone. “Masarap pagkain dito.” sagot ni Rio sa babae bago sila pumasok sa loob ng resto, mukhang hindi nila ako napansin kaya pasimple akong sumunod. “Good afternoon, ma’am. Welcome to Taste buds, table for how many?” “One.” agad na sagot ko sa receptionist, “You don’t need to accompany me, thank you.” Dire-diretso akong naglakad at pumwesto malapit sa glasswall, medyo malayo sila since nasa couch area sila. That f*****g asshole! Three months pa lang kami at nagawa na niyang mag-cheat? The audacity. “Good afternoon, Ma’am Tamara..” bati sa akin ni Jancarl, he’s the team leader of this resto. Regular customer ako kaya naman kilala na ako ng mga employee, kilala ko na rin ang iba sa kanila. “The usual?” “Yes please, less ice ‘yong drinks ko.” ngumiti ako at pagkaalis niya ay binalik ko ang atensyon sa couch area kung saan naglalandian ang dalawaㅡThey’re too sweet, it hurts my eyes. “Hey.” umangat ang tingin ko nang may um-approach sa akin. Sa sobrang pagkabigla ay nabangga ng siko ko ang table top tissue dispenser kaya nahulog iyon at gumawa ng ingay, sa sobrang panic na makuha ko ang atensyon nila Rio ay hinatak ko pababa si Quatro para maupo sa katapat na upuan. “The hell are you doing? Malulukot damit ko.” reklamo niya pa sa akin. “Shut up ghost buster.” singhal ko bago sumulyap sa couch area, abala pa rin sa pakikipaglandian si Rio. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon, seriously. I have high hopes of him butㅡ “Geez! Some men are really assholes!” umirap ako at binalik ang tingin kay Quatro na hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin. Nakatitig lang ito sa akin like I said something that amused him. “What?” “Nothing, why are you acting suspicious?” tumaas ang isa niyang kilay habang pinapagpag ang mangas ng white polo niya. Medyo nagusot kasi iyon nang hatakin ko kanina. Serves him right. Ano ba kasing ginagawa niya rito? At isa pa, kung i-approach niya akoㅡparang hindi niya ako ghinost noon! “Excuse po.” napatingin ako nang dumating ang waitress bitbit ang isang tray na mayroong iced tea, nagsalit-salit pa ang tingin niya sa amin ni Quatro. “Oh! That’s mine.” nakangiting sabi ko kaya inilapag na niya iyon sa harapan ko. “Thank you. Pwede bang i-take out ko na lang ‘yong food? Kunin ko na rin pati bill.” “Okay po, ma’am.” ngumiti ito bago ibaling ang tingin kay Quatro. Inilagay niya pa ang hibla ng buhok sa likuran ng tainga kahit naka-bun naman iyon. “Naka-order na kayo, sir?” “No, I’m good. Thanks.” matapos niyang sabihin iyon ay nag-excuse na rin ang waitress, mukhang bago lang siya rito kaya nagkibit ako ng balikat at ipinagpatuloy ang naudlot na usapan namin ni Quatro. “My boyfriend’s cheating on me.” pagsasabi ko ng totoo kahit na hindi naman niya kailangan malaman at sigurado naman akong wala siyang pakialam. “He’s there with his woman.” Hindi ko tinuro ang pwesto nila gamit ang daliri, I used my lips instead at sinundan naman iyon ni Quatro. To be honest, hindi ko alam kung bakit hindi ako naging awkward sa kanya. Na para bang hindi ako galit dahil binaliwala niya ako na parang basura noon. One year na ang nakalipas noong huli kaming mag-usap, nagkikita kami sa mga event ngunit hindi kami nagpapansinan. Simula ng pinutol niya ang relasyon naming hindi pa nakukumpirma kung ano ba talaga kami ay naging stranger na kami sa isa’t isa. Tapos ito at susulpot siya na parang kabute, na parang walang nangyaring ‘ghosting’ and seriously, what’s with the timing? “Bullshit.” hindi ko alam kung bakit pero iba ang naging reaksyon ni Quatro. Kinuyom niya ang kamay niyang nakapatong sa mesa at binalik ang tingin sa akin, nag-iigting ang panga. His expression was dead serious, what’s wrong with him? “You... Okay?” nag-aalangang tanong ko dahil parang apektado siya sa nakita. Tinignan ko ulit tuloy ang gawi nila Rio. “My girlfriend is flirting with your boyfriend. How can I be okay?” I blink several times, trying to process what he just said. “W-w-wait, girlfriend? That woman is your f*****g girl?!” hindi makapaniwalang tanong ko, as much as possible, sinusubukan kong hinaan ang boses ko. Medyo nakukuha na kasi namin ang atensyon ng ilang customer na malapit sa amin. I didn’t know that he has a girlfriend. Wala naman na kasi akong balita sa kanya matapos niyang mang-ghost. After din noon ay binaling ko na lang ang atensyon ko sa mga blind dates na ina-arrange sa akin ni mommy. Dahil doon ay nakilala ko si Rio, he’s a music producer at botong-boto sa kanya ang parents ko. Matanda siya sa akin ng tatlong taon, he’s very mature and goal-oriented kaya hindi rin ako nahirapang magustuhan siya. He’s the man of my dream but damn, he’s a freaking cheater! For damn’s sake! Kailan ba ako magkakaroon ng matinong karelasyon? Akala ko ay si Rio na ang the one pero mukhang hindi pa rin pala. “What are you going to do now? Revenge?” tanong ni Quatro kaya napatitig ako sa kanya. “Huh? What do you mean? Don’t tell me, inaasahan mong sasabunutan ko ang girlfriend mo? No. I won’t make a scene, I won’t step that low.” “Advance mo mag-isip,” umiling siya, “I’m asking if you want revenge, tutulungan kita.” “I don’t like where this conversation is going.” napasandal ako sa upuan at napatingin sa gilid nang dumating si Jancarl, inilapag niya ang paper bag at bill jacket sa mesa. Tinignan ko muna iyon bago nilagay ang credit card ko at nagpasalamat. “Let’s give them a taste of their own medicine.” ani Quatro pagkaalis ni Jancarl. “You want us to be together and cheat on our partner?” hindi makapaniwalang tanong ko at tipid naman itong tumango na para bang normal na gawain iyon. “Look, Quatro. Alam kong hindi ako gano’n kaseryoso sa mga karelasyon ko, I mean... I don’t date with the intention of marriage, but I’m not a f*****g cheater! Don’t lump me together with you and your stupid idea!” padabog kong kinuha ang paper bag sa mesa at dumiretso sa counter para pumirma at kuhain doon ang credit card ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga pagkalayo ko ng resto, pinadyak ko pa ang paa ko sa sobrang inis kaya nakita ko na naman ang magkaibang kulay at design ng sapatos ko. Ugh! “Hey.” naramdaman ko ang pagtapik na ginawa ni Quatro sa likuran ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. “What?” I almost yell at him but he didn’t care, nakatingin lang siya sa ibaba at tumawa pa talaga. “Nice... Shoes.” nag-thumbs pa siya sa akin, dahilan para masipa ko siya at magpatuloy sa paglakad para makapara na ng taxi. Nang makasakay sa loob ay hindi ko naisara agad ang pinto dahil pinigilan iyon ni Quatro. Hinawakan niya ang bubong ng taxi at yumuko para makita ako ng maayos. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa nakabukas na pinto. “What?! Hindi ako papayag sa gusto mo, okay? Leave me alone.” “I know,” tumango siya ng tipid. “I just want to say sorry.” “Apology accepted, now get lost!” sinubukan kong hatakin ang pinto ngunit nakaharang pa rin siya roon. Hinintay ko siyang magsalita pero mukhang wala siyang balak at nag-aalangan pa sa gusto niyang sabihin. “What the hell do you want?” inis na tanong ko. “I just missed you, that’s all.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook