Chapter 1: Reminisce (1)

2215 Words
“I’m your fan, Ate Tamara.” napangiti ako nang ilapag ng batang babae ang libro ko sa tapat ko, asking for a signature. I’m currently at my fourth signing event, kasama ang ilang published author ng Printovia. “How old are you, baby girl?” “I’m 15 na po.” agad akong napatingin sa librong inilapag niya at nakahinga ng maluwag nang makitang iyong young-adult novel ko ang binabasa niya. Oh God! Buti na lang, may mature content kasi ang dalawa ko pang libro. “What’s your name?” nginitian ko siya saglit bago buksan ang libro at kunin ang ballpen sa gilid ko. “Christine po.” masayang sabi nito kaya naman inumpisahan ko nang mag-sign sa libro niya habang nakikipag-usap tungkol sa pagiging fan niya since noong 13 years old siya. Everything went smoothlyㅡsignature, talk, smile and taking picture with readers, repeat. Minsan ay may binibigay pa sila sa aking small gift kaya hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. They’re too precious for this world. “Hello.” nakangiting bati ko nang huminto ang lalaking nakaitim na hoodie sa harapan ko. Although naka-face mask at round glass ay namukhaan ko pa rin siya. He’s one of the best-selling author of Viking press, I can’t be wrong ‘cause damn! He’s a total babe. Lagi niyang nakukuha ang atensyon ko kapag nasa iisang event kami o kaya naman ay maligaw ang account niya sa feed ko kapag nag-i-scroll sa social medias. “Uhmm.” tinignan ko ang hawak niyang libro at marahan niya iyong inilapag sa harapan ko. Iyong isang book ay ang latest release ko and the other one is my first ever novel. “I like your novels po, Ms. Tamara.” tipid niyang sabi, nagpapanggap pa siyang magalang kaya naitago ko ang labi para maiwasan ang pagtawa. He’s surprisingly funny, what’s his deal? Lol. “Uh, salamat.” ngumiti ako habang nagsusulat sa first page ng book. “I didn’t know that you’re reading my novels.” “Huh?” he seriously sucks at acting that he looked so stupid, naiiling na lang tuloy ako. “I’m a fan of utopian-scifi and a little bit of romance.” “I see.” nag-angat ako ng tingin sa kanya at tumango. I didn’t expect that because he’s writing the exact opposite. I mean, he’s a dystopian writer. “Pwede po mag-request?” tanong niya at tumango naman ako ng marahan bilang sagot. “Of course. Ano ba ‘yon?” tinuro niya ang first page ng first novel ko kung saan mayroon ng pirma kaya napatingin ako roon. “Can you also write your number?” umangat ulit ang tingin ko sa kanya at kahit natatakpan ng itim na facemask ang bibig niya ay nararamdaman kong nakangisi siya sa mga oras na ito. Naningkit tuloy ang mga mata ko kahit medyo singkit na iyon. “And why do you want my number, Mr. Quatro?” I instinctively lower my voice. Mahirap na at baka makilala siya ng mga tao at ma-issue pa kami, he’s quite famous after all. Isa pa, mortal na magkaribal ang publishing company naming dalawa. “Paano mo ako nakilala?” inosente niyang tanong. “Duh?” umirap ako at tumawa ng bahagya, “Come up with a better disguise next time.” “You’re sharp, just my type.” pinatong niya ang kaliwang kamay sa mesa at marahang yumuko palapit sa akin kaya medyo napasandal ako sa inuupuan. Napatingin pa ako sa paligid at nakahinga ng maluwag nang makitang abala ang mga tao sa kanya-kanyang mundo. “You sounded like you’re hitting on me.” hinawakan ko ang balikat niya at marahang itinulak para lumayo ito sa akin at dumiretso ng tayo. “Oh, obvious ba masiyado?” tumawa ito kaya awtomatikong tumaas ang kilay ko. Nakita ko ring may susunod nang magpapa-sign kaya binalik ko ang atensyon sa first novel ko at sinulat doon ang 10 digit ng number ko. Sinara ko iyon at inabot na sa kanya, tumingin pa siya sa akin bago niya iyon buksan at mapangisi nang mapansing hindi kumpleto ang number na inilagay ko. “Playing dirty, aren’t we?” tipid siyang tumawa at tumango ng tipid. “Very well... Wait for my call.” “Wow.” I muttered to myself when he left the venue so casually. So... Bakit ko nga ibinigay ang number ko sa kanya? Oh well it’s not a big deal, we’re in the same industry anyway. After ng event ay nagkaroon pa ng kaunting celebration. Masiyado kasing galante si Ms. Maria, laging nanlilibre kapag naging sucessful ang event. Dumaan din ako ng bookstore to buy some stuff kaya ginabi na rin ako ng uwi. “Off to work?” tanong ko nang makitang nakaupo si Czelle sa sofa at nagsusuot na ng sapatos. Napatingin ako sa orasan na nasa sala. It’s past 8:00 already. “Yap! If you’re hungry nagluto ako ng adobo, initin mo na lang..” ngumiti ako at tumango bago dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig, matapos noon ay bumalik ako sa sala. Bitbit na niya ang bag niya at paalis na. “Nandiyan na sundo mo?” “Sa office na kami magkikita.” ngumiti siya ng malawak, halatang kinikilig kaya napailing ako. “I’m off.” “Okay, bye.. Take care.” tuluyan na siyang lumabas ng apartment kaya naman naiwan akong mag-isa. Kapag gabi talaga ay solo ko itong buong apartment since graveyard ang college friend kong si Czelle, well sanay naman na akong mag-isa kaya hindi na bago sa akin ang maiwan. Sinigurado kong naka-lock na ang pinto bago pumasok ng kwarto at inilapag sa side table ang basong hawak ko. Binaba ko na rin ang sling bag ko sa kama bago magpunta sa tapat ng cabinet para kumuha ng pajamas. Pagkalapag ko noon sa kama ay saktong nag-ring ang phone ko kaya naman kinuha ko iyon mula sa bag. Agad kumunot ang noo ko nang makitang hindi naka-save ang number. “Hello?” “Bloody hell! Tamara. Ikaw na ‘yan?” nagsalubong ang kilay ko, medyo pamilyar ang boses. “Huh? Who are yoㅡwait Quatro?” hindi makapaniwalang tanong ko nang mabosesan ko siya. Lumabas ako ng kwarto habang nakaipit ang phone sa balikat at tainga ko. Hindi ko inaasahan na tatawagan niya talaga ako kahit kulang ang binigay kong number sa kanya. “Don’t tell me, you called random people just toㅡ” “Hell yes!” he cut me off, “I called 9 random people, langya. 0 lang pala ang last digit.” “Oh my God! Are you stupid? Nag-umpisa ka sa 1 imbis na 0?” tumawa ako bago pumasok sa cr, “Calling random people. That’s mortifying.” “Right? But that’s okay. At least kausap na kita.” Napairap ako habang pinupuno ng tubig ang bathtub. What’s his deal? We’re not really stranger to each other since madalas na kaming magkita sa mga event gaya ng book fair pero hindi ko masasabing close kami, we never really had a proper conversation before. Tamang bati lang ng hi o hello kapag nagkakasalubong kami kaya nakakabigla na makita siya sa signing event ng Printovia. On top of that, he asked for my number and nowㅡhe’s talking to me so casually like it’s the most normal thing in the world. “Smooth, hindi ko alam na gan’yan ka pala.” inayos ko ang paghawak sa phone at naupo sa corner ng tub. “What do you mean?” “Uh, playboy?” hindi siguradong sabi ko. Hindi ko kasi alam ang right term, baka naman kasi ma-offend siya kapag sinabi kong fuckboy. “I’m not a playboy, I’m just bad at beating around the bush.” “Whatever. So? What do you want?” “I’m going to ask you for a dinner tomorrow.” tumaas ang kaliwang kilay ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko rin mapigilan ang mapagngisi, what’s with this turn of events? “Wow! Hindi lang smooth talker. You’re also fast, huh.” tumawa siya sa kabilang linya, and for some strange reasonㅡnakiliti ang tainga ko. “You’re gonna take a bath?” “Ah right, let’s talk later. I’ll hang up, bye!” may balak pa sana siyang sabihin ngunit ibinaba ko na ang tawag. His pace was too mind blowing I can’t keep up. Well, I’m interested in him though, I mean he’s receiving a lot of attention recently. Curious ako kung bakit niya ako in-approach out of the blue, and not to mention that fact that he reads my novel. I want to know him more. Interesado rin kaya siya sa akin? Oh well... Kinabukasan, umaga pa lang ay tinawagan na ako ni Quatro. Kinukumpirma kung tuloy ba ang dinner namin mamaya. Wala naman akong deadline kaya sinabi kong magkita na lang kami ng 7:00 p.m sa Taste buds since roon ko gustong mag-dinner, ang sabi naman niya ay ako ang masusunod kaya ito at nag-aayos na rin ako. Nagsuot lang ako ng simpleng white printed tee with supreme written on it. Medyo malaki iyon sa akin kaya tiniklop ko ang hem at binuhol sa likuran para magmukha iyong fitted sa akin. Medyo kita rin ang tiyan ko but it’s not too revealing since high waist naman ang army green kong pants. And to complete my outfit, nagsuot lang ako ng black sock ankle boots. I also let my wavy hair down and then put on some very light make-up. “Ready to go.” I muttered to myself. Tinignan kong muli ang sarili sa full length mirror bago sinuot ang palm springs mini backpack ko. Kinuha ko na rin ang phone ko sa side table at saktong nag-ring iyon. “Nagpa-reserve na ako sa resto na gusto mo, peak hours kasi kaya baka puno.” “Oh right! Marami pa namang kumakain doon, nawala sa isip ko. Anyway, paalis na ako. Where are you?” “Nasa tapat ng apartment complex mo.” “You what?!” Halos tumaas ang boses ko sa pagkabigla. Nagmadali tuloy akong lumabas ng kwarto at sumigaw na lang na aalis na ako nang madaanan ko ang cr kung saan kasalukuyang naliligo si Czelle. “Hindi ko ba nasabi sa ‘yo? Kakalipat ko lang sa same apartment complex. 5th floor.” “Oh I see, akala ko stalker ka na. That’s creepy.” sabi ko saktong pagkabukas ng elevator since nasa fourth floor ako. Hanggang pagbaba ng lobby ay kausap ko pa rin si Quatro. Tinanong ko siya kung paano niyang alam ang apartment complex ko, ang sabi niya ay nakita niya ako sa lobby noong nag-inquire siya kaya naman hindi ko maiwasan ang mapaisip kung isa ba iyon sa dahilan kung bakit niya ako in-approach sa singing event. Pagkalabas ko ng apartment complex ay ibinaba ko na ang tawag since natanaw ko na ang pula niyang Audi r8 sa tapat. Bumaba siya mula roon kaya nakita ko ang kabuoan ng suot niya. He’s just wearing a simple black crew neck sweater, denim tapered pants and black converse. Gaya kahapon, suot-suot niya ang round glass niya, ang kanyang itim na buhok ay malayang nakaharang sa noo niya. It looks so fluffy.. Malayo sa kadalasan niyang style kapag nasa mga event. “Hi.” bati niya nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Oh, what a gentleman.” he smirked at my remark, tumawa ako at sumakay na rin sa loob. Sinundan ko pa siya ng tingin habang nagsusuot ako ng seatbelt. Nang makasakay na siya sa driver’s seat ay nagsuot na rin siya ng seatbelt at lumingon sa akin. “Let’s go?” tumango ako at pinaandar na rin niya ang sasakyan. It was odd, but he was the first man who I felt comfortable with so quickly. I mean yes magkakilala kami pero ito ang unang beses na magkasama kami ng kaming dalawa lang. Dapat ay awkward kami sa isa’t isa pero hindi ko iyon maramdaman. Para bang ang tagal-tagal na naming nagkakausap when in fact, kahapon lang kami nagkaroon ang totoong conversation. Weird isn’t it? Habang nasa sasakyan ay nagkwentuhan kami about our novels, sinabi ko rin sa kanya na binili ko ang libro niya kahapon. To be honest, matagal ko nang gustong basahin ang mga works niya since gusto ko ring magkaroon ng ideya sa dystopian novel. Kwinento ko rin sa kanya kung paano akong mahiya sa book store noong bilhin ko rin ang ka-isa isa niyang erotic novel. We talk about a lot of things, mostly tungkol sa work. Gano’n ang ginawa namin hanggang sa marating namin ang resto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD