Chapter 2: Reminisce (2)

2543 Words
“Good evening, ma’am and sir. Welcome to Taste buds, table for two po?” bati sa amin ng receptionist pagkalapit namin sa tapat ng glassdoor. Napatingin pa ako sa mga bench na nasa labas since may mga customer doon. “I’ve made a reservation by phone earlier.” ani Quatro at agad naman tinignan ng babae ang hawak niyang paper holder pad, “Under the name of Quatro Marqiz.” “Ah, Sir Quatro. This way po.” nakangiting sabi ng receptionist kaya naman pumasok na rin kami sa loob, halos mapuno na ang buong resto. Mabuti na lang at nakapag-reserve si Quatro ng table, kung hindi ay mapupunta kami sa waiting list. Magiging failed pa ang una naming dinner kung nagkataon. Hindi nagtagal ay kumakain na rin kami ni Quatro. Medyo natagalan ang pagdating ng food pero hindi naman kami na-bored sa paghihintay since hindi kami nauubusan ng pinag-uusapan. Puro ala carte pa ang in-order niya kaya medyo nahirapan kaming ubusin iyon. “You’re such a big eater.” sabi ko habang pinapanuod na kumain si Quatro. Sumandal ako sa couch at tumawa nang makitang hindi siya makapagsalita dahil puno ng pagkain ang bibig niya. Mabilis niya tuloy iyong nginuya at nilunok bago uminom ng lemonade. Agad akong kumuha ng tissue at inabot sa kanya. “Thanks.” pinunasan niya ang labi niya at ngumiti. “Sorry, nakaka-turn off ba?” “No. It’s okay, para ka lang uubusan ng pagkain. Sulit na sulit.” tumawa ako at tinakpan lang niya ang mukha niya, mukhang nahihiya. Oh, he’s suprisingly cute, huh. “Saan naman kaya napupunta ang pagkain na kinakain mo? I mean, you’re so fit and healthy.” sabi ko habang pinaglalaruan ang hawak na teaspoon, ubos na kasi ang leche flan na dessert ko. “Sinasabi mo bang hot ako?” “Huh? When did I say that? Bingi ka yata.” tumawa siya ng tipid bago uminom ulit. “I work out every morning.” sabi nito matapos magpunas ng labi. “Oh same! Early morning exercise is the best way to start my day, kaya nga madalas ako sa gym sa last floor ng apartment complex.” “Is that an invitation?” tanong niya kaya tumaas ang kilay ko. “May filter ba ‘yang tainga mo at iba lagi ang dating ng mga sinasabi ko?” nailing ako at ngumisi siya na para bang na-amuse siya sa sinabi ko. Nagpahinga pa kami saglit at nag-usap bago niya kinuha ang bill and since siya raw ang nag-invite ay siya na ang nag-insist na magbayad. Medyo nag-panic pa ako paglabas namin ng resto dahil nakita ko sa sidewalk si Anika kasama ang pinsan niyang si Jael. Mabuti na lang at hindi niya kami nakita dahil malamang, gigisahin ako no’n and worseㅡbaka ipagkalat niya pa sa gc naming apat ang nadiskubre niya. Ma-imagine ko pa lang na mangyari iyon ay na-i-stress na ako. “Bakit ka pala nag-aya mag-dinner?” tanong ko habang nasa loob na ulit kami ng kotse niya. “To know you better?” hindi siya sigurado sa sagot kaya tumaas ang kilay ko habang nasa phone ang atensyon, ang ingay kasi ni Reikka sa gc, send nang send ng meme. “Ask me why.” sabi niya kaya napalingon ako sa kanya, ang isa niyang kamay ay nasa manibela at ang isa ay nakahawak sa labi niya habang nakasandal ang siko sa nakabukas na bintana. “And why?” saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti. “Because I’m interested in you.” binalik niya ang atensyon sa pagmamaneho kaya iniwas ko ang tingin sa kanya at itinago ang labi ko. Wait, bakit ako kinilig doon? At isa pa, parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari? Well whatever. “The feeling’s mutual.” I mumbled, but I knew he heard me. “I hope you don’t mind me asking this, Tamaraㅡbut do you have a boyfriend?” nilingon ko ulit siya at nakitang nasa akin ang tingin niya. Nakahinto rin ang kotse since naka-red light iyon. Hindi agad ako sumagot tanong niya kaya nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin at tanging pagbusina ng mga kotse lang sa labas ang maririnig. “I’m not seeing anyone.” pagsasabi ko ng totoo matapos ang ilang segundo. Tumaas pa ang dalawang kilay ko nang makitang nagpigil siya ng ngiti. Mukhang tanga, napapangiti rin tuloy ako. “You look stupid.” “Nang ma-inlove ako sa ‘yo kala ko’y pag-ibig mo ay tunay pero hindi nag tagal lumabas din ang tunay na kulay, ang iyong kilay mapag-mataas laging namimintas.” nabigla ako sa bigla niyang pag-rap pero hindi kalaunan ay natawa rin ako at hindi namalayang sinasabayan ko na pala siya sa kalokohan niya. “Stupid!” he shouted and then he look at me, wala naman akong choice kung hindi ang maging second voice niya. “Love, soft as an easy chair~” “Stupid!” “Love, fresh as the morning air~” “Oh my God! Are we stupid?” natawa kaming pareho nang ihinto namin ang kalokohan at magpatuloy siya sa pag-drive. Dumaan pa kami sa isang park para magpahangin at magkwentuhan kahit ayon na ang ginawa namin mula kanina. Sa loob lang ng ilang oras na pagsasama namin ay ang dami na naming nalaman tungkol sa isa’t isa. Pagkarating sa apartment ay sumama pa siya sa akin pagkalabas ko ng elevator sa fourth floor. “Come on, hindi mo na ako kailangan ihatid.” sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan. Tinignan ko ang wristwatch ko, it’s past 10:00 already. Malamang ay nasa work na si Czelle at solo mode na naman ako. “Good night.” bati ko nang marating namin ang mismong tapat ng apartment ko. “I had fun.” “Me too.” dinikit niya ang pisngi niya sa akin kaya napatitig ako sa kanya and I’m sure, gulat na gulat ang mukha ko. Ngumiti siya ng tipid dahil doon at kumindat pa sa akin. “Good night.” hinintay ko siyang umalis but it turns out na hinihintay niya rin akong pumasok sa loob kaya para lang kaming tanga na dalawa sa hallway. “Uh, you can go ahead.” sabi ko sa kanya ngunit umiling siya. “Aalis ako kapag sure na akong nasa loob ka na.” tipid akong ngumiti at umiling. “If you say so.” It’s been three months already since Quatro and I became friends, halos gabi-gabi kaming magkausap sa phone. Minsan ay humihingi pa siya sa akin ng tulong about his manuscript, hinihingian niya ako ng advice para sa point of view ng female character niya at willing naman akong tumutulong sa kanya dahil tinutulungan niya rin ako kapag nauubusan akong ideya sa mga scenes. We also went on a few dates, one thing led to another until we became so close to the point na nakapunta na kami sa loob ng apartment ng isa’t isa. Lagi kaming nanunuod ng random movies for reference since nagbabalak na akong gumawa ng trilogy, si Quatro naman ay tinatapos ang manuscript niya. Magre-release raw kasi siya ng third installment para roon sa current dystopian novel niya. “Aren’t you busy?” tanong ko nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Dire-diretso lang siyang pumasok bitbit ang laptop bag niya kaya napailing ako. “Alam na alam mo na talaga ang oras kapag ako na lang ang mag-isa rito.” “Malungkot mag-isa kaya sasamahan kita.” nakangiti niyang sabi bago ilabas ang laptop niya sa bag at ipatong iyon sa center table. Naupo rin siya sa carpet na para bang dito na talaga siya nakatira. “Kumain ka na?” “Katatapos lang, how about you?” “Tapos na rin.” ngumiti siya ng tipid kaya tumango ako at naupo sa couch kung saan siya nakasandal, and since nasa sahig siya ay kinailangan niya pa akong lingunin at tingalain para makita. “You’re not going to watch me, are you?” “No. Na-i-spoil ako kapag gumagawa ka ng manus sa harapan ko, alam mo namang binabasa ko ‘yong series mo.” “Sa story ka lang ba na-i-spoil?” tumaas ang kilay ko sa tanong niya dahil alam ko kung ano ang gusto niyang iparating. Ever since lumalim ang connection namin sa isa’t isa, iba na ang naging pakikitungo niya sa akin. He’s actually spoiling me like it’s the most natural thing to do, kapag nag-uusap kami about food at sinabi kong nag-crave akoㅡmagugulat na lang ako na nasa pinto ko na siya at may dalang pagkain. One time, naubusan ako ng favorite kong milk ice cream at sinabi ko sa kanyang pupunta ako ng convenience store para bumili, ang ginawa niya? Tumawag siya sa akin at nag-insist na siya na raw ang bibili since nasa kabilang kanto pa ang convenience store. Delikado raw na lumabas lalo pa’t almost midnight na noon, he’s spoiling me in many ways whenever he got the chance. Na-co-confuse tuloy ako sa status ng relationship namin. “Spoil me more, Daddy.” pang-aasar ko sa kanya bago kami matawang pareho. Inumpisahan na rin niya ang gagawin kaya nilabas ko ang phone sa bulsa at binuksan ang gc. 4ever. Paris [Let’s hit the bar] Reikka [Wow! Lakas mag-aya. Light-weight naman] [She’s broken though.] Anika [Mangingibang bansa lang naman jowa mo makikipag-break pa.] Reikka [Wala siyang balls, uwu.] Paris [What?! May balls siya ‘no, nakita ko.] [Hahaha hindi ko malaman kung inosente ka ba o ano.] Anika [‘Yong kaibigan mong airhead.] Reikka [Batuhin ng jacket ‘yan! Hahaha.] Paris [Rude. Come on, gusto ko uminom.] [Let’s go tomorrow.] Aya ko. “Why are you smiling? Sino ka-chat mo?” nawala ang tingin ko sa phone at tinuon kay Quatro dahil tumayo ito at naupo sa tabi ko. “My babies.” I answered, trying to annoy him. Mukhang umepekto naman dahil tinaasan niya ako ng kilay. “Plural talaga?” medyo irita ang boses niya. “Well yeah? Tatlo sila, eh.” nagkibit ako ng balikat. “I thought you’re not seeing anyone?” tila nagbago ang timpla ng mood niya kaya naitago ko ang labi para maiwasan ang pagngiti. Gustong-gusto ko talagang nakikita kapag ganitong nag-iiba ang ekspresyon niya. “Hmm. Jealous?” nakita ko ang marahas niyang paglunok bago mag-iwas ng tingin at bumalik sa pwesto niya kanina. Nag-umpisa ulit siyang mag-type at walang balak na sagutin ang tanong ko kaya napangiti ako ng tuluyan. He’s so easy to read. “Ayaw mo malaman name nila?” tanong ko. “I don’t want to.” he said, completely deadpan. “Why?” “I’m not interested.” hindi ko na napigilan ang pagtawa kaya napalingon siya sa akin, magkasalubong ang kilay at halatang naiirita. “What’s so funny, Tamara?” “Why are you acting jealous? Sila Anika kausap ko, okay? Nag-aaya si Paris uminom, nakipag-break kasi ‘yong boyfriend niya sa kanya. Hindi yata kaya mag-handle ng long distance relationship.” “Mahirap naman kasi talaga ‘yon. Hindi sila magkikita, hindi nila mahahawakan ang isa’t isa. Para na rin silang nag-break ‘di ba?” sagot niya, he’s back to his normal self. Hindi na siya iritado. “What kind of logic is that? They’re dating for 7 years, you know? 7 freaking years tapos basta lang siyang makikipag-break?” nagpatuloy siya sa pag-type habang ako ay pinapanuod ang broad shoulder niya. “May mga bagay na hindi natin maiintindihan unless nararamdaman natin ‘yong nararamdaman nila. As a man, he has a personal reason for breaking up with your friend.” napairap ako sa sagot niyang iyon, hindi ko ma-gets ang way of thinking ng mga lalake. “I know, pero sana man lang. In-explain niya kung bakit. Hindi 'yong basta lang siyang makikipaghiwalay dahil lang sa mangingibang bansa siya. Kaya mahirap magseryoso, eh. May mga lalaki kasing gan’yan.” tumayo ako at kumuha ng juice sa ref, pagbalik ko sa couch ay nakaupo na ulit doon si Quatro at nakasara na ang laptop niya. “Oh! Tapos ka na?” “Mamaya ko na lang itutuloy.” tumango ako at inabutan siya ng juice, kinuha niya iyon sa akin pero dumulas sa kamay naming pareho kaya nahulog sa hita niya. “Oh my God! I’m sorry.” agad na paghingi ko ng tawad nang kunin ang basong nasalo ng hita niya, nilapag ko iyon sa center table at balak na sanang kumuha ng towel dahil nabasa ang damit niya ngunit hindi ko nagawa dahil hinatak niya ako. Napaupo ako sa tabi niya habang hawak niya pa rin ang kaliwang braso ko. Before I can even process what’s happening... He’s already bringing his face just inches from mine, he gently strokes the side of my face causing me to instinctively close my eyes. The moment our lips touched, I knew that he’s someone who would be very important to me. Ibinukas ko ang bibig ko nang maramdaman kong igalaw niya ang dila niya. He bent towards me and kissed me passionately, ilang segundo rin ang itinagal noon bago siya kumalas. “Why?” tanong ko nang lumayo siya ng bahagya, ang tingin niya ay nasa labi ko pa rin. “Quatro?” “You don’t like it?” umangat ang tingin niya sa mga mata ko kaya naman napalunok ako. I don’t hate it though, nabigla lang ako dahil parang hindi naman iyon ‘yong tamang moment para halikan ako. “No but... What was that for?” Nagtatakang tanong ko, does he like me? Or he just felt like doing it? Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako sa makukuhang sagotㅡwala akong idea kung ano ba kami ni Quatro, are we friends? Flings? I don’t have any f*****g idea. All I knew for sure was how much I like being with him, ang gaan sa pakiramdam kapag kausap at kasama ko siya. Sobrang komportable niyang kasama, gano’n din ba siya sa akin? “I don’t know, nairita lang ako no’ng sinabi mong mahirap magseryoso.” nag-iwas siya ng tingin at lumayo ng bahagya sa akin, binitawan na rin niya ang braso kong hinatak niya kanina at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. “I don’t want to fight a losing a battle, Tamara.” “Oh.” iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang dapat sabihin o gawin sa sitwasyong ganito. Damn! My heart’s beating so loud I could die. Doon na rin natapos ang conversation dahil bumalik na rin siya sa apartment niya para makapagpalit. Hindi ko na tuloy naitanong kung ano ang ibig niyang sabihin doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD