Kinaumagahan, agad akong nag-asikaso upang mag-gym. Nagsuot lamang ako ng black one-shoulder sports bra with matching leggings and white sneaker. Bago tuluyang lumabas ay nag-mirror selfie pa ako para may ma-i-myday ngayong araw, wala pang ilang minuto ay ilang hearts na agad ang natanggap ko. Mostly, galing sa mga fans. Napangiti na lamang ako ng matamis. Pag-akyat na pag-akyat ko naman sa gym ay binati agad ako ng ibang nakatira sa apartment complex, ganoon din ang mga staff at gym instructors na madalas kong kakwentuhan kapag narito. “Ngayon na lang ulit kita nakita rito, ah?” puna sa akin ni Jacob, my previous gym instructor. Napairap ako, I thought wala na siya rito? “Yeah, hindi ako makapag-gym last week since busy sa work.” ngumiti ako ng tipid at hindi nakatakas sa akin ang gina

