“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang bumungad sa akin si Trina. She look like a mess, namamaga pa ang mga nito at mukhang kagagaling lang sa apartment ni Quatro. Sa sobrang gulo ng nangyari kahapon ay hindi na namin nagawang makapag-usap pa ni Quatro at pag-uwi na pag-uwi ko ay nag-send ako ng message kay Rio na nakikipaghiwalay na ako. Iniba ko pa ang passcode ng pinto nang sa gano’n ay hindi na siya makapasok dito because I’m sure, sasaktan niya ako. Sinubukan ko rin mag-post sa mga social medias ko para humingi ng tawad sa mga fans na na-disappoint ko. Naging loyal naman sa akin ang mga fans ko at sinabing naniniwala sila sa akin at maghihintay sa sinabi kong lilinisin ko ang image ko. But of course, tuloy pa rin ang pang-bash sa akin ng ilang fans ni Quatro ngunit hindi ko na iyo

