“Hindi ba talaga tayo pwedeng magkita?” tanong ni Quatro sa kabilang linya. “One week na tayong hindi nagkikita.” dagdag pa niya. I could feel the sadness in his voice, parang gusto ko tuloy siyang puntahan. Nasa fifth floor lang naman siya, pwedeng-pwede akong pumunta roon kung gugustuhin ko but I need to restrain myself. It’s been a week already since we decided to lielow, medyo humuhupa na rin ang issue pero may ilang tao pa rin ang hindi tumitigil na pag-usapan kami. Hindi na rin ako kinukulit ni Rio, gano’n din si Trina kaya kahit paano ay naging tahimik ang buhay ko. Ang inaalala ko lang ay ang hindi pag-contact sa akin ng parents ko, isa paㅡpakiramdam ko ay may pinaplano si Rio at Trina para bigla na lang silang manahimik. “Hintay pa tayo ng ilang days bago magkita ulit.” sabi k

