“Here, sit here.” nagmamadaling sabi ni Quatro nang makarating na kami sa venue kung saan gaganapin ang book signing naming dalawa. Hindi pa pinapapasok ang mga fans kaya kami lang ang tao rito at mga staff na nag-aayos ng dapat ayusin. And since dalawa lang naman kami ni Quatro ay kaunti lang din ang staff, tatlo na taga-Printovia at tatlo na taga-Viking press. Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang naging sucessful ang pag-published ng libro despite of what happened. Isang linggo pa lang pero nasa best-selling na siya agad sa mga book store, dahil doon ay kaya kinailangan mag-reprint ng marami pang kopya. Hindi ko akalain na magiging trending ang naging live namin, kahit hindi namin mga fans ay napag-uusapan din ang nangyari. Sabi nila ay mali raw ang affair pero iba raw ang istory

