Tamara’s POV “He what?!” medyo napalayo ako kay Paris nang isigaw iyon. Kasalukuyan kaming nasa garden ng bahay nila since sa parents na niya siya ulit nakatira simula noong maghiwalay sila ni Ridge one year ago. Rito ako dumiretso after kong maibaba ‘yong mga pinamili sa grocery kanina. Umalis na rin si Rio after akong ihatid dahil magpapahinga na lang daw siya, tutal may lakad naman ako. “I said Rio’s cheating on me, with Quatro’s girlfriend no less.” I answered, taking another sip of my tea. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyaring pagkikita naming apat sa supermarket. “Girl, wala ka talagang balak makipaghiwalay?” tanong ni Anika, halatang ayaw niya iyong desisyon ko na mag-stay pa kahit alam ko nang niloloko ako. Kung hindi lang naman concern sa parents ko ay

