SIMULA

1449 Words
SIMULA: Perfectionist. Hindi ko alam kung magandang katangian ba iyon dahil kung minsan, maski ako ay naiinis na rin kapag sinusumpong ang pagiging perpektonista ko sa mga bagay na nasa aking paligid. Ultimong pagkakasalansan ng mga plato sa bahay ay kailangan pantay at nakahanay sa mga kakulay, ang pagkakaayos ng mga sapatos ay kailangan ay pares sa sukat at disenyo, ang aking pagsulat ay kailangan pantay ng haba ng mga letra dahil kung hindi ay parang naiirita ako, naiinis ako na para bang may bagay akong hindi ko kaya. Even I don't want to act like this especially in public, I can't stop it. It's like my self-protection system, I do it reluctantly. Malakas akong nagpakawala ng buntonghininga habang nakatingin sa lalaking nasa aking harapan habang nakasakay sa pampasaherong jeep. I think, he's a criminology student because of his uniform. Kung makaupo pa ay akala mong pag-aari ang buong jeep, bukakang-bukaka. I wonder if his meat balls and longganisa are big to sit like that. Nasasaktan ba sila kapag nakatupi ang hita? Oh, I wish I have d**k to try it. Napangisi ako sa naisip saka nag-iwas tingin. Tinatapik-tapik ko ang aking suot na sapatos sa sahig ng jeep upang pakalmahin ang aking sarili. Don't look, Alice. You don't have to fix that. Hindi ko maiwasan ibalik ang atensyon sa kanyang uniform. The hem of his uniform was not evenly buttoned. Dapat ay pantay sa ibaba ang laylayan pero sa kanya ay hindi, walang kapares ang isa kaya naiirita ako. I want to fix it. Inilagay ko sa aking bibig ang panyong hawak, hindi naman ako nakakaamoy ng mabaho pero nasanay akong nagtatakip ng bibig hanggang ilong ng panyo lalo't sa public. I'm conscious. Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa aking harapan nang marinig ko ang mahina niyang tawa, para bang nakakainsulto ang pagngisi niya. His arm was folded in front of his chest, he closed his eyes but there was a stupid grin on his lips. Tumabingi ang aking ulo sa kanya kahit hindi niya ako nakikita, nananaginip ba siya? Nagulat ako nang bigla siyang dumilat pero hindi ko ipinahalata, nanatili ang blanko kong mukha para sa kanya. Nagtama ang aming tingin, seryoso ang kulay tsokolate niyang mata na pinasadahan ang mukha ko ng tingin. I didn't look away, I look at him too for a moment. His eyes were on me the whole time, they didn't flaunt away. Natigil lang kami nang huminto ang jeep at nagsakay ng mga bagong estudyante kaya mas naging siksikan. Umusog ako hanggang makarating sa dulo at likod ng driver. Hindi na ako muling tumingin sa kanya lalo't nakuha na ang atensyon ko ng text sa aking phone ng isang lalaki. Binasa ko ang kanyang text, nagtatanong kung may pera pa ba ako at kung kailangan ko ng allowance. I should be happy because I'm receiving money to pay all my bills without any effort but it just makes me feel dirty. I don't want his help, I don't need his pity. Gumalaw ang aking panga habang nakatitig sa kanyang mensahe, mabilis kong binura ang kanyang mga text dahil wala naman akong balak reply-an pa siya. Matagal ng wala ang nag-iisang ugnayan namin kaya hindi ko alam bakit nangungulit pa ang isang 'to. "Bayad paabot, dalawang estudyante." Gulat akong napalingon sa nagsalitang lalaki sa tabi ko. 'Yong lalaki kanina na nasa aking harapan ay nasa tabi ko na, paano siya nakalipat? Tiningnan ako ang dati niyang pwesto na maluwag kumpara sa pwesto niya ngayon na halos kaunti lang ng kanyang pwet ang nakaupo. May nakaupo na roon na buntis na babae. Oh, nakipagpalit siya? Okay. Kinuha ko ang inaabot niyang pera, naningkit pa ang aking mata dahil pakiramdam ko ay pinisil niya ang daliri ko pero hindi ko na lang pinansin. Kahit pisilin pa niya buong katawan ko ay wala naman sa akin. Sigurado akong wala akong mararamdaman. He's not my type. Not his species. "Kuya bayad daw po," sabi ko sa driver dahil ako na ang nasa pinaka dulo. Walang lingon-lingon inabot iyon ng driver. "Saan 'to?" tanong niya. Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko, roon ko napansin ang pabango niya. I'm a fan of men's perfume, kahit ang pabangong gamit ko ay panlalaki dahil mas gusto ko ang amoy nila at masasabi kong mabango ang sa kanya. Hindi masyadong matapang, sakto lang sa ilong. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya nang suminghot ako. "Saan daw 'yong dalawa?" I asked as if he hadn't caught me. "Saan ba tayo bababa?" I wasn't sure who he was talking to 'till he raised a brow to me. His voice was flat, no emotion. "Huh?" Imbes na sumagot ay walang pag-aalinlangan na kinuha niya ang ID kong suot at tiningnan iyon at binasa. "Dalawang DHVSU po, Kuya," sabi niya sa driver saka binasa pa ang ibang nakasulat doon, hindi kaagad ako nakagalaw sa gulat. "Oh, Alice. Education student huh?" Nanlaki ang aking matang hinawi ang kanyang kamay na nakahawak sa aking ID. Nababaliw na ba siya? "Ano bang ginagawa mo?" inis na sabi ko saka umusog palayo sa kanya, bahagyang lumakas ang aking boses kaya halos tumingin sa amin ang ibang pasaheros. He wet his lips and look around. "Sorry ho, medyo nagtatampo kasi 'tong girlfriend ko, selosa," magalang na paliwanag niya sa ibang pasahero kung bakit ako sumigaw sabay hawak sa kamay ko, hinawi ko iyon pero hindi niya hinayaan. Kinalibutan ako, siguradong dahil sa pandidiri. Napamaang ako saka hindi makapaniwalang napailing sa sinabi niya, natawa pa ako lalo't nang tuksuhin nila kami. Kesyo patawarin ko na raw, na kawawa naman 'tong hudas sa tabi ko. Nang lingunin niya ako ay may ngisi siya sa kanyang labi. Huminto ang jeep, bumaba na ako. Bumaba rin siya, naramdaman ko pang itinabing niya ang dalang bag sa likod ng aking palda habang pababa ako. Nang makaalis ang jeep ay hindi ako makapaniwalang lumingon sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo? Nakakahiya, saka may pera ako okay, kaya kong magbayad. Ba't ka ba sumusunod?" sunod-sunod na inis sabi ko, humakbang ako nang isa palayo sa kanya. Inayos ko ang aking suot na salamin. May ilang estudyante na rin tumitingin sa amin lalo't hindi naman taga rito itong kasama ko, sumama lang pala sa akin. "Are you done ranting? Ikaw naman ang tatanungin ko, bakit ka tingin nang tingin sa akin kanina?" I almost looked up to him as he leaned in. He examined me from head to toe. "Do you like me or was it my father who sent you?" Naningkit ang aking mata dahil sa pagdududa sa kanyang boses, seryoso ngunit madiin animong sinusubukan sindakin ako. Imbes matakot ay mas lumapit ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mata nang hawakan ko ang laylayan ng kanyang damit. I fix his uniform while looking at his face. "What if I like you?" His jaw clenched because of my question. Asa, I'll never like a man, especially a man like you. Lumayo ako nang maayos ko ang pagkakabutones ng damit niya, nakahinga ako nang maluwag dahil siguradong hindi ako mapapakali sa klase kakaisip doon. "Give me your phone." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. Napakurap-kurap siya at hindi gumalaw, napaismid ako at ako na mismo ang kumapa sa kanyang bulsa. Napaigtad siya, masyadong magugulatin naman 'to. Binuksan ko ang kanyang phone, wala 'yong password. "Oh, you want my number?" he said with an amused expression. Hindi ko siya pinansin, mabilis akong pumunta sa message niya. Hindi ko na tiningnan kung sino basta nag-send ako ng text sa unang numerong nasa phonebook niya. 'I want a c**k, I need to two c**k, I need a hard f**k now.' I tapped a message and send it to a random number. Makaganti man lang. Ngumisi ako nang ma-sent iyon saka inilagay ulit sa bulsa niya ang kanyang telepono, tinapik ko siya sa balikat gamit ang aking panyo. "I don't know your father, you're not my type too. Stop being paranoid . . ." Bumaba ang tingin ko sa name tag niya at binasa ang kanyang apelido. "Mr. Dela Torre, huwag ka masyado kape nang kape kung ano-anong naiisip mo, nababaliw ka na e." Nang-aasar na inilagay ko sa bulsa niya sa dibdib ang panyo kong bulaklakin. "Keep your girlfriend handkerchief," I teased him. Kapag sila ang lakas mang-asar, kapag sila na ang pinatulan ay natatahimik. Huh, tingnan natin kung paano ka magpapaliwanag sa tinext ko. Tumalikod na ako habang may ngisi sa labi dahil pumula ang kanyang mukha, mukhang nainis sa ginawa ko. Mukha siyang surot. Hindi pa ako nakakalayo ay sumigaw siya. "You'll be crazy over me!" he exclaimed. I chuckled. Not gonna happen, dude. I'm already crazy for someone. ━━━━━━ ⸙ ━━━━━━
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD