? Note: This story contains sensitive topic; mature content, mental issues, s****l, blood/killing and depression. Characters are flawed. You'll encounter red flags both characters, if you're not comfortable with the above content, skip this story. Save yourself.
Kabanata 1:
Today is my twenty seventh birthday.
Gusto ko sanang batiin ang sarili ko pero parang napaka walang puso ko naman kung magsasaya ako sa araw rin ng kamamatayan ng kapatid ko, Ate Aryan.
I can't celebrate my birthday, I can't act happy again since she died fourteen years ago on my birthday, I killed her.
Ate taught me lots of things, tinuruan ako ni Ate kung paano alagaan ang sarili ko bilang babae. Kung gaano kadelikado makihalubilo sa ibang tao kahit pa sabihin na kaibigan ko, dahil dadating daw ang panahon na tatalikuran ako ng mga tinuturing kong kaibigan kaya sarili ko lang ang pagkakatiwalaan ko.
Nang pumanaw ang magulang namin sa edad kong siyam ay kaming dalawa na lang ang natirang magkasama kaya nasanay akong kami lang, pero nagbago iyon nang tumuntong ako ng labing-tatlo.
My sister met a man, her classmate got her pregnant and they got married.
After several months, I informed Ate that her husband touched me while inebriated, but she refused to believe me. She stated that even if Kuya T was drunken, he couldn't do such things to me, but he did. I know. He touched me in my private area, I was still a teenager at the time, and I was terrified since he was so strong.
He ruined everything, my sister changed because of him.
That's why I hate him, I hate men.
They are too strong, they are good in pretending. 'Yong akala mong sobrang bait pero may tinatagong kagaguhan kaya kahit lumipas ang panahon, may galit pa rin ako.
Hindi naniniwala si Ate noon, sinasabi niyang sinisiraan ko ang asawa niya. Na hindi iyon magagawa ng lalaking iyon kaya nabalot ako ng galit.
Mas matagal niya akong kilala, alam niyang hindi ako magsisinungaling tungkol sa bagay na iyon pero walang nakinig sa akin.
Ang mas nakakagalit ay umaarte siyang walang ginawa sa akin pagkatapos ng gabing iyon, na para bang napaka linis niyang tao.
Natakot akong iwan ni Ate, natakot akong mawala siya sa akin at maiwan akong mag-isa pero ako pala mismo ang gagawa ng bagay na kinakatakutan ko.
Nawala siya sa kagagawan ko.
I kept my mouth shut, I made him suffer too.
Ang hirap pala ng walang masabihan, ang hirap maging masama para sa ikakabuti ng iba. Nakakapagod.
I opened my eyes and roamed my gaze around my room. There's a single bed, small table, chair and a toilet bowl.
Sa lumipas na halos anim na taon ay ito na ang naging tahanan ko, saksi ang apat na sulok ng kwartong ito sa bawat pag-iyak ko, bagay na hindi ko magawa sa harap ng ibang tao.
Umalis na lang ang mga nakasabay kong pumasok sa institusyon na ito pero ako ay nandito pa rin.
Siguro nga ay wala na akong pag-asa pang makalabas.
Hindi ko alam kung bumubuti ba ako pero ang sabi ng Doctor ay mas naging maayos ako kaysa noong nakaraan taon na halos hindi ako makausap kahit bisitahin ako ng mga kaibigan ko.
Kaibigan.
Hindi ko alam kung deserve ko pa bang tawagin gano'n dahil alam kong nasaktan ko sila, pero wala akong pinagsisisihan dahil deserve nilang malaman ang totoo.
"Patient 202, pinapatawag ka na ni Doctor Morelli," imporma ng babaeng bantay sa labas habang nakadungaw sa maliit na butas ng pintuan ng aking kwarto, bahagya niyang pinatunog ang bakal na pintuan gamit ang baston niya upang kunin ang aking atensyon.
Hindi ako nagsalita, dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga saka lumapit sa pintuan.
I couldn't help but sigh as I heard her unlock the door. I place my hands in front of my chest so she can see if I'm hiding anything.
Pagkatapos niyang makasiguradong wala akong bitbit na kahit anong pwedeng makasakit sa iba ay inalalayan niya akong pumunta sa opisina ni Doctor Morelli, isa sa mga psychiatrist sa mental institution kung nasaan ako.
Dr. Jace Morelli welcomed me a soft smile like I'm his long-lost friend, he's maybe years older than me.
Tinanguan niya ang lady guard na kasama ko pwede na kaming iwan, iminuwestra niya ang upuan sa harapan ng narra na lamesa. Aaminin kong sa lumipas na taon gumaan na ang loob ko sa kanya, he treated me well, as if I didn't have a mental disorder.
Hindi niya ako tinuturing na kakaiba, na delikado kaya kahit papaano ay kampante ako pero wala pa rin tiwala.
"How are you, Alice?" he asked me while scanning my face.
Nagsimula akong kutkutin ang daliri ko habang nasa ibabaw ng aking tuhod, hindi ko maiwasan mapansin ang mga gamit sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Dati ay wala ni isang gamit ang nandoon kapag kakausapin niya ako, siguro dahil nag-iingat sila kaya nakakapagtakang walang nakatagong gamit ngayon, gadgets pati na rin ang matatalim na bagay ay nandoon.
"Hindi mo ba itatabi 'tong lapis, Doc? Pwede kitang saksakin sa leeg gamit 'to," I informed him while pointing to his pencil.
Baka nakakalimutan niyang kriminal ako.
He burst out laughing, he touched his chest while laughing like he was loosing his air.
Tumabingi ang ulo ko saka pinatapos siyang tumawa, tumikhim siya saka ako nginitian nang makabawi.
"Oh, sorry! You made me laugh. Don't worry about my things. Bakit sasaktan mo ba ako?" balik na tanong niya at bahagya pang nagtaas ng kilay.
"Kasi baliw ako," mabilis kong sabi.
Umiling siya saka binato ako ng pambura, kaagad ko iyon sinalo. "Wrong answer, wala kang sabaw mamayang lunch," pananakot niya.
Napasimangot ako dahil alam na alam niyang gusto ko iyon, I want some soup.
Inabot niya ang recorder niya, tuwing chine-check up niya ako ay may gano'n. Noong una ay hindi ko alam kung para saan iyon pero habang tumatagal ay nalaman ko rin, pare-pareho lang ang mga tinatanong niya at kung minsan ay dinadagdagan o binabago lang niya ng pagkakasunod.
Tinitingnan lang niya ang mga isasagot ko, kung paano ako sumagot at kung may mga nabago.
"Let's start all right?" He opened the recorder. "Okay, Miss Alice Alcaraz, you understand that everything you are saying from this moment is being audio recorder."
I pouted my lips. "Yeah. Yeah."
"Say it clearly."
"Yes I understand I'm being recorded. May soup na ba ako later?" tanong ko pabalik.
Imbes na sumagot ay binasa niya ang nasa kanyang folder. "You stated at your last check-up that if given the opportunity, you would like to start a small business?" tanong niya.
Inilagay ko ang dalawang siko sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Bumukas ang pintuan sa aking likuran pero hindi ko iyon nilingon, kung gusto kong may soup mamayang lunch dapat ayusin ko sagot kay Doc Jace, minsan pa naman buraot 'to e.
Nilingon ni Doctor Morelli ang dumating saka sinenyasan na umupo, nang ibalik niya ang tingin sa akin ay sinagot ko na siya.
"I want a hollow blocks business. Hmm, anything related sa hardware siguro Doc, madaming nagpapagawang bahay ngayon, feeling ko ho malakas ang kita sa gano'n business," balewalang sagot ko, parang gusto ko rin magtayo ng bulaloan.
Napatango siya saka may sinulat sa hawak niyang papel.
"How about your education? Kung bibigyan ka ng pagkakataon makalabas, mag-aaral ka ulit? Ipagpapatuloy mo ba ang pagtuturo?" tanong niya, inayos niya ang suot na salamin.
Natigilan ako, binasa ko ang aking ibabang labi.
"Hindi ko naman talaga gusto rati ang pagtuturo, my sister wanted to be a teacher so I took education for her. Hindi ko rin alam kung makakabalik ako sa pag-aaral at maipagpatuloy iyon. Sinong gustong maging guro ang—" Hindi ko naituloy ang una kong naiisip, siguradong mawawalan talaga ako ng soup kaya iniba ko ang sasabihin ko. "— hindi ko sure Doc. Kung bibigyan ng chance, ipagpapatuloy ko ho."
Marahan siyang tumango siya.
"What's your favorite color? Comfortable clothes?" tanong niya.
Napamaang ako, wala naman ganitong tanong dati ah.
"A-Ah, I love plain shirt and jeans. Kulay puti, pakiramdam ko kasi ay malinis at maayos kapag kulay puti," pag-aamin ko.
Lahat ata ng damit ko noon nag-aaral pa ako ay puti, akala nga nila ay hindi na ako nagpapalit ng damit dahil halos nagkakamuka lang.
May isinulat ulit siya.
"Choose a number, from one to thirty one," sabi niya habang nakatingin sa sinusulatan niya.
Tumabingi na ang ulo ko sa kanyang sinasabi, ayos lang ba siya? Parang mas kailangan niya ng check-up.
"Twenty four?" patanong kong sabi.
May pinirmahan siya bago ilapag iyon sa ibabaw ng lamesa.
Sinenyasan niya ang dumating kanina na lumapit, naramdaman ko ang presensya ng kung sino sa aking likuran kaya napatuwid ako nang upo pero hindi pa rin ako lumingon.
"This is the request form that I signed, and it indicates that Miss Alice Alcaraz will release this twenty-fourth of this month," Dr. Morelli stated.
Halos mapatayo ako sa gulat sa sinabi niya, bumagsak ang tingin ko sa papel na sinusulatan niya kanina.
Nandoon ang petsa kung kailan ako maaaring ilabas, may special note pa sa ibaba ng damit na susuotin ko.
Tumuon ang aking tingin sa pangalan ng nag-request kung maaari na akong makalabas, ang dating asawa ni Ate.
Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Doctor Morelli nang tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin, wala sa sariling tinanggap ko iyon.
"Miss Alice, congratulations. After nearly six years, you may finally enjoy your life outside, although with certain restrictions. You'll be under supervision for months before you're totally released, you'll still be able to attend treatment and participate in our institution's activity," nakangiting sabi ni Dr. Morelli, tinuro niya ang tao sa likuran ko.
Unti-unti akong lumingon, nagtama ang mata namin ng isang Pulis na matindig ang tayo habang deretsyong nakatingin sa akin.
Kumunot ang aking noo dahil parang nakita ko na siya, hindi ko matandaan kung saan at kailan.
Tumunog ang cellphone ni Dr. Morelli. May sinabi siya sa Pulis na nasa harapan ko pero hindi ko na narinig pa, lumabas siya sa kwarto habang may kausap sa telepono.
Iniwan kaming dalawa ng Pulis.
Naglahad ang Pulis ng kamay sa aking harapan, wala akong balak abutin iyon dahil nakaramdaman ako ng takot. I'm still a criminal afterall.
Mukhang napansin niyang hindi ko iyon tatanggapin kaya pumalakpak na lang siya.
"I'm officer Alastair, I'm the one assigned to you, I'll be your guard for three months." There's a smile that plastered to his lips, he gave me a lopsided grin.
Napakurap-kurap ako, hindi ako makapaniwalang lalabas na ako pagkatapos ng halos anim na taon sa loob ng mental institution.
"What the actual f**k," I gasped while blinking. The man's lips turned up because of my words.
"Happy birthday, love."
_______________________