Kabanata 2:
NAGPAKAWALA ako ng mabigat na buntonghininga bago tuluyan lumabas sa salamin na pintuan ng institution kung saan ako namalagi ng mahigit anim na taon. I didn't look back even though some staff greeted me, their faces were familiar to me but not their name.
Mahina ako sa memorization ng pangalan. Noon nag-aaral pa ako ay mas gusto ko pang ipa-dictate sa akin ang mga pangalan ng bansa, huwag lang pangalan ng mga kaklase ko.
Kahit parehas lang ang hangin sa loob at dito labas ay parang kakaiba, nakakapanibago.
My grip tightened on the strap of my carry-on luggage that filled with my personal things.
Wala akong masyadong gamit sa loob noon at wala rin akong pera kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Dapat akong matakot pero hindi ako nakakaramdam ng takot para sa sarili ko, mas natatakot pa ako para sa iba lalo na sa mga nakapaligid sa akin.
What if my illness appeared? What if I inflict more harm on someone else?
"Alicia!"
Ang maliit na ngiti sa aking labi ay kaagad nawala nang makita ko ang pamilyar na lalaki na susundo sa akin. He was leaning to a black car while waving at me.
Bumagsak ang aking balikat, kung may pamimilian lang ako ay hindi ako sasama sa kanya pero wala akong magagawa dahil kasama ito sa kasunduan ng paglabas ko, may magbabantay sa akin ng ilang buwan.
Siguro dahil delikado akong tao. I'm criminal, I'm crazy. I know.
Mas lalong nalukot ang mukha ko nang mas makalapit sa Pulis ay pinasadahan niya ako ng tingin.
Ginaya ko ang ginawa niya, doon ko napansin ang suot niyang puting shirt at ripped jeans, halos kasing kapareho ng suot ko. He doesn't look like a Police, I also noticed his tattoo on the arm because of the fitted shirt. Can they get a tattoo?
"Alicia, come here!" tawag niya sa akin na may kasamang senyas pa na lumapit ako.
Tamad na naglakad ako papalapit sa kanyang kotse.
Kaagad niyang inabot ang bag na dala ko pero inilayo ko iyon sa kanya bago pa niya makuha.
"Kaya ko, ako na," I refused him and took a step back from him.
Tumango siya saka pinasadahan ulit ako ng tingin.
"Bagay pala sa'yo 'yong binili kong damit, Aliya."
"Alice." Siya pala ang bumili nito?
"Huh?"
"Alice ang pangalan ko hindi Alicia, hindi Aliya," walang buhay na sabi ko, kinagat niya ang ibabang labi animong natatawa siya sa sinabi ko.
Imbes na tumitig sa panget niyang mukha ay binuksan ko na ang pintuan ng kotse niya sa likod.
Kaagad niyang hinarang ang kanyang kamay nang akmang papasok ako, sinenyas niya ang upuan sa harap na tabi ng driver. "Sa harap ka, Madam Alice. Hindi mo naman ako driver para riyan ka sa likod umupo."
I smirked after seconds of staring at his red, wet lips. "Bakit ano ba kita? Ano bang tawag sa nagdi-drive? Walker? Dancer? Singer?"
Binuksan niya ang pintuan sa harapan at binalewala ang aking tanong.
"Husband," mabilis na sagot niya.
Naningkit ang aking mata, babarahin ko sana siya pero tinawag siya ng isang binatilyong Pulis na galing sa loob ng institutions.
"Sir, naayos na po 'yong inutos niyo," narinig kong sabi ng lalaki nang tuluyan makalapit sa amin.
Kaagad siyang hinawakan ni Officer Alas sa braso at hinila palayo, pumasok na ako sa loob ng kotse habang hindi inaalis ang tingin sa kanila sa labas.
May sinasabi si Officer Alas sa binatilyong Pulis, tinuro pa niya ang kotse kaya nag-iwas tingin ako.
I'm not sure what will happen to me after this, especially now that I'm out; I'd like to see my college friend, Sascha, Lisa and Kevin but they could be mad, or they might not recognize me. Gusto ko silang kausapin, pero pinapangunahan ako ng takot, natatakot akong baka ako na lang ang tumuturing sa amin ng magkakaibigan, baka nga may kapalit na ako sa grupo namin.
Inilibot ko ang tingin sa loob ng kotse para alisin ang bagay na 'yon sa aking isipan, suminghap ako. Pinaghalong amoy ng lalaki at pabangong pambabae, may nakita rin akong ponytail sa dashboard.
Oh, maybe he's married huh?
Bumukas ang pinto at pumasok ang Pulis. Nginitian niya ako pero hindi ko siya pinansin, niyakap ko na lang ang aking bag habang hinihintay kung saan kami pupunta.
I wonder what happened outside in the past six years, I missed a lot.
"You can put your bag in the back of the car," he suggested.
Imbes na sagutin ay mas hinigpitan ko ang yakap sa aking bag at tumingin na lang sa labas. I'm not comfortable talking to him, I'm not comfortable talking to anyone.
Hanggat maaari ay ayoko na lang makipag-usap.
Narinig kong bumuntonghininga siya bago tuluyan paandarin paalis doon ang kotse, tahip-tahip ang kaba sa dibdib ko.
Hindi pa man kami nakakalayo ay kinakabahan na ako, para bang bata akong ngayon lang na nakalabas. Nang pumasok ako sa institution ay pa-graduate pa lang ako ng college at ngayon ay twenty seven na ako, halos hindi ko na maalala ang mga nangyari sa loob dahil ilang taon din akong tulala, hindi nakakausap sa loob.
Hindi ko maiwasan mamangha habang tinatahak namin ang daan papunta sa kung saan, nasa Pampanga pa rin kami.
Pamilyar sa akin ang lugar pero maraming nagbago, may mga gusaling wala noon pero ngayon ay sobrang daming tao.
Sino na kaya ang sikat na banda ngayon? Artista? May mga bagong manhwa na kaya?
Nakakamiss din palang magbasa, sayang nga lang at wala pa akong cellphone. Siguro ay kaya ko pa rin hindi matulog para lang makatapos ng isang story.
"Hey, I'm talking to you. Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Tumikhim si Officer Alas, napalingon ako sa kanya.
"Tanong?"
"Oo, sabi ko pwede mong ilagay sa likod ang bag mo at—"
"Tanong 'yan para sa'yo?" balik na tanong ko, mukhang mahina ang utak ng isang 'to.
Hindi ko alam pero mainit ang ulo ko sa kanya o sadyang ayoko lang mapalapit sa kanya, ayoko sa awra niya.
Parang masyado siyang delikado.
It's more suspicious because he's too kind.
Nakita ko kung paano siya napanguso sa sinabi ko, napunta ang aking atensyon sa daliri niyang nakayakap sa manibela ng kanyang kotse, bahagya pangtumatapik-tapik ang mga iyon habang nagda-drive.
Mahaba ang mga iyon at medyo mabuto. Bumaba ang tingin ko sa aking kamay, mga punggok ang daliri ko, parang mga kikiam.
Napanguso ako saka bumalik ang tingin sa daliri niya.
Ano kaya ginagamit niyang pangkulangot? Kasya kaya 'yan sa ilong niya?
"You want my fingers?" basag niya sa katahimikan, bahagyang natatawa.
Nagtama ang aming mata, ngumisi siya. Walang pag-aalinlangan akong tumango, I want to have his fingers.
He wet his lips and looked away.
I leaned my head back in the car seat while not taking my eyes off him. I could clearly see how his jaw moved because of my position.
Naabutan niya akong nakatingin sa kanya, tumikhim siya. "Stop looking at me like that, Madam baka isipin ko nyan may gusto ka sa akin at naga-gwapuhan ka."
"Gwapo ka naman," komento ko.
Napalabi siya, kaagad pumula ang tainga niya. Mas tumabingi ang ulo ko dahil doon.
"Ang init," komento niya at mas nilakasan ang aircon. "A-Ano, matulog ka na muna, gisingin na lang kita pagdatig natin sa tutuluyan mo."
Tumango ako at umayos na ng upo, wala akong balak matulog pero pumikit ako.
Nararamdaman ko ang maya-maya niyang paglingon sa akin, hindi ko na lang pinansin. Siguro ay natatakot siya sa akin? Baka natatakot siyang may gawin akong masama kaya tingin siya nang tingin.
Hindi ko alam kung ilang minuto o umabot ba ng oras ang biyahe namin.
Nagising lang ang diwa ko nang tapikin niya ako sa balikat at sundot-sundutin niya ang pisngi ko.
"We're here. Wake up sleepy head. Hey wake—"
"Gising ako," sabi ko saka dumilat.
Doon ko lang napansin na nakahinto na kami sa loob ng isang bakuran. Tumuon ang atensyon ko sa puting bahay sa harapan, malaki iyon para sa akin. Dito ba ako titira?
Lumabas siya sa kotse, lumabas na rin ako. Nagulat pa ako nang nagjo-jog pa siyang umikot papunta sa gawi ko, napasimangot siya nang makitang nakababa na ako.
"Ba't ka bumaba?"
Tumaas ang kilay ko. "Akala ko ba nandito na tayo? Hindi ba?" nagtatakang tanong ko.
"Yes, but you should let me open the car door for you," he sound offended.
"Kaya ko naman hong bumaba officer Alas, may kamay at paa pa naman ako. Kung iniisip mo naman tatakas ako, hindi ko gagawin 'yon, maliit lang ang mga biyas ko at sigurado akong ilang hakbang ko pa lang ay naabutan mo na ako," I explained, hindi ko alam na big deal pala iyon.
He rolled his eyes.
"Tsk, nevermind. Let's go," sabi niya saka nauna ng maglakad papasok sa bahay.
Sumunod ako sa kanya, malinis ang buong bahay. May second floor, hindi gano'n kalakihan pero para sa akin na isang tao lang ay sobrang laki na nito.
"Dito ako titira?" tanong ko.
Isinara niya ang pintuan saka tumango. "Doon ang kusina." Tinuro niya ang isang silid sa gilid na walang pintuan. "Tatlo ang kwarto sa itaas. Nasa pinaka unang kwarto ang sa'yo, 'yong dulo ay bakante. Katabi ng kwarto ko ang kwarto mo," sabi niya.
I instantly turned to face him because of what he said; perhaps I misheard him.
"Kwarto mo, katabi ng sa akin?" ulit ko.
Baka nabibinggi na ako. Hindi ata nila nililinis tainga ko sa institution noon, kung ano-anong naririnig ko.
Dumiretsyo siya sa sofa at naupo roon, nagsimula siyang tanggalin ang sapatos niya.
Ang haba ng paa niya.
"Yes, I'm your bodyguard, correct? I should keep an eye on you 24 hours a day, seven days a week, which means we should live under the same roof. That's the order to me," he elucidated.
Nagsalubong ang aking kilay, alam ko naman iyon pero hindi nasabi sa akin na kailangan samahan ako sa isang bahay.
"What about my privacy?"
I don't want to sounds demanding but they should know this, I'm not comfortable with any man.
"Katulad ng sabi ko at sinabi sa'yo ni Dr. Jace kailangan mong bantayan ng tatlong buwan. Gawin mo kung anong gusto mo, hindi mo ako mapapansin na nakasunod o nakabantay sa'yo." Tuluyan niyang natanggal ang sapatos, tumayo siya at maayos na sinalansan iyon sa shoe rack cabinet sa gilid.
Nakahinga ako nang maluwag dahil pares-pares at maayos ang pagkalagay roon, bago niya iyon isara ay nakita ko pa ang kulay pink na sapatos.
Hindi ko alam kung sa kanya iyon.
Doon ko napansin ang mga bulaklak sa vase, mabilis kong inilibot ang tingin sa bahay. Naisip kong parang mas babae ang nakatira rito, base sa pagkakayos at disensyo, hindi panglalaki, masyadong feminine ang design.
Bumuntonghininga ako saka siya nilingon.
"What if I hurt you? Hindi ka ba natatakot sa akin? Kriminal ako, p-pwede kitang saktan kung nasa iisang bahay tayo," paliwanag ko.
Officer Alas chuckled, he brushed his hair using his finger. "I'm well-trained Police, love. Don't worry I can handle you."
Nalukot ang aking mukha dahil sa sinabi niya, bigla kong naalala ang tinawag niya sa akin noon.
Love.
Tatanungin ko sana siya noon pero dumating na si Dr. Jace at kinausap siya. Itatanong ko sana kung paano niya nalaman ang araw ng birthday ko pero naisip kong paniguradong nakita niya iyon sa record ko.
Maybe he checked my background details.
"Stop calling me love, pwede kitang isumbong sa nakakataas sa'yo dahil diyan," pananakot ko habang seryoso ang mukha.
Binasa niya ang labi, bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
"Sige sasamahan kita," mapaglarong sabi niya. "Huwag kang mag-alala gagawin ko ang trabaho ko, hindi kita guguluhin kung ano man ang gagawin mo na hindi lalabag sa kasunduan ng institution. I won't touch you inappropriate, kung iyon ang iniisip mo, I'll respect your personal space," pagpapagaan niya sa loob ko.
Hindi na ako nagsalita, napunta ang atensyon namin sa tunog ng doorbell.
Sumilip siya sa bintana, nakita kong nalukot ang mukha niya bago humarap sa akin.
"Ayusin mo na lang muna ang mga gamit mo sa itaas, tatawagin kita mamaya."
Tumango ako at saka umakyat na sa hagdanan, narinig kong lumabas siya ng pintuan. Tumigil ako sa pag-akyat at bumaba ulit upang tingnan kung sino ang dumating.
Sumilip ako sa bintana.
Mas lalong nalukot ang mukha ko nang may matikas na lalaki ang nasa gate, hawak-hawak ni officer Alas ang gate animong ayaw papasukin ang lalaki.
Hindi ko sila marinig, maingat kong binuksan ang bintana upang marinig ang pinag-uusapan nila.
"—inosente siya! Don't do this Alas, tama na, hindi ka ba naaawa? Ilang taon na!" Iyon ang naabutan kong sinasabi ng gwapong lalaki na kausap niya.
Nakatalikod si officer Alas sa aking gawi kaya hindi ko nakikita ang kanyang reaksyon.
Narinig kong pagak na tumawa si Alas. "Ang laki na ng sinakripsyo ko para rito, ngayon pa ba kung kailan malapit na? Alam mo kung ano ang mga—" Hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi niya dahil lumabas na sila ng gate.
Hindi ko sila marinig pero nakikita ko pa sila dahil mababa lang ang bakod, inihatid ni Alas ang lalaki sa kotse nito sa labas.
Umawang ang labi ko nang hinawakan ni officer Alas ang panga ng lalaki at ilapit ang mukha, may ibunubulong habang nakangisi.
Unti-unting may pumasok na ideya sa isip ko. The ponytail, the pink shoes, the house furniture and design.
I gasped in realization and relief. Tumaas ang sulok ng labi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa ng boyfriend niya na mukhang nagkaayos na mula sa pag-aaway kanina.
"Oh! He's gay."
________________________