Thank you for waiting and supporting my stories! Ang tagal ko pa lang hindi naka-update rito. Ito na nga. :D
Kabanata 3:
NANG gabing iyon ay halos hindi ako makatulog, nakakapanibago pala. Hinahanap ko ang amoy ng aking kwarto sa institution, ang unan na halos wala ng lambot, ang kisame na madalas kong titigan noon at ang maliit na ilaw na halos magpatay-sindi na.
Naiisip kong tama pa bang lumabas pa ako?
Ang dami nang nagbago, napag-iiwanan na ako, pakiramdam ko ay hindi na ako para rito sa labas pero may isang parte rin sa akin na gustong magsimula ulit.
Gusto ko sanang maging normal kahit alam kong malabo, hindi ako normal.
Hanggang lumipas ang oras ay dilat na dilat ako, wala naman akong iniisip pero dilat lang ako. Nang lumiwanag ay bumangon na ako kahit wala akong tulog.
Hindi ako nakakaramdam ng antok o pagod.
When I got down to the kitchen, Officer Alas was already there, busy cooking, and his phone was playing loud music on the counter. He's dressed in sweater pants, a sleeveless gray shirt, and a pink apron.
I watched him mix what he was cooking, the muscles in his arms flexed.
Suminghap ako at napakunot pa ang aking noo dahil pamilyar ang amoy ng niluluto niya, kasing amoy ng soup sa canteen sa institution, 'yung lagi kong hinihingi roon.
'She's gettin' ripped tonight, R.I.P that pus—'
Nagtama ang mata namin, kaagad niyang pinatay ang tugtog at ang apoy sa kalan.
"Good morning!" he greeted and his eyes dropped to my blue satin pajama.
Mukhang maganda ang kanyang gising, siguro dahil ayos na sila ng kasintahan niya kagabi, mabuti naman kung gano'n.
Ayokong makakita ng broken hearted buong araw, baka sa akin pa niya ibunton ang galit niya sa mundo kung gano'n.
Hindi ko siya binati pabalik, dumiretsyo ako sa malaking ref na akalang mong aparador na sa laki para kumuha ng tubig. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang tingin hanggang nakainom ako, nang humarap ako ay hinuhubad na niya ang suot na apron at isinabit sa gilid habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Maybe he's afraid to me? Kaya siguro binabantayan niya ang galaw ko.
Wala ba siyang duty? Oh, I'm his new work nga pala!
Balak ko sanang libutin at ayusin ang bahay pero paano ko iyon magagawa kung nandito siya? Hindi naman siguro niya i-career ang pagbantay niya sa akin. Nakakailang 'yon.
"Hey, I said good morning." Tumango ako, natawa siya nang mahina dahil doon. "Woke up on the wrong side of the bed?"
Naghila siya ng upuan, naghila rin ako para sa akin at naupo roon.
Narinig ko ang malakas niyang buntonghininga.
"You should let me fix your seat," he mumbled.
"Kaya ko naman ho," sagot ko at pinanuod siyang maghain para sa amin.
Hindi ko alam kung tutulong ba ako o hahayaan siya, hindi bagay sa kanya ang mag-asikaso sa kusina.
Naningkit ang aking mata dahil pinakakaayos niya ang pagkakalagay ng mga kubyertos sa pinggan at ang dami ng tubig sa baso ay pantay rin na para bang natatakot siyang magkamali roon.
Hindi ba't babantayan niya ako, kung itrato niya ako ay akala ata niya ay maid ko siya.
"Finally! See, I did it! Love!" Nagulat pa ako nang pumalatak siya, na para bang ang tagal niyang prinactice ang ginawa niyang iyon.
Kinuha ko ang kutsara't tinidor, hindi ko na pinansin ang tawag niya sa akin. Yeah, I think gays are like that all the time, they have nicknames for someone.
"Naghain ka lang naman," puna ko.
Nakita kong humaba ang kanyang nguso, mukha siyang surot na tampo.
Dinampot ko ang kutsara upang higupin ang pamilyar na soup, unang higop pa lang ay alam ko na. How could he know this one was my favorite soup? Paano niya nalaman 'to o nagkataon lang talaga?
"How . . . was it?" mabagal na tanong niya at dinungaw pa ang ekspresyon sa aking mukha.
Pakiramdam ko ba ay may hinihintay siyang reaksyon sa akin.
"Masarap naman." Masarap talaga, mas masarap pa ata 'to roon sa soup sa loob pero ayokong sabihin sa kanya iyon nang deretsyo.
Kinagat niya ang itaas niyang labi saka marahan tumango. "Did I do something wrong? Maybe I forgot some ingredients?" mahinang bulong niya na hindi ko na masyado narinig pa.
Hindi na ako nagsalita pa.
Nagsimula akong kumain nang umupo siya upuan sa aking harapan. Hindi na ako nagsalita pa kahit ramdam kong palingon-lingon siya, nagsimula siyang magsalita habang iniisip ko naman ang mga gagawin ko sa susunod na araw.
Gusto ko munang makita ang isang tao, 'yon ang una kong plano. Siguro naman ay pwede, baka pwede ko siyang makirta kahit saglit lang?
Ang tahimik niyang pagnguya ay unti-unti ng umingay.
Humigpit ang hawak ko sa kutsara nang marinig ang kalansing ng pagtama ng kubyertos niya sa plato, eksaheradong ngumuya siya kaya rinig na rinig ko.
Okay, calm down. Alice.
Dahan-dahan kong binaba ang hawak ko saka siya tinitigan nang luimpas ang ilang minuto na niya iyon ginagawa.
"Will you please stop making sounds while eating? Close your mouth," I demanded even though I knew he meant it.
Tumigil din siya sa pagkain at ngiting tagumpay na tumingin sa akin. Nakakainis 'to! Kasama ba sa trabaho niyang inisin ako. Bagong Pulis lang ba siya? "Ah, akala ko hindi mo ako naririnig kanina pa kasi ako may tinatanong pero hindi ka sumasagot," magaspang na sabi niya.
Sumandal ako sa aking upuan, pinagkrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib. I noticed him looking down at my chest before returning his gaze to my face.
"Bakit ba parang lagi kang nakikipag-away? Are you mad at me?" natatawang puna niya.
They always misinterpret my face as angry, despite the fact that this is my natural facial expression. Mas mukha naman akong tanga kung nakangiti ako habang sumusubo ng sabaw, mas weird 'yon.
Malakas akong bumuntonghininga. "Don't expect me to always smile, always return your greetings, and always beg for your assistance. Pasensya ka na officer Dela Torre kasi hindi ho ako gano'n, ganito ko. Tahimik at seryoso lang, hindi nakikipag-usap kasi hindi ako komportable, huwag mo sa akin hanapin 'yong nakikita mo sa ibabang babae o . . . lalaki," idiniin ko ang dulong salita.
Akala ko ay ma-o-offend siya sa sinabi ko kaya nagulat ako nang ngumisi siya saka humigop ng kape habang hindi inaalis ang titig sa akin.
"Mas gumaganda ka pala kapag nagagalit," sabi niya at binalewala ang mahabang litanya ko. "Sige kain ka pa."
༻❁༺
BUONG araw ay inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos ng gamit sa kwarto, may ilang gamit akong tinanggal na ayoko roon. Nang matapos ay naligo ako at nagsuot ng ternong pajama na bago lumabas ng aking kwarto, nagulat pa akong makita si officer Dela Torre sa sala habang nakalatag sa center table ang ilang paper bag. Umalis siya kanina? Hindi ko ata narinig na umalis ang kotse niya.
Lalagpasan ko sana siya papunta sa kusina nang magtama ang aming mata pero sinenyasan niya akong lumapit.
"You went outside?" tanong ko nang tuluyan makalapit.
Siguro ay nag-date sila ng boyfriend niya?
"Uh, no. Dineliver lang ang mga 'to. Sa'yo 'to."
"Huh?"
Tumikhim ako saka sinenyasan na umupo, sinunod ko ang gusto niya. Magkatapat kami sa sofa, iminuwestra niya ang mga paper bag sa aming harapan.
"Bigay 'yan ng institution sa'yo. Some clothing and, uh, personal items. There's also a smartphone here so I can—we can contact you," seryosong sabi niya.
Kumunot ang aking noo dahil sa sinab niya, binuksan ko ang ilan sa paper bag. Mamahalin ang phone na nandoon, nagbibigay ng ganito ang institution?
"Wala akong maibabayad sa mga ito."
Isa pa, wala akong trabaho. Hindi ko nga alam kung paano na ako sa mga susunod na araw o lingo, paniguradong wala rin trabahong tatanggap sa akin kung sakaling mag-apply ako. Hindi ako tapos sa pag-aaral at galing ako sa mental.
"Bigay 'yan," he repeated.
"Ng institution?" paninigurado ko.
"Fine, Doctor Jace Morelli gave it as a gift. Happy?"
"Bakit niya ako bibigyan?" takang tanong ko.
He sighed, as if I reached the end of his patience. Masama bang magtanong? Malay ko ba kung kanino galing ito tapos pagkatapos ng ilang araw ay sisingilin ako, anong ibabayad ko? Sama ng loob?
"Hindi ko alam, Madam. You can ask him about it the next time we see him for your check-up," he suggested.
Tumango ako, ayos lang kung kay Doc basta huwag lang kay Kuya T, ayoko na makatanggap ng anumang galing sa kanya.
Binuksan ko ang isang paper bag, napakumurap-kurap pa ako nang makita ang pares ng underwears. Iba't ibang style, may thong, g-string at bikini. What the hell? Siguro ay pinabili lang ito ni Doc sa sekretari niya?
"Don't you like it?" basag sa katahimikan ni officer Dela Torre.
Umangat ang tingin ko sa kanya, kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi habang nakaiwas tingin sa akin.
Napanguso ako. "I'm not wearing a panty."
Nanlaki ang mata niya na lumingon sa akin. "Right now?"
Oh, mali ata ang pagkakasabi ko.
"No! I mean, uh hindi ako nagsusuot ng panty." Hindi ko alam kung dapat ba namin pag-usapan ang bagay nito, well he's gay so I think it's fine with him. Saka wala naman masama sa simpleng topic unless lalagayan ng malisya.
"A-Ano ba sinusuot mo?" Tumikhim pa siya saka sinuklay ang kanyang buhok.
Napalabi ako. "Brief."
Sandali niya akong tinitigan, hindi ko alam kung natatawa na siya sa isip niya o hinuhusgahan na niya ako. "I'm not just comfortable wearing panties. They appear to be too thin for my, uh, peanut." I explained.
Hindi talaga ako sanay kahit noong nag-aaral ako. Mas komportable ako sa disenyo ng pang-ibaba ng mga lalaki. The pattern, the garter, and the fabric.
Officer Dela Torre looked away after a second. "Huwag mo na gamitin ang mga iyan kung hindi ka komportable. I have a pair of new briefs that I can give you," mabagal na sabi niya.
Napatango ako, mabait naman pala siya mukha lang hindi.
Nang magtagpo ang mata namin ay ngumiti ako, nakita kong natigilan siya. "What's your size, officer?"
Napaubo siya sa aking tanong, nawala ang ngiti sa aking labi. May problema ba?
"Do you really need to ask me that?"
Nagsalubong ang aking kilay. "Yeah? Kasi ibibigay mo sa akin kaya tinatanong ko kung anong size mo para kung malaki or maliit ay alam ko, malay mo hindi kasya edi hindi ko na kukunin."
"Do I look small to you?" He sound offended.
Tumabingi ang aking ulo saka bumaba ang tingin sa sweater short na suot niya, kaagad siyang pumitik para umangat ang tingin ko.
"H-Hey look up!" Nagtama ang aming mata, gumalaw ang kanyang panga.
"You look uh, large?" hula ko.
Nagulat ako nang tumayo siya. "Ayusin mo na 'yang mga bagong gamit mo. Magpalit ka ng damit, lalabas tayo," sabi niya habang nakatalikod, ibinulsa niya ang mga kamay.
Napatitig ako sa malapad niyang balikat at matambok na pwet. Naggi-gym siguro siya? Parang gusto ko rin.
"Saan tayo pupunta, officer Dela Torre?" Tumayo na ako.
Nilingon niya ako, pansin ko ang pula ng kanyang leeg. "Kakain tayo sa labas, just wear something comfortable and stop calling me Officer Dela Torre, Alas na lang o kahit ano, ikaw bahala basta huwag ang apelido ko," seryosong sabi niya.
Natigilan ako, kakain kami sa labas? Paano kapag sinumpong ako roon? Paano kung makasakit ako ng iba roon?
Marahas akong umiling. "H-Hindi na ako sasama, ikaw na lang," tanggi ko.
Tuluyan na niya akong hinarap, busangot na ang seryoso niyang mukha kanina na para bang may nasabi akong hindi niya nagustuhan.
"Hindi ako tatakas huwag kang mag-alala," segunda ko.
"Gusto mo bang kumain sa labas?" nagulat ako sa hinahon ng boses niya, akala ko ay magagalit siya.
Binasa ko ang aking ibabang labi, syempre gusto ko dahil ang tagal na simula noong nakalabas ako. Matagal na simula ng makakain ako ng mga pagkain sa labas pero nahiya akong sbaihin iyon sa kanya, halos nakalimutan ko na kung paano makihalubilo sa iba.
Humakbang siya ng isa papalapit sa akin, halos tingalain ko siya.
"Trust me, everything will be fine," he whispered.
Hindi ako nakapagsalita, madaling sabihin iyon pero mahirap. Hindi ko alam, sarili ko nga hindi ko mapagkatiwalaan.
Inilahad niya ang kamay sa akin, napatitig ako roon sandali bago umangat ang tingin ko sa kanyang mukha, nagtama ang aming mata.
May emosyon doon na hindi ko mapangalanan.
Tatanggapin ko na sana ang kamay niya ngunit tumunog ang kanyang telepono, kinuha niya iyon sa kanyang bulsa. Nilingon pa niya ako bago sagutin at bahagyang lumayo.
"Hello, Babe? You okay, Sav?" Narinig kong sabi niya sa kausap, malambing na ang kanyang boses.
Tuluyan siyang lumabas ng bahay, napatitig ako sa nakasarang pinto.
Nasapo ko ang aking dibdib dahil sumisikip iyon. "Why are you hurting?" bulong ko bago napailing.
_______________________