Nagising ako sa puting kuwarto at may mga aparato na nakakabit sa katawan ko, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata kasi nararamdaman ko na medyo bumibigat ang talukap nito. Para akong naubusan ng tubig, sobrang tuyo ng lalamunan ko. "Nathalie gising ka na!" Sigaw ng isang lalaki na hindi ko masyado maaninag dahil nasisilaw ako sa ilaw. "Catherina puwede mo ba tawagin ang Doctor?" Utos pa nito kay Catherina. Kung hindi ako nagkakamali, si Troye 'to. "Sige, tignan mo muna si Nathalie diyan baka may kailangan siya." Bilin pa nito. Bigla kong naalala 'yong nangyare. For the second time around, nakaligtas na naman ako. Nakatulala lang ako, nakatingin sa kawalan. Bakit hindi pa natuloy. "Nath," tawag nito sa pangalan ko. Tinignan ko lang ito kasi medyo nahihirapan akong magsalit d

