Agad kong binuksan ang pinto ng emergency room sabay tinulak ang Doctor na sumusuri kay Nathalie. "Nat! Huwag naman ganito oh, please? Nathalie wake up!" Umiiyak na saad ko rito habang niyuyogyog ang katawan niya. "Nathalie! Please..." "I'm sorry," saad nang Doctor. "Nath, Nath naman..." Npahagulgol na ako nang hindi pa rin bumabalik sa normal ang heartbeat niya. "Time of death..." "No! Hindi pa siya patay, gigising pa siya!" Sigaw ko sa Doctor sabay kwinelyuhan ito. "I'm sorry Sir pero ginawa na namin lahat." Sagot nito habang hawak-hawak ang kamay kong nakahawak sa kuwelyo niya. Pareho kaming natahimik nang biglang huminga ng napakalalim si Nathalie, gulat ang gumuhit sa aming mga mukha. Nabitawan ko ang Doctor at lumapit agad ito kay Nathalie, hindi ko mapigilan ang mapangiti n

