"Catherina Hoel," sambit ko nang makapasok na ako sa clinic niya. Naabutan ko siyang aligaga at parang hindi mapakali. Tinitigan ako nito sabay sagot, "sino ka?" takang tanong niya. "I'm Troye Cabeo," diretsong saad ko. "Yeah, naalala ko na. Anong kailangan mo? Kung magpapakonsulta ka puwede bang bukas na lang, nagmamadali kasi talaga ako ngayon e." Seryoso ko siyang tinitigan sabay tanong, "bakit mo 'to pinapainom kay Nathalie?" mariin kong saad. Napaatras ito nang makita ang gamot na aking dala, pamilyar yata sa kan'ya kaya gulat na gulat ang ekspresyon nito. "Bakit..." Hindi makapaniwalang tanong nito. "Bakit mo 'to pinapainom sa kan'ya?" Sumisigaw ko ng tanong sa kan'ya. "Look, hindi ko siya pinilit na painumin niyan." Pagrarason nito. "Nagkataong psychiatrist ka pero hindi m

