Chapter 9

1023 Words
Para akong nabingi sa aking narinig, tulala pa rin ako hanggang ngayon kahit kanina pa ako nakauwi galing sa opisina ni Oliver. Hindi ko alam kung paano 'to sasabihin kay Nathalie na hindi siya ma-o-offend. Alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang pinasuri ko ang gamot na iniinom niya. Sobra akong nagulat sa nalaman ko, nag-eexist pala ang disorder na 'yon? Pero hanga ako sa determinasyon niya, kahit na may nararamdaman siya ay nagtatrabaho pa rin ito at nagsusumikap. Pero dapat kailangan ko na siyang patigilin sa pag-inom niya ng gamot na 'yon. Oo nga pala, magkikita kami ngayon kailangan ko na maghanda at ngayon ko sasabihin sa kan'ya. Biglang tumunog ang aking cellphone at rumehistro ang pangalan ni Nathalie doon. Huminga muna ako ng malalim sabay tumikhim bago ito sagutin. "Hello Nathalie," nakapikit na saad ko. "Hindi ba magkikita tayo ngayon? Sa park ka na lang dumiretso ah, may gagawin pa kasi ako roon e." Masiglang saad nito. "Sige, kita na lang tayo doon." Sagot ko naman. Biglang natahimik si Nathalie sa kabilang linya, "Nat?" tawag ko rito. "Okay ka lang ba?" Tanong nito. "Oo naman, bakit?" Saad ko sabay pinilit na maging masigla pakinggan ang aking boses. "Wala naman para kasing ang lamig ng pakikitungo mo sa akin ngayon e." Mahinang sambit nito. "Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip mo, okay lang ako." "Kung gano'n sige, magkita na lang tayo mamaya ha? Paalam." Dahan-dahan ko namang binaba ang aking cellphone at pinagmasdan ang mukha ni Nathalie na nasa screen saver ko. "I'm sorry, hindi ko talaga alam kung paano makitungo sa 'yo after what I've know." Saad ko habang nakatitig sa mukha niya roon. Binulsa ko na lang ito sabay pumunta na sa sasakyan ko at nagmaneho papuntang park, medyo traffic siya pero naka-usad naman agad. Kahit nasa malayo pa ako, kitang-kita ko na si Nathalie na nakatayo roon habang namimigay sa mga batang nakapila roon. Mabait naman si Nathali e, sobra. Masyado matutulungin at hindi madamot, naaawa ako sa kan'ya sa totoo lang kasi naman hindi ordinaryo ang sakit niya. Pinagtagpo ko ang aking mga palad habang pinagmamasdan si Nathalie sa malayo, mamaya na kita lalapitan. Ang mga ngiti niya sa labi, makikita na masaya ito sa ginagawa niya. Bakit sa dinami-rami ng tao, bakit siya pa? Nang matapos na ito sa ginagawa niya, agad akong bumaba sa kotse ko at nilapitan siya. Nakaupo lang ito sa bench malapit sa mga batang binigyan niya ng pagkain kanina. "Hi!" Bati ko rito. Tumingala naman ito at napangiti nang makitang ako ang tumawag sa kan'ya. "You're here!" Masiglang saad nito sabay tumayo. "Yeah, ang bait mo talaga." Nakangiti kong compliment sa kan'ya. "Naku! Maliit na bagay Troye," nakangiti naman nitong saad. "Nathalie, can we talk?" Tanong ko rito. Ngumiti ito sabay sumagot, "nag-uusap na tayo." Natatawang saad niya. Napalunok ako ng laway sa tinuran nito, hindi ko tuloy alam kung saan magsisimula. "Seryoso, may gusto sana akong sabihin sa 'yo." Seryosong saad ko, napansin niya naman ito kaya sumeryoso na rin ito. "Fine, tungkol saan ba?" Seryosong saad nito. "Tara sa sasakyan," aya ko rito at hinawakan ang kamay niya at dinala siya sa loob ng sasakyan ko. "Ganito ba kaseryoso at dinala mo pa ako rito?" Takang tanong nito. Tumango lang ako at mataman na tiitigan ang mukha niya. "Ano, akala ko ba may itatanong ka bakit nakatitig ka lang?" Reklamo nito sabay ngumuso. Nahilamos ko 'yong dalawa kong palad sa mukha ko at huminga muna. "Nathalie, para saan ang gamot na 'to?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kan'ya. Nanlaki ang mata nito nang makilala ang tableta na nasa akin. "Bakit may ganyan ka?" Takang tanong nito. Pumikit ako ng mariin sabay sumagot, "sa 'yo ito galing Nat." Napaawang ang bibig nito sa sinabi ko, hinawakan nito saglit ang ilong niya sabay tumitig sa akin. "Bakit mo 'ko pinangungunahan?" Seryosong saad nito. "N-no, I just really want to know kung para saan 'to." Rason ko sa kan'ya. Ngumisi ito sabay tumawa ng mapakla, "sinong niloloko mo?" "Nat, I'm sorry nagaalala lang talaga ako sa kalagayan mo." Saad ko sabay hinawakan ang kamay niya. "Don't touch me! So alam mo na pala?" Nakangiti nitong saad pero may bahid ng lungkot ang mga mata nito. "Gusto ko na sa 'yo mismo manggaling," pilit ko pa rin rito. Kasabay ng pagpikit niya ang pagtulo ng masagana niyang luha, bigla akong nagsisi sa ginawa ko. "Yes, may sakit ako at hindi ito normal lang na sakit. I need this meds para hindi ako atakehin. Masaya ka na?" Umiiyak na saad nito. "Nat, pinasuri ko ang gamot hindi ito safe na inumin. Nathalie tigilan mo na ang kakainom sa gamot na 'to!" Nagaalalang saad ko sa kan'ya. Pinahid nito ang kan'yang mga luha sabay tinitigan ako na para bang hindi makapaniwala, "pinasuri mo ang gamot ko?" ulit pa nito. Tumango lang ako rito. Naikuyom nito ang kan'yang kamao, "hindi ako makapaniwala na ginawa mo 'yon Troye!" Sigaw nito sa akin. "I'm just really worried Nat," naiiyak na rin na saad ko. "No you're not, 'di ba sinabi ko naman sa 'yo na sasabihin ko kapag handa na ako? Pero anong ginawa mo! For your information hindi ako titigil sa pag-inom ng gamot na 'to, gusto ko gumaling at wala kang pake doon!" Umiiyak na sigaw nito. "Nat, I'm sorry!" Hingi ko rito ng tawad sabay niyakap siya ng napakahigpit. Pero nasaktan ako nang bigla akong itulak palayo ni Nathalie, kita sa mga mata nito ang sakit at pagkasuklam. Pinipilit nitong hindi mapiyok, kasi ang lakas na ng paghagulgol niya. "Ikaw Troye," saad nito habang nangingig na tinuro ako. "Simula sa araw na 'to, tinatanggalan na kita ng karapatan na kausapin ako o makipagkita sa akin!" Mariin na saad nito sabay tumalikod at bumaba na. Napailing ako sa sinabi nito, napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa hindi ko pag-iisip ng maayos. "Nasaktan ko siya," mahinang saad ko. "Ahhhh!" Malakas kong sigaw ko sabay pinaghahampas ang manibela ng aking kotse. Tumatakbo na palayo sa akin si Nathalie, bakit kasi hindi muna ako nag-isip. Naramdaman ko na lang ang mga likidong umaagos mula sa mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD