Nang magising ako kinaumagahan parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, para ba akong hinihila ng aking higaan. Nang aking tignan ang orasan, medyo late na pala ako at maraming tawag galing kay Cheena. May mga mensahe ring hindi ko pa nababasa galing kay Zachaos, Troye at Cheena.
"Maam, hinahanap ka ni Sir Zachaos kanina pa siya nandito." Napakunot ang aking noo nang mabasa ang menshe ni Cheena. Ano kaya ang ginagawa niya roon.
"Good Morning gorgeous! Have a nice day, hope you're not busy later." Galing naman kay Troye, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mensahe nito.
"Dadaan ako sa opisina mo mamaya," ito naman ang galing kay Zachaos.
Kaya bumangon na ako't nag-umpisa na sa daily routine ko, naligo sabay nag-ayos na. Isang puting long-sleeve lang ang sout ko sabay isang itim na pencil skirt at kulay hubad na high-heels.
Kaunting make-up lang din at lip tint, handang-handa na akong pumasok. Uminom lang ako ng kape at isang pirasong tinapay. Hindi na ako nag-abala pang magluto kasi mas malalate pa ako. Aalis na sana ako nang may makalimutan ako, ang pills na bigay ni Catherina.
Huminga muna ako ng malalim sabay kumuha ng limang piraso ng tableta, gustong-gusto ko na kasi talaga gumaling kaya kung puwede ubusin ko 'to ng isang inuman gagawin ko talaga gumaling lang ako. Sinubo ko na ng sabay-sabay ang limang piraso at nilunok gamit ang tubig.
"Gagaling ka Nathalie, tiwala lang!" Pagpapalakas ko sa loob ko habang nakaharap sa salamin.
Lumabas na rin ako't nagmaneho na patungo sa opisina, habang nasa ilalim ako ng aking pagmamaneho biglang nanlabo ang aking paningin kaya bigla kong naapakan ang preno. Mariin akong pumikit at dagan-dahang dumilat.
"Baka sa sobrang pagod lang kaya ako biglang nahilo," saad ng isip ko. Uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy sa pagmamaneho.
Nang makarating na ako sa parking lot, agad ko namang pi-nark ang aking sasakyan at nagmadali ng tumungo sa elevator. Akala ko ako lang mag-isa ang sasakay pero marami pala ang mga nasa ground floor.
Nauna na akong pumasok tapos ang nasa harapan ko ay si Eve, isa siya sa mga matatabas ang dila na ka-opisina ko.
"Hoy, narinig niyo na ba ang balita?" Simula nito sa kan'yang tsismis.
"Anong balita ba?" Tanong ni Ali.
Ayaw ko sana makinig sa usapan nila pero hindi ko maiwasan kasi nasa harapan ko sila.
"Usap-usapan na may isa raw tayong kasamahan dito na pumupunta sa Psychiatrist, ang malala pa isa raw sa mga head. Baka an stress kaya kailangan ng psychiatrist!" Tumatawang saad nito.
Natigilan ako nang marinig kung ano ang pinag-uusapan nila, wala naman akong pinagsabihan ah? Ako kaya ang tinutukoy nila?
"Baka nabaliw!" Biro pa ni Ali sabay nagtawanan sila na para bang sila lang ang nasa loob.
Tumikhim muna ako bago sumabat, "hindi ibig sabihin na kapag pumunta ang isang tao sa psychiatrist e baliw na and instead an mag tsismis kayo try niyo rin magbasa-basa nang 'di kayo tawaging bobo." Seryoso kong saad sabay binangga ang balikat ni Eve na nakaharang sa daanan ko.
Bigla silang natameme sa sinabi ko, napakamapanghusga e. Akala mo naman kung sino silang perpekto. Eksakto namang bumukas at bumungad sa aking harapan si Zachaos na may dalang kumpol ng rosas at tsokolate.
"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko nang tuluyan na akong makalabas.
"Wala naman, idadaan ko lang sana sa 'yo 'to e." Saad nito at inabot sa akin ang mga dala niya.
"Salamat," nakangiti kong tugon.
Biglang dumaan sa gilid ko sila Eve, kitang-kita ko kung paano ako irapan nila. Napahiya kaya gano'n.
"Anong problema ng mga 'yon?" Takang tanong ni Zachaos nang mapansin niya ang pag-irap nila sa akin.
"Wala naman, baka hindi lang maganda ang araw nila." Pagrarason ko pa.
"Oo nga pala, kailangan ko na umalis Nat-nat. Busy ka ba mamaya?" Biglang tanong nito.
"Lalabas kami ni Troye, bakit?" Sagot ko rito.
"Gano'n ba, may lakad ka na pala sige sa susunod na lang ha?" Paalam nito at pumasok na sa elevator.
Nagkibit-balikat na lang ako sa kinilos nito, dumiretso na ako sa opisina ko at may mga ipapamahagi na naman ako mamaya.
"Good Morning Maam!" Bati ni Cheena sa akin.
Tumango lang ako at nilapag ang bigay ni Zachaos sa kabilang mesa. "Alam mo ba kung sino mga nagbibigay nito Cheena?" Tanong ko sa kan;ya at nilapitan ang kumpol-kumpol na bulaklak sa mesa at mga iba't-ibang klase ng mamahaling tsokolate.
"Yes Maam, pero ayaw po nila i-pasabi e. Alam po nila na pinapamahagi mo 'to, kaya mas nagaganahan silang bigyan ka." Paliwanag nito.
Tumango na lang ako bilang sagot, nagpatulong na rin akong ayusin ito kasi magsisimula na ako sa pagtatrabaho.
Nakatambak na naman ang mga monthly reports sa mesa ko at mga audited information. Kailangan ko pa 'to i-check isa-isa. Habang abala ako sa pagpipirma, nagulantang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone.
Tumatawag si Catherina...
Tinignan ko muna si Cheena na abala rin sa ginagawa niya kaya hindi na ako nag-atubili pang lumabas.
"Hello Catherina, napatawag ka?" Mahinang saad ko.
"I just want to tell you na naka-order na ako ng two bottles tsaka i-dedeliver nna raw bukas kaya puwede mo siya daanan rito bukas ng gabi." Balita nito sa akin.
"Okay, noted!" Masayang saad ko at ibababa na sana nang bigla niya akong tanungin.
"How are you?" Tanong nito.
"I'm good, I feel so good." Nakangiti kong sagot. Pgkatapos ko ipagsabay na inumin angmga tableta parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.
"Mabuti kung gano'n, Ingat!" Paalam nito sabay binaba na ang cellphone.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi nito, mabuti na lang at maraming stock ang Doktor na nasa states.
Troye's POV
Papunta ako sa isang kakilala kong Doktor, hindi ako makakampante hangga't hindi ko alam ang totoo. Mataman kong pinagmamasdan ang tabletang hawak ko, kailangan ko 'to ipasuri sa kan'ya kung para sa anong sakit ang gamot na 'to.
Kumatok muna ako bago pumasok, "hi Oliver!" salubong ko rito.
"Troye, long time no see!" Masiglang bati nito sabay nagkamayan kami.
"Busy ba ang schedule mo ngayon Oliver, may kailangan kasi sana ako e." Walang paligoy-ligoy na saad ko rito.
"Hindi naman, ano ba 'yon?" Tanong nito sabay tinitigan ako sa mata.
"Can you please check kung para saan ang gamot na 'to?" Saad ko rito at inabot sa kan'ya ang isang piraso ng tableta.
"A-ano, kanino bang gamot 'yan?" Takang tanong niya.
"Sa kakilala ko, ayaw niya kasi sabihin kaya kumuha ako ng isnag piraso patago para alamin kung para saan 'to." Paliwanag ko sa kan'ya.
Bumuntong hininga muna ito sabay inabot ang hawak kong tableta.
"Hintayin mo lang ako dito, maybe after thirty minutes." Paalam nito sabay tumayo.
"Hindi ba ako puwedeng sumama?" Pagpapaalam ko.
"No, bawal kasi pumasok sa Lab ang hindi nurse o Doktor e kaya pasensya na." Paghingi pa nito ng tawad.
"Okay lang, hihintayin na lang kita rito." Sagot ko.
Tumango na lang siya at lumabas na. Huminga muna ako ng malalim at tumayo, paikot-ikot lang ako sa loob ng opisina ni Oliver. Nakapamulsa ako habang nakatingin sa kawalan, lagi lang gano'n ang ginawa ko habang hinihintay siya. Hindi ko kasi mapigilan ang magalala.
Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pinto. Halos hindi mai-pinta ang mukha ni Oliver.
"May problema ba?" Tanong ko rito.
"Troye, kung sino man ang umiinom ng gamot na 'to ngayon pa man patigilin mo na siya." Umpisa nito.
Napakunot ang aking noo sa sinabi nito,"pero bakit?" tanong ko.
"Hindi pa 'to officially matatawag na gamot kasi hindi pa siya an approved ng food and drug administration. Under observation pa ito, kumbaga nasa trial and error pa ang gumawa ng gamot na 'to.
Napaupo ako nang marinig ko 'yon, pero bakit iniinom na ni Nathalie kung delikado pa 'to?
"Para sa anong sakit ba ang gamot na 'yan Oliver?" Tanong ko rito.
"Kadalasan binibigay ito sa mga pasyente na may nymphomaniac disorder." Paliwanag nito.
"W-what, nymphomaniac?" Naguguluhang saad ko.
"Nymphomaniac is a woman who has abnormally excessive and uncontrollable s****l desire." Diretsong saad nito.
Bigla akong natigilan sa sinabi nito.
"Kaya pala bigla-bigla na lang siya nagiging aggressive..." Mahinang saad ko.