"This is not the right time Troye, sorry." Paghingi ko ng paumanhin sabay yuko.
"I understand, okay lang naman Nathalie I'm willing to wait." Nakangiti nitong sagot.
Tumango na lang ako at nagbihis na, kailangan ko pumunta kay Catherina ngayon.
"Thank you for this day Nathalie," pagpapasalamat nito sabay hinalikan ang aking noo nang matapos na kaming magbihis.
"Salamat din," sagot ko sabay ngumiti.
"Hatid na kita?" Alok nito.
"Huwag na, may dadaanan pa ako e." Tanggi ko rito.
"Gano'n ba, Ingat ka ha? Text me kapag nakauwi ka na." Bilin nito.
"Yeah," maikling tugon ko.
Sabay na kaming bumaba hanggang parking lot at naghiwalay na para pumunta sa mga sasakyan namin. Napangiti ako nang kumaway ito, kinawayan ko rin siya at tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan ko.
Medyo mahaba ang traffic, kaya hindi gaano umuusad. I texted Catherina na pupunta ako, baka kasi umuwi na siya.
Agad kong pinaandar ang aking sasakyan at lumiko na patungo sa clinic ni Catherina.
Sasabihin ko ba sa kan'ya o hindi. No, kailangan niya malaman. Agad ko namang pinark ang aking sasakyan nang makarating na ako.
"Good thing you came, akala ko hindi ka na dadating e." Salubong nito sa akin.
"Sorry na agad, ano kasi ahm may nangyari..." Naiilang kong sagot rito.
Kumunot ang noo nito at natigilan sa ginagawa niya, "malala ba?" nagaalalang tanong nito.
Huminga muna ako ng malalim sabay sagot, "sobra!" nakapikit kong saad.
"You mean..."
"Yeah, I-I no We did it. Literally!" Saad ko sabay pinagdikit ang aking dalawang palad.
"Hindi mo ba ininom 'yong gamot Nathalie?" Tanong nito.
"I did, nagulat nga ako e kasi ang bilis lang ng bisa niya tapos mawawala ulit." Sagot ko rito.
"Nat, I need to tell you something." Mahinang saad nito.
"What?" Takang tanong ko rito.
"Thi pills, hindi pa talaga siya one hundred percent na napapatunayan na mabisa siya o umeepekto. Kumbaga nasa fifty percent pa lang siya, I'm sorry Nathalie gusto ko lang talaga na tulungan ka kaya binigay ko sa 'yo 'yon. Alam ko kasi kung gaano ka delikado ang sakit mo." Nakayuko nitong saad habang humihingi ng pasensya.
Napapikit ako ng mariin sa aking narinig, gusto ko sana magalit pero hindi ko magawa. Alam ko kasing naawa siya sa kin kaya ginawan niya ng paraan.
"Pero paano mo nalaman na puwede siya inumin?" Tanong ko.
"I contacted a Doctor from states, siya ang gumawa ng pills na 'to kasi may pasyente rin silang kagaya mo. So I decided to get one too kasi baka makatulong sa 'yo, pero kung gusto mo tigilan puwede mo ng tigilan sa pag-inom." Suhestiyon nito.
"No, hindi ko siya titigilan at kahit na hindi pa sigurado medyo maganda naman ang epekto." Tanggi ko pa.
"Sigurado ka ba Nathalie, dapat handa ka sa magiging side effect nito." Paliwanag niya.
"Kahit ano pa 'yan, oo nga pala mag-order ka ulit ng isang bottle Catherina ha? Don't worry, mag-iiwan ako ng pera pambayad." Saad ko at kumuha ng limang libo sa wallet.
"Sapat na ba 'to?" Tanong ko rito.
"Sobra pa, two thousand five hundred lang every bottle e." Saad nito at ibabalik sana ang sobra but I refused.
"Two bottles of that med," nakangiti kong saad.
"Seryoso?" Panigurado pa nito.
"Yeah, malay mo 'di ba? Gumaling na ako." Sagot ko naman.
"Sige, I'll text you kapag nakaorder na ako ha? I-update mo 'ko every time na may mangyari na naman." Bilin nito.
"Yes, I will." Sagot ko rito.
"Nathalie, one thing..." Biglang saad nito.
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"Anong naramdaman mo nang may magyari sa inyo?" Tanong nito.
Nagdadalawang isip man ay sinagot ko ito, "alam kong weird pero masaya ako't sobrang na satisfy." Totoong sagot ko rito.
"Do you trust him?" Tanong ulit nito.
"Sort of but not totally," sagot ko naman.
"Alam niya na ba ang tungkol sa kalagayan mo?" Seryosong saad niya.
Napabuntong-hininga ako nang marinig ang sunod na tanong nito, "hindi pa" sagot ko.
"Good, huwag mo muna sabihin sa kan'ya 'kay? Kung sasabihin mo din, if you need me I'll help you." Nakangiti nitong tugon.
"Ang bait mo sa akin Catherina, salamat ha?"Sagot ko rito sabay niyakap siya.
Sa panahong ganito, siya talaga ma-aasahan.
"Sa 'yo lang talaga ako ganito Nat and I don't know why, ang gaan lang talaga ng pakiramdam ko sa 'yo." Sagot nito habang hinahaplos ang likuran ko.
Napangiti ako sa sinabi nito, sana lahatv kaya akong tanggapin. Nagpaalam na ako sa kan'ya, kailangan ko na umuwi at magpahinga. Nagmaneho na ako pauwi at naging madali lang ito kasi walang gaanong traffic.
Nagbihis na rin ako ng pantulog at sinuri ang lalagyan ng pills na bigay ni Catherina.
"Gusto ko na talaga gumaling," saad ko habang mataman itong pinagmasdan.
Kumuha ako ng limang piraso ng tableta, "total naman mag-oorder si Catherina sasabay-sabayin ko na 'to sa pag-inom."
Sabay ko itong ininom at tinulak gamiit ang tubig, hindi naman siguro 'to makakasira sa akin. Hindi ko lang sasabihin sa kan'ya na tig-lilima ko kung inumin 'to.