Prologue

558 Words
Tumatakbo ako sa loob ng isang lumang warehouse sa Laguna habang bitbit ko ang aking forty-five caliber. Maingat ang aking mga kilos upang hindi ako makagawa ng ingay sa loob na halos madilim na rin ang parte na pinasukan ko. Wala akong takot na mabulilyaso ang malaking transaksiyon ng palitan ng mga smuggled firearms sa malaking halaga. “Luna, kumusta ang lagay mo riyan sa loob?” tanong ng lalaki. Naririnig ko ang baritonong boses ng lalaki mula sa nakasalpak sa aking tenga upang may komunikasyon ako sa mga awtoridad na kasama ko sa operasyon at naghihintay lang ng go signal ko. Napasandal ako sa madilim na bahagi habang tanaw ko na ang mga kalalakihang nagpapalitan ng kanilang mga dala sa ibabang bahagi. “Nagpapalitan na sila ng kanilang mga dala at nakikita ko na nag-abot na ang grupo ng mga Chinese ng malaking halaga sa grupo nina Julius. Maaari na kayong sumugod,” tugon ko sa kabilang linya. Isa na ring iyong hudyat na maaaring lusubin ng mga kasama ko ang lugar. “Okay. Take care and see you later,” muling wika ng lalaki. Kaysarap pakinggan ang pag-aalala mo sa akin pero hindi ito ang panahon upang hangaan kita. Muli akong tumayo sa aking pinagkukublihan at muling lumapit pa sa kinaroroonan ng mga kalaban. Nagmistula akong pusa habang naglalambitin sa mga maliliit na bakal sa ibabaw upang makalapit lang sa mga kalaban na hindi nila namamalayan. Subalit nagkamali ang pagtapak ng isang paa ko dahilan kaya ako napatalon agad dahilan ng matinding ingay. “Si Luna!” sigaw ng isang lalaking may hawak na armas. Nakilala ako ng lalaki base na rin sa suot ko kung saan ako naging kilala sa mga ito. N-full leather suit ako, naka-black na boots, may itim na hood at ang higit sa lahat, may suot akong face mask na may printed na puting lobo. Dito ako binansagan ng mga hayok sa pera dahil sa face mask kong suot. Nagsimula na akong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang naghahanap ako ng mapagtataguan. s**t! Napamura na lang ako sa aking isipan habang umiiwas ako sa mga pagpapaulan nila ng mga bala. Gumulong-gulong ako, yumuko at tumalon sa mga bahagi na hindi ako matamaan ng kanilang mga bala. Nakipagpalitan din ako ng mga putok sa grupong nasa ibaba at malas nilang matamaan sila. “Huwag niyong buhayin si Luna! Patayin niyo ang letseng babaeng iyan!” sigaw naman ng lider sa kabilang grupo. Nakita ko na may pampasabog na armas ang mga kalaban ko kaya bago pa man nila pinakawalan ito, nakatalon na ako. Sumabog naman ang parte kung saan ako naroon at kung hindi ako tumalon, katapusan ko na naman. Nasunog na rin ang bahagi ng warehouse at dahil light materials lang ang nasa loob, kumalat agad ang apoy. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang reinforcements na binigyan ko ng go signal kanina. Natunton din ako ng lalaking kausap ko kanina sa linya habang malalim ang mga titig niya sa akin. Mabuti na lang at maagap ito ngunit nang tumayo ako ay bigla akong nanghina. “Luna! M-May sugat ka!” Agad akong napatingin sa tuhod kong may sugat at nagkukumahog din ang lalaking daluhan ako upang tulungan. Sa tuwing nanganganib ang buhay ko, naroon siya sa tabi ko. Naroon ang lalaking malaki ang puwang sa panibagong buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD