Chapter 1

1506 Words
“I’m sorry, Mrs. Villegas. Pangalawang result na ito ng ultrasound pero same pa rin ang nakikita kong problema. Kailangan natin ng mahabang treatment dito sa sakit mo sa ovary at hindi ako sigurado na kapag natapos ang treatment ay magkakaanak ka pa. But though, there’s a lot of women who gets pregnant while having their PCOS problem. Depende sa ovulation na maaaring sapat o kulang pero sa sitwasyon mo, kulang talaga. Hindi madali ito para sa inyong mag-asawa kaya magtiwala na lang tayo sa magagawa ng treatment,” paglalahad ni Doktora Melanie Vargas sa kaniya. “So, walang chance na magkaanak pa kami?” tanong ni Augustus. “Sa ngayon, wala. Manalig na lang tayo na magiging okay ang lahat,” tugon ng doktora. Napabuntong-hininga ang asawa ko saka siya tumayo. “Okay. Kailangan na namin umalis dahil may lakad pa kami. Maraming salamat, Dok Melanie.” Tumayo na rin ang doktor. “You’re welcome, Capt. Villegas.” Bumaling ito sa akin. “Just call me then if you want to push through the treatment.” Marahan lang akong tumango at bahagyang ngumiti sa doktora. Marami na rin kaming doktor na nilapitan ng asawa ko at iisa lang ang mga sinabi ng mga ito, hindi kami magkakaanak. Isang taon na kaming nagsasama ng asawa ko ngunit nito lang namin nalaman ang problema. Pagkalabas naming dalawa sa clinic ng doktor, parehas na lang kaming nanatiling tahimik. Kahit hanggang sa sasakyan ay hindi na muling nagsalita ang aking asawa. Binasag ko ang katahimikan namin dalawa. “Love, baka may chance pa na magkaanak tayo pagkatapos ng treatment. Wala naman sigurong masama na sumubok tayo.” “Huwag na tayong sumubok,” sambit niya sa akin. “Pero ang sabi naman ng doktor⸻” “Damn!” Sabay hampas niya sa manibela. “Hindi ka ba nakikinig sa doktor? Walang chance na nga at kung mayroon man ay hindi natin alam kung gagana ba iyang treatment o hindi!” sigaw niya. Napaigtad ako sa aking kinauupuan sa biglaang pagsigaw ni Augustus sa akin. Heto na naman kaming dalawa at ito na naman ang madalas naming pinagtatalunan. Nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin mula nang araw na may sakit ako. Minsan pa ay umaabot sa pananakit niya sa akin na tinanggap ko na lang nang buo. Ako ang nagkulang sa puntong ito at nauunawaan ko na hindi ko siya mabigyan ng ikaliligaya sana niya. “Ano ang magiging silbi mo kung hindi mo rin lang ako mabibigyan ng anak, Imari?” “Augustus, h-hindi ko naman ginusto na magkasakit ako.” Nangingilid na ang luha ko sa mga mata at anumang sandali ay papatak na. “Kaya nga ako naghahanap ng ibang option para mapadali ang gusto mo at huwag mo naman ipamukha sa akin na wala akong silbi!” “And what do you want me to say, Imari? Lalaki ako, babae ka, anong dapat sa tulad natin na mag-asawa? Hindi ba dapat na kumpleto at buo tayong dalawa? Isang simpleng bagay lang ang hinihiling ko pero hindi mo pa maibigay. Kung alam ko lang na hindi ka magkakaanak, hindi na sana kita⸻” “Ano?! Pinakasalan? Sige! Sabihin mo na ang totoo sa akin, Augustus! Sabihin mo na sa akin na nagsisisi ka na pinakasalan mo ako dahil nalaman mo na ganito ako! Sabihin mo!” “Oo!” sigaw niya saka inapakan ang preno. “Ay!” hiyaw ko. Muntik pa akong sumubsob sa dashboard at mabuti na lang na naka-seatbelt ako. Noon na rin nagsilaglagan ang mga luha ko nang hindi ko na mapigilan ang sumisidhing emosyon sa pagitan namin ng asawa ko. “Augustus, b-bakit ka ba ganito? Dapat sana ay unawain mo na lang ang sitwasyon ko!” Napasinghap ako sa huli habang pinapahiran ang mga luha ko na namamalisbis na. “Bumaba ka ng sasakyan,” sambit niya. “Ano?” “I said, get out of my car!” “Augustus! H-Hindi mo ako pwedeng iwanan dito at malakas ang ulan. Wala ka bang natitirang awa para sa akin?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at gusto pa niyang bumaba ako sa gitna ng malakas na ulan. “Bababa ka ba o hindi?” Matalim ang mga mata niyang nakatuon sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Alam kong seryoso ang asawa ko sa sinabi niya saka ako kumilos at bumaba. Tumakbo ako sa isang establishment na maaaring masilungan saka ko sinulyapan ang humarurot na sasakyan ng akingasawa. Labis-labis na ang sinapit kong mga masasakit na salita mula sa kaniya at ito ang pinaka-worst na nangyari. Hindi ko rin akalaing magagawa niya ang bagay na iwanan ako sa gitna ng malakas na ulan sa loob ng isang taon naming pagsasama. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang tinitiis ang lamig ng panahon. Hindi rin naman ako maaaring gumawa ng aksyon na mas lalong ikagagalit ng aking asawa. Mahal ko si Augustus at alam kong aburido lang siya sa dahilang hindi ko siya mabigyan ng anak. Ako ang may problema at titiisin ko pa ang lahat alang-alang sa aming relasyon. Kasabay ng aking mga luha, umayon din ang masamang panahon. Hindi muna ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang hindi tumila ang ulan. Mula nang araw din iyon, nanlamig na rin ang pagtrato ni Augustus sa akin. Five years later… Namumugto na naman ang mga mata ko nang pumasok ako sa banyo upang ayusin ang sarili ko. Nagtalo na naman kami ng aking asawa kaya nauwi na naman sa pananakit niya sa akin. Mula noong pumayag akong lumipat kami sa Maynila, nagsimula na ang sunod-sunod na pagtatalo naming dalawa. Dinagdagan pa ito ng aking sakit na hanggang ngayon ay naggagamot pa rin ako. It’s been five years, and it seems that our relationship hasn’t better improved. Mas lalo lang lumala mula nang iwanan ako ng aking asawa sa gitna ng malakas na ulan. Nanlamig na rin si Augustus sa akin at madalas hindi ito umuuwi sa aming bahay. Sinasaktan na rin niya ako ng pisikal kaya minsan kapag pumapasok ako sa opisina ay may mga pasa ako. Itinago ko na lang ito sa mga kasama ko upang hindi mahalata. Mag pagkakataon pa na kailangan kong magsuot ng mga cotton sweatshirts upang hindi lang makita ang mga pasa ko. But I had done nothing to resolve our relationship. Ayaw kong tuluyang masira ang aming pagsasama at ayaw ko rin na mawala siya sa buhay ko. Martir na nga ang maituturing ko sa aking sarili subalit tiniis ko ang lahat. Kaya kong tiisin ang lahat ng ito para sa asawa ko. Si Augustus ang unang lalaki sa buhay ko at unang naging nobyo. Kaya naman hindi ko rin siya masisi sa mga nangyayari sa aming dalawa mula noon. Alam ko naman na nagkakaganoon lang siya dahil sa hindi ko siya mabigyan man lang ng anak at ako ang may problema. Lahat ng ito ay itinago ko mula sa aming mga magulang at iba pa naming mga kamag-anak. Pagkalabas ko ng banyo, hindi ko na nakita pa roon ang asawa ko. Umalis na ba siya? Maya-maya lang ay narinig ko ang pagtunog ng cell phone niya na nasa ibabaw ng side table ng kama. Wala naman akong balak na tingnan ang cell phone niya dahil ayaw din niyang pakialam ko ang personal na gamit niya. Out of curiosity, nilapitan ko pa rin ang kinaroroonan ng cell phone ng asawa ko. Tiningnan ko lang ang message subalit bigla akong kinabahan nang makita ang mensahe ng babaeng nagngangalang Georgina. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinampot ang cell phone saka binasa ang laman ng text messages. Nagkataon pa na hindi naka-lock ang cell phone screen niya kaya nabasa ko ang lahat ng mga conversation. Nanginig ang buong katawan ko at nanlalambot sa nabasa. They are so very sweet to each other and they had almost met every night. Nararamdaman ko naman iyon base na rin sa text messages na nagpapatunay na nagkikita silang dalawa. Namuo na naman ang sobrang pighati sa aking puso at iba’t ibang emosyon. I couldn’t imagine that my husband has cheated on me. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng aming kwarto saka ako nag-atubiling ibaba ang cell phone ng asawa ko. Pasimple ko na rin pinahiran ang luha ko na dumaloy sa aking pisngi saka nagkunwaring inayos ang aming kama. “Hindi ako makakauwi mamaya. May operation kami na kailangan namin matapos,” sambit niya. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang na walang alam. Naalala ko bigla sa huling laman ng text ng babaeng nagngangalang si Georgina na magkikita sila ngayon gabi ng asawa ko. Bakit mo ito nagawa sa akin ito, Augustus? Hanggang sa huling sandali, wala pa rin akong lakas ng loob upang komprontahin ang asawa ko tungkol doon sa natuklasan ko. Matapos ko naman kunwaring ayusin ang aming higaan, dumiretso na lang ako sa closet. Patay-malisya na lang ako sa bagay na iyon at kailangan ko ng pulidong ebidensiya na mapatunayan kong may babae ang asawa ko. Kailangan ko rin mag-isip ng plano na mahuli sila sa akto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD