Luna
KAILANGAN kong lakasan ang loob ko ngayon at ito na ang simula ng pakikibaka ko bilang si Luna. Nandito kami ni Justin sa isang gym kung saan ay tuturuan niya ako ng self-defense. Kaunti lang ang alam ko sa self-defense dahil hindi naman ito kailangan sa buhay ko. Hindi rin naman ako noon pwedeng magkikilos dahil nga sa gusto naming magkaanak.
“Do you know about martial arts? Self-defense?” he asked me. “Ito ang una mong matutunan bago tayo sumabak sa totoo mong misyon.”
Umiling ako. “Wala akong masyadong alam tungkol diyan, Justin.” Ibinaling ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang mga kababaihan na kaniya-kaniyang nag-e-ensayo. Ang iba sa kanila ay tipong malalakas na kayang pantayan ang lakas ng mga kalalakihan.
“Magiging katulad ka rin nila pagdating ng araw, Luna. Mas matapang, maliksi at malakas na animo’y isang lobo na walang makakapigil pa.”
Muli naman akong bumaling kay Justin. “Kakayanin ko,” tugon ko sa kaniya.
“Good. So, let’s start?”
“Okay.”
Tinuruan naman niya akong mag-warm up para hindi mabigla ang katawan ko sa pag-e-ensayo. Dama ko ang determinasyon ni Justin na magawa ko ito pero hindi ko maiwasan na tingnan siya bilang isang lalaki. Kahit ang mga kababaihan na naroon sa paligid namin ay hindi maiwasang mapatingin sa kaniya.
Hindi lang basta gwapo si Justin. May hawig siya kay Nick Bateman at huli ko na rin naman mapagtanto iyon. Marahil ay may lahi si Justin na Italyano base na rin sa mga larawan ng kaniyang family picture sa bahay nila.
Imbes na makapag-concentrate ako ay hindi ko nagawa. Distracted ako sa kilos niya lalo na sa tuwing nahahawakan niya ang kamay ko, braso o kaya ang baywang ko. Idagdag pa ang masculine scent niyang kahit pawisan ay gusto ko pa rin ang amoy niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako sa kaniya. Am I attracted to him? But no! Hindi dapat ganito ang maramdaman ko.
“Luna!” sigaw niya.
“Huh?!”
Muli akong nagbalik sa naturang sitwasyon ko nang bigla siyang sumigaw at ako naman na nawalan ng balanse habang tinuturo niya sa akin ang mixed martial arts. Subalit ang mas malala pa ay sa pagpumilit niyang daluhan ako, pati siya ay nasama sa pagkakabagsak ko sa sahig.
“Ouch!!” impit kong sabi. Kagat-labi rin akong ininda ang likuran ko sa pagkakabagsak ko. But then again, may mas awkward pa rin pala.
“Are you okay?!” pag-aalala ni Justin sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. Kalahati ng katawan niya ay nakadagan sa akin.
“A-Ayos lang ako.” Sa ganitong sitwasyon namin ay halos naamoy ko na ang mabangong hininga niya at ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
“All right. Come here.” Inilahad niya ang kamay niya upang bumangon ako. “Dahan-dahan lang.”
Iniabot ko rin ang kamay niya. “T-Thanks.” Cursed it! Baka makahalata siyang wala ako sa focus.
“Focus, Luna. Hindi mo matutunan ang mga itinuro ko kung hindi ka mag-focus,” wika niya. “Let’s start again.”
Nalaman nga niya. Kung ganito ba naman ang magtuturo sa akin, paano ako makakapag-concentrate? Dapat akong mag-focus bago pa man niya malaman ang anumang damdamin ko. Kung bakit sa dinadaming lalaki sa mundo ay si Justin pa?
“Dapat ang paa mo ay nasa tamang anggulo. Like this one.” Marahan niyang hinawakan ang hita ko upang ilagay sa tamang anggulo pati na rin ang mga braso ko. “Then relax bago ka sumipa sa kalaban mo.”
God! Sa paghawak pa lang niya ay parang mahihimatay na ako sa kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Sa totoo lang ay ngayon ko lang ito nararamdaman dahil noong naging kami ni Augustus ay ni hindi ko man lang naramdaman ang tinatawag nilang sparks.
Halos limang oras ang pag-ensayo namin sa loob ng gym at kahit papaano ay may mga natutunan na ako sa kaniya. Nakikita ko rin na magaling si Justin sa self-defense nang makita ko siyang may ka-esparing na isa sa mga coach ng gym. Ayon sa kaniya ay pag-aralan ko raw ang galaw nilang dalawa habang ginagamitan ng braso at paa. Humanga rin ako sa mala-Jason Statham niyang galaw. Alam ko kung paano gumalaw si JS sa mga movies niya dahil isa siya sa mga paborito kong US actor.
“Magpalit ka na, Luna. After this, may pupuntahan tayo.” Sabay naghubad siya ng suot niyang t-shirt na pawis na pawis na.
It was a slow motion when he took his shirt off in front of me. Hindi na ako dapat na umiwas sa ginawa niya pero nakaramdam na naman ako ng kaunting hiya sa sarili ko. Nag-wave nga naman ang mga abs niyang may kasama pang hello sa akin. Agad akong umiwas at tanging pagtango na lang ang ginawa ko. Nag-shower na lang din ako at nagbihis sa girl’s wash area at powder room.
“Hi,” bati ng babae sa akin na halos katulad na ni Ronda Rousey ang katawan. May nginunguya pa itong bubble gum sa bibig.
“Hello,” simpleng bati ko. Katatapos lang din namang magbihis sa loob at magsusuklay na lang ako.
“Girlfriend ka ni Doc Justin?” direkta niyang tanong saka siya humarap sa salamin upang punasan ang mukha niya.
Umiling ako. “Hindi.”
“Ah, akala ko ay boyfriend mo si Dok Pogi. So, kaano-ano ka lang niya?” interesante niyang tanong.
“Trainee,” sambit ko na lang.
“Oh? Tumatanggap na pala ng trainee si Dok Justin ngayon.” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Maganda ka at may curve ang katawan mo. Sure ka na gusto mong matuto ng martial arts? Baka magsisi ka lang kung mamutok na niyang braso mo katulad sa akin. Ganyan din naman ako dati pero for a change, naging ganito na. Hindi naman sa dini-discourage kita pero kasi sayang ka. Parang pang-wife material ka lang at lalampa-lampa.” Kasabay niyang nakipagtawanan ang isa pang babaeng lumabas ng cubicle.
Hindi ko na lang sila pinansin at tahimik na lang akong lumabas bitbit ang mga gamit ko. Alam ko namang lampa ako pero may misyon akong dapat kong matupad. Iyon na lang ang tanging motivation ko para mabigyan ko ng hustisya ang katawan ko na ngayon ay nailibing na.
Subalit hindi ko maiwasang maging emosyonal na naman. Mahina talaga ako at kahit kailan ay nakatatak na iyon sa pagkatao ko. Mag-isa akong tumungo sa parking habang umiiyak. Hanggang sa katauhan kong ito ay may mga tao pa rin na handa akong alipustahin. At pag-iyak na lang ba ang sagot dito?
“Luna? W-Why are you crying again?” pagtataka ni Justin na nahuli pala akong umiiyak.
Agad akong nagpahid ng mga luha ko sa mga mata ko. “J-Justin… ikaw pala! W-Wala ito. Napuwing lang ako.” Sabay suminghot pa ako at iniwas ang mga mata ko.
“I told you not to cry again,” he seriously said. “Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na ang pag-iyak ay pagpapakita lang ng kahinaan sa isang tao?” Lumapit siya upang pahiran ng daliri niya ang nag-iisang butil na huling dumaloy sa pisngi ko. “Show me your braveness, Luna. Alam kong hindi madali ang pinaghirapan mo at handa akong tulungan ka. Just…” Natigilan siya saka niya hinapit ang baywang ko. “Damn it, Luna.”
Napakagat-labi ako bago sabihin ni Justin ang huling sinabi niya. Huli na nang hinapit niya ang baywang ko at nagulat na lang ako sa ginawa niya. He sealed me with his passionate kiss. At ako naman na hindi man lang nanlaban sa ginawa niya sa sobrang pagkabigla ko rin.
Pakiwari ko ay libo-libong boltahe ang dumaloy sa pagkatao ko habang kumilos ang mga labi niya. Ang mga malilikot niyang kamay ay dumako na sa likuran ko habang ako naman na nakasandal na sa sasakyan niya. I don’t know what to do if I need to response. Hindi na bago sa akin ang intimate feelings at ang ganito pero ang katawan ko ang naninibago.
“J-Justin…” Sa wakas ay naglakas loob akong pigilan siya nang bumaba na sana ang mga labi niya sa leeg ko. “This is…wrong,” bulong ko sa huli.
Tumigil din naman siya at tila natauhan din sa sinabi ko. “Damn it,” mahinang mura niya. “I’m sorry. I didn’t mean it. Sorry, Luna!”
“It’s o-okay,” tugon kong hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Kumilos na lang akong binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok.
Natulala na lang ako sabay nasapo ko ang noo ko. God! Ano itong ginagawa ko? Si Justin naman na tahimik nang pumasok sa loob ng sasakyan at pareho kaming nagpapakiramdaman. I don’t have a much reason why he did that thing. Ayoko naman siyang tanungin ukol sa bagay na iyon. Nagmaniobra na lang siya ng sasakyan na wala na rin sinabi tungkol sa naganap kanina.
DUMATING kami sa isang kilalang boutique shop sa Makati. Hindi ko alam kung bakit kami nandito at wala namang binanggit si Justin. Iniisip ko pa ang halik na ginawa niya kanina na kakaiba sa halik na natikman ko kay Augustus. Kinausap lang niya saglit ang babae na tila ako ang pinag-uusapan base na rin sa mga kilos nila. I rolled my eyes all over the place. Halos lahat ng mga naroon ay mamahalin mula sa bags, shoes, damit at accessories. Maya-maya lang ay lumapit sa akin ang babae. Iniisip ko tuloy na kung kailangan ba sa training ko ang magandang kasuotan.
“This way, Ma’am.”
Sumulyap muna ako kay Justin at sumenyas lang siyang sumama ako sa babae. I have no idea but suddenly the woman took me to a room with full of beautiful elegant dresses. Mas lalo kong napagtanto na may dadaluhan kami na hindi ko alam na okasyon.
“Ang sabi sa akin ni Sir na pilian kita ng mga babagay sa iyo at pinakamahal naming mga damit dito. I guess…” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Kahit morena ang beauty mo, bagay pa rin sa iyo ang mga damit na ito. You will look more beautiful with these collections. Halika at at magpalit ka ng damit mo.”
Nagpatangay na lang ako sa agos ng pangyayari at nagbihis nga naman ako sa napiling damit para sa akin. Habang nakatingin ako sa salamin, natulos ako sa kinatatayuan ko. Alam kong hindi na ako si Imari pero ang katawang ito…it’s more stunning!
Dinala ako ng babae upang makita ako ni Justin at nang buksan na niya ang tabing ay mas lalo namang naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Lihim pa akong humugot ng buntong hininga nang magtama ang mga mata namin ni Justin.
May hawak siyang magazine na pinagkakaabalahan niyang basahin pero nang mag-angat siya ng tingin sa akin, natigilan din siya. Sa lahat ng ayoko ay tingnan niya ako nang ganito at natataranta ako.Inilapag niya sa center table ang magazine at tumayo. Naglakad siya patungo sa akin habang hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Mas lalo pa akong nanlamig sa tindi ng lamig ng aircon sa loob kaya hindi ako at ease sa kinatatayuan ko.
“Gorgeous…” sambit niya. “You look stunning, Luna.” Isang malamlam na tingin ang ginawa niya sa akin.
“Why I am wearing this, Justin?” tanong ko habang pilit kong nilalabanan ang kaba ko sa puso.
“We are going to a party tomorrow night, and I want you to be with me, Luna. Pagbibigyan mo ba ako?”
Tumango ako. “O-Oo naman.”
“Sir, okay na ba iyan?” tanong ng babae.
Hindi na nagtangka si Justin na lingunin ang babae at wala yata siyang balak alisin ang mga tingin sa akin. “Yes. I want you to choose the best for her as we discussed earlier. And I want her be the most beautiful woman on that night.”
Lihim na naman akong napalunok dahil may kakaiba kay Justin at sa mga katagang binitawan niya. Hindi ko kayang basahin ang mga pumapasok sa isipan ng binatang ito pero nagugustuhan ko na. Isama na ang matamis at mapanghanap niyang halik kanina na hindi ko alam kung bakit pinanabikan kong matikman.