Justin
PAROO’T PARITO ako sa paglalakad habang iniisip ang sinabi sa akin ni Luna kagabi. Hindi ako makapaniwalang may ganoong nangyayari sa totoong buhay. Ang inakala ko ay sa pelikula lang ito nagagawa ngunit kabilang si Luna sa isang tinatawag na rebirth na kung saan ay nalilipat ang katauhan ng isang nilalang sa isa pa. Ang nakakapagtaka lang sa akin ay paano nagkaroon ng isang katawan ang kaluluwanag sumanib dito?
“Justin…”
Napalingon ako sa dalagang si Luna na may bitbit na tray at may nakalagay na tasa ng kape. Marahan siyang naglalakad sa direksiyon ko at inilapag ang tray sa center table. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko na sa tuwing nakatitig ako sa maamo niyang mukha at magagandang mga mata ay makikita ko ang imahe ng asawa ni Augustus Villegas.
“Magkape ka muna. I’m sorry at pinakialaman ko na ang kusina mo habang inihahain ko ang almusal natin. Wala ka rin pala kasama rito sa malaking bahay mo,” mahinahon niyang wika.
“Thanks. Nag-abala ka pa. And twice a week lang ang kasama ko rito sa bahay pumunta dahil ayokong…I mean…wala rin naman ako rito sa bahay.” May kinuha ako sa mesa ko saka lumapit sa kaniya. “Look at this, Luna.” Iniabot ko sa kaniya ang kinuha kong brown envelope na madaling araw na iniabot ng tauhan ko.
Kinuha niya ito. “Ano ito, Justin?”
“Open it. Naglalaman iyan ng reports kung saan nakasaad diyan ang nangyari nang araw na nilooban ng bahay sina Augustus at ang asawa niyang si Imari. Ayokong ipakita iyan sa iyo pero kung involve ka nga sa nangyari, maaaring makatulong ka. Kaya lang ay mahihirapan tayo sa kung anong katauhan na mayroon ka, Luna. Basahin mo para malaman ko rin ang totoo,” paliwanag ko. Marahan akong umupo, kinuha ang kapeng ibinigay niya at sumimsim.
Marahan din siyang umupo sa tapat ko at binuksan ang envelope na ibinigay ko. Isa-isa niya itong tinitingnan at bakas sa mukha niya ang kakaibang emosyon. May halong galit, lungkot at ang ninanais niyang paghihiganti. Nakakasiguro akong ito ang mga emosyon ni Luna dahil na rin sa panginginig ng kamay niya. Kagabi rin naman ay hindi na siya binabangungot na hindi katulad noong nasa Siargao kami.
“H-Hayup siya,” ngining niyang sabi. “Ipinalabas niya na nilooban kami at huli na siyang dumating sa pinagyarihan? Isa itong malaking kasinungalingan. Itinago ng asawa ko ang totoong pagkamatay ko. Pero…” Nag-angat siya ng tingin sa akin habang naroon na naman ang maluha-luha niyang mga mata. “Paano mo nakuha ang kopya ng reports na ito, Justin? Nasa NBI ang ang mga reports na ito na hindi basta-bastang makukuha ng kahit sino.”
Bumuntong hininga ako sabay inilapag kong muli ang tasa ng kape sa center table. Muli akong sumulyap sa kaniya. “Maniniwala ka ba na isa akong military doctor, Luna? Bukod pa roon ay isa akong special agent ng NBI.”
“M-Military Doctor ka at..NBI agent?” maang niyang tanong.
“Yes. Isa itong malaking sekreto kahit sa pamilya ko at tanging mga kasamahan ko lang sa trabaho ang nakakaalam sa bagay na ito. Maaari ba kitang mapagsabihan ng sekreto ko?”
“You can trust me, Justin. Katulad lang ng pagtitiwala mo sa akin tungkol sa nangyari sa buhay ko. Kung gaanon ay may alam ka sa kaso ko? Matutulungan mo na ako?”
“Actually, may isa akong bagay na gustong gawin mo para sa akin habang tinutulungan kitang maghiganti sa dati mong asawang si Augustus.”
“Ano ito?” kunot noong tanong niya.
“I will help you with your revenge, Luna, if you will help me to find justice and evidence against Mr. Julius Choi. Isang Chinese businessman na may malaking perwisyong ginawa rito sa bansa natin.”
“Nakahanda ako sa anumang ipapagawa mo sa akin, Justin. Wala na rin naman saysay kung malugmok pa ako sa kalungkutang nararamdaman ko kung hindi ako kumilos,” determinado siya. “Anong klaseng tulong ang gusto mo?”
“Good. Uhm, gusto kong makapasok ka sa organisasyon ni Julius Choi ngunit bago mangyari yan ay kailangan mo munang dumaan sa training.”
Muli niyang ibinalik ang mga dokumento sa envelope. “Nakahanda ako kahit alam kong mapanganib ang papasukan kong ito. Kailan ako magsisimula?”
“Hanga ako sa determinasyon mo, Luna. Ang dating iyakin na dalagang nakita ko sa dalampasigan noon ay ibang-iba na ngayon. Okay. We will work for it as soon as possible. But before that, we need to change your name. Okay naman ako sa pagtawag sa iyong Luna pero mas mabuti sigurong may pangalan tayong itawag para sa iyo.”
“Louise Navarro,” mabilis niyang tugon. “Sa ibang tao ay makilala nila ako bilang si Louise. Kailan natin sisimulan ang training ko?”
“Magpahinga ka muna at ayusin ang sarili mo. May lakad din ako ngayong araw na ito at hindi kita masasamahan dito. Bukas na lang tayo magsimulang dalawa. By the way…” Muli akong tumayo at lumapit sa mesa ko. May kinuha akong sobre na may lamang pera at muling iniabot ito kay Luna. “For you.”
“Para sa akin?” Kinuha naman niya ito at tiningnan ang laman ng sobre. Bahagya pa siyang nagulat sa nalaman niyang pera ang laman ng sobre. “Justin, ang laking pera nito.”
“Gawin mo ang gusto mong gawin sa pera na iyan, Luna. Bumili ka ng mga gamit mo o kung ano pa. Take it, Luna. Ayokong tatanggihan mo ako kapag may ibinibigay ako para sa iyo.”
“S-Salamat, Justin.”
“I have to go, Luna. Magkita na lang tayo mamayang gabi.”
“Okay. Mag-ingat ka.”
Kaysarap pakinggan mula sa kaniya ang salitang ‘mag-ingat ka’. Pakiramdam ko tuloy ay may isang taong nag-aalala na sa akin at iniingatan ako. Naalala ko na naman ang dating nobya ko na iniwan din ako at ipinagpalit sa iba. Damn it! Bakit ko ba naiisip ang bagay na ito sa kaniya?
Naglakad na ako pabalik ng aking kwarto upang kunin ang aking mga gamit. Hinayaan ko na siya sa kung ano ang gagawin niya sa loob ng pamamahay ko. Sinabihan ko na rin siyang hindi na ako makakasabay ng almusal at mahuhuli na ako sa trabaho ko.
NAGTUNGO ako sa National Bureau of Investigation kung saan ako pumapasok bilang special agent at ako ang head ng team ko. Bukod pa rito ay may mga ospital din akong pinamamahalaan ngunit may mga staff naman akong pinagpapakatiwalaan ko.
“Good morning, Sir Justin!” bati ni Aurora sa akin. Siya ng sekretarya ko rito sa loob.
“Good morning. Pakitawag nga si Joshua at gusto ko siyang makausap.”
“Right away, Sir. Gusto niyo ba ng kape?”
Natigilan ako habang inilapag ko ang briefcase ko sa table ko. Naalala ko ang kape na ginawa ni Luna para sa akin kaninang umaga. Napakasarap nito na at hindi ko man lang nagawang pasalamatan siya. Sa buong buhay ko rin ay noon lang din ako nakatikim ng kape na tama lang ang lasa na hindi katulad sa itinitimpla ni Aurora. Damn it, again! Hindi ko dapat sila ipinagkumpara.
“Sir Justin?! Are you okay?” basag niya sa pananahimik ko. “Coffee, Sir?”
Umiling ako. “Nope. Nagkape na ako sa bahay.”
“Himala!” sambit ni Joshua na kakarating lang sa opisina ko. Katulad naman ng dati na lagi na lang itong sumusulpot na hindi ko man lang namamalayan. “Kailan ka pa tumangging magkape pagdating mo rito?” masaya niyang tanong subalit tiningnan ko lang siya nang masama. “Sorry,” bawi niya.
“Nandito na pala si Sir Joshua.”
“Ako, Aurora. Gusto ko ng kape,” ngising sambit niya sabay nakade-kwatrong umupo sa couch katapat ng table ko.
“Okay,” tugon ni Aurora sabay tumalikod na at isinara ang pinto.
“Mabuti naman at nandito ka na,” wika ko sabay umupo sa swivel chair ko. Binuksan ko kaagad ang laptop ko upang makapagsimula na rin magtrabaho.
“Nakita kitang dumaan habang kausap ko ang ibang agent kanina. Alam ko rin na ako kaagad ang hahanapin mo. Kumusta ang bakasyon mo, boss? Mukhang masaya, ah.”
“Paano mo nasabing masaya kung alam mo namang may problema ako?”
“Naisip ko lang naman na masaya ka lalo na at may kasama ka sa bakasyon. How is she? Kasama mo pa rin ang babaeng ito?”
“Yeah. Hindi siya maaaring mawala sa poder ko lalo na ngayong may pangalan na siya at nagpapagaling na lang.” Hindi ko maaaring sabihin kay Joshua ang tungkol kay Luna at baka mas lalo lang itong maguluhan sa sitwasyon ng dalaga.
“Oh? May naalala na siya? Anong pangalan niya?”
“Louise.”
“Louise? Saan daw siya nakatira at ano ang nagyari sa kaniya?” sunod-sunod niyang tanong.
“Taga-roon siya sa Siargao. Dinala ko rin naman siya rito sa Maynila upang matingnan na rin ng ibang espeyalista,” pagsisinungaling ko upang hindi na humaba ang usapan namin.
“Hmm. Tamang-tama na may kasama ka na sa engagement party ni Priscilla.”
Kumunot ang noo kong sumulyap kay Joshua. “Si Priscilla?”
“Yup! Hindi mo ba natanggap ang invitation niya? Ikakasal na siya kay Edmond sa susunod na buwan at imbitado tayong lahat na agent sa gabing iyon. Don’t tell me, hindi ka dadalo porki’t ex-girlfriend mo siya?”
Invitation pala ang laman ng sobre na iyon? Naalala ko ang iniabot sa akin ni Aurora bago ako umalis patungong Siargao. Isa lang din naman sa reason kung bakit nagbabakasyon ako dahil sa break up namin ni Priscella taliwas sa alam ng mga tao roon na wala akong nobya.
“Marami akong ginagawa at dapat kong asikasuhin dito. Wala akong panahon na dumalo sa engagement nila.”
“Bitter?” sambit niya sabay tumawa. “C’mon, Sir Justin! Just for formalities lang naman at para na rin na hindi masabi nilang bitter ka pa rin hanggang ngayon. Sir, pumunta ka na at isama mo na rin si Louise para makilala naman ng ibang agent. It’s been six months mula nang magkahiwalay kayo ni Priscilla. Tama na rin naman na may maipakilala ka sa amin.”
“That’s not a good idea. Hindi ako interesado kay Louise.”
“Then, ipakilala mo sa amin si Louise at baka kami ang magka-interes sa kaniya.”
“No!” biglang sabi ko. “I mean…humanap na lang kayo ng ibang pagtritripan at huwag lang siya,” inis ko na rin sabi sa malokong Joshua na ito.
Tumawa lang siya. “Okay, Sir. I got it. So, magtrabaho na lang tayo at baka mas lalo kang mainis sa akin.”
Napailing na lang ako. Mabilis pa sa alas-kwatro si Joshua pagdating sa babae at alam kong iba lang ang sadya niya sa mga babaeng ito. Ayokong pati si Luna ay isasama niya sa listahan niya. And why, Justin? Iba si Luna at iyon ang alam ko. Marami pa rin naman akong dapat malaman tungkol sa kaniya pero ang mas mahalaga sa ngayon ay protektahan siya. Nagsimula na rin kaming mag-discuss ni Joshua tungkol sa mga follow up reports ko.
GABI na rin naman ako nakauwi at katulad naman ng inaasahan ko ay hinintay ako ni Luna. Naghain pa siya ng hapunan naming dalawa na hindi ko na rin naman tinanggihan pa. Nakalimutan ko na rin naman magtanghalian kanina dahil sa marami akong ginawa buong-araw. Pagkabihis ko ay agad akong bumaba sa kusina upang maghapunan kaming dalawa.
“Pasensiya ka na at ito lang muna ang iniluto ko. Iyan na lang din ang natira sa ref mo na pinagtiyagaan ko na rin lutuin,” wika niya nang magkaharap kami sa dining.
“Thanks. Kailangan na rin nating mag-grocery at mag-stock ng pagkain. By the way, lumabas ka ba kanina?” tanong ko. Pero alam ko namang lumabas siya dahil naka-monitor pa rin naman ako sa CCTV sa loob ng bahay ko.
“Oo,” malambing niyang sabi. “Nagtungo ako sa mall na malapit dito at bumili ng mga gamit ko. Bumalik din ako doon sa binabaan mo sa akin kagabi para bigyan ng pagkain ang mga batang naroon.”
“Malapit ka sa mga bata,” wika ko. Sinimulan ko na rin tikman ang niluto niya. And damn! Nang matikman ko ito ay napatigil ako. Napakasarap ng lasa at malambot ang karne ng baka.
“Justin, hindi ba masarap?” pag-aalangan niyang tanong sa akin. “Sorry kung hindi tama sa panlasa mo itong beef caldereta na niluto ko. Nagmamadali na rin kasi akong⸻”
“It taste good, Luna,” putol ko sa sinabi niya. “Napakasarap nito at tama lang ang lasa. Bihira lang din ako makatikim ng pagkain ng swak sa panlasa ko. I like it.”
Ngumiti siya. “Mabuti naman at nagustuhan mo. Mahilig talaga akong magluto dahil madalas kong nilulutuan si Augustus⸻” Natigilan siya. Mukhang may naalala siya na hindi dapat.
“Kumain na tayo, Luna. Ubusin nating dalawa ito,” wika ko na lang dahil alam kong naalala na naman niya ang lalaking iyon. Ang lalaking isa sa mga pinaghihinalaan ko at kasama sa listhan na corrupt official. Subalit sa kabila nito ay masaya akong nakangitin na siyang humarap sa akin.