“Luna!”
“Huh?!”
Gulat na naman akong may biglang humawak sa braso ko at iyon ay walang iba kung hindi ang gwapong doktor na tumulong sa akin. Si Justin. Mabilis niyang kinuha sa kamay ko ang tinapay na ibinigay ng batang paslit kanina at itinapon. Hindi ko alam kung bakit naroon na naman siya sa haparan ko gayong wala na ang sasakyan niya.
“Hindi ka ba nag-iisip? Kakain ka talaga ng tinapay na iyan na alam mo namang galing sa⸻” Natigilan siya nang pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. “And damn! You’re even crying again!”
“Justin…” anas ko.
“Damn it!” mura niya saka niya ako hinila palayo sa lugar na ito.
Dinala niya ako sa nakaparada niyang sasakyan na akala ko ay nakaalis na pero hindi pa pala. Nagpahid na naman ako ng mga luha ko sa mga mata dahil alam kong puro sermon na naman ang aabutin ko sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi na rin ako tumutol na muli niya akong isama dahil wala naman akong uuwiang bahay.
“Gusto mo bang lasunin ang sarili mo, huh?” galit na naman niyang tanong sa akin. “Why don’t you tell me that you’re hungry? Eh, ‘di sana bago man lang kita iniwan sa kanto o kung totoong bahay niyo ba iyon ay nabusog ka at hindi ka nagugutom! Tinanggap mo pa talaga ang tinapay na iyon na alam mo namang galing sa basurahan!”
“Alam mo?” tanong ko.
“s**t! Of course, I know! Hindi ako naniniwalang dito ka nakatira dahil sa kilos mo pa lang kanina ay napipilitan ka lang bumaba!”
“But you let me.”
“Because⸻damn!” Napahilot siya sa noo niya at halatang nagpipigil ng damdamin niyang mas lalong magalit sa akin. “Mang Nestor, itabi mo sa 11th avenue at kakain muna kami. If you want, sumabay ka na rin.”
“Areglado, Sir. Pero kayo na lang ho at kumain na ako kanina bago ko kayo sinundo,” tugon lang ng driver na si Mang Nestor.
“All right.” Bumaling siya sa akin. “Luna, hindi mo man lang ba naisip na tingnan iyang backpack na dala mo?”
Umiling ako. “Para saan pa?” pagtataka ko.
“God, Luna! May iniwan akong pera para sa iyo at address ko kung sakaling maisipan mong puntahan ako. May cell phone rin akong iniwan diyan para ma-contact mo ako. Are you really out of your mind again?”
Hindi na ako sumagot. Pagod at gutom na ako, Justin. Huwag na muna ngayon. Nanatili na lang akong tahimik habang malapit na kami sa sinasabi niyang lugar kung saan kami kakain. Mas lalong gumulo na ang buhay ko dahil ang taksil kong asawa ay nakita ko na. Naghahalong emosyon na hindi ko na rin maiintindihan kung alin ang susundin.
Dumating kami sa restaurant na tinutukoy niya. Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako na tahimik pa rin. Muli niyang hinawakan ang braso ko upang igiyang pumasok sa loob. Kahit galit si Justin ay naramdaman ko pa rin ang pag-aalala niya at pag-iingat sa akin.
“Table for two,” wika niya sa waiter.
“This way, Sir.”
Hanggang sa pandalawahang mesa, walang namutawi sa aming mga labi. Alam kong sobra na ang pang-aabala ko sa kaniya pero hindi ko rin alam kung bakit hindi niya ako tuluyang iniwan. Sa pagkakataon ito ay maaaring napahamak na ako. But Justin was there to save me again. Siya na rin ang nag-order ng pagkain namin na hinayaan ko na lang. Hanggang sa inilapag na ito sa mesa namin, wala pa rin kaming imikan. Masasarap pa naman ang mga ito pero parang nawalan na ako ng gana.
“Kumain ka at mag-uusap tayo after this. Isasama muna kita sa bahay ko dahil alam kong pupunta ka na naman sa kung saan-saan,” wika niya.
“Why are you cared about me, Doc? You supposed to leave me there, right? Kung isa akong pakawala ng mga kung sinong kaaway mo, dapat hindi mo na ako kupkupin pa. Isa pa, wala ka ng obligasyon sa akin.”
“Let’s talk about that later. Kumain ka na bago pa man lumamig ang pagkain.”
Tumahimik na naman ako dahil kung magpapatuloy lang din ang usapan naming ganito, baka mauwi na naman sa kung saan. Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maubos naming pareho ang nasa mesa. Kanina na wala akong gana pero habang kumakain ako ay napaisip na ako. Kailangan ko na rin ng lakas upang masabi na sa kaniya ang totoo.
Sumagi sa isipan kong maaari akong matulungan ni Justin na mapalapit kay Augustus at magbayad siya sa kaniyang ginawa. Ngayong nakabalik na ako ng Maynila, uumpisahan ko na ang mga nasa isip ko. Bigla na lang din sumagi sa isip ko ang mga bagay na ito⸻ang pagbayaran ni Augustus ang sinapit ko.
Muli naming nilisan ang lugar at nagtungo na sa bahay ni Justin sa Dasmariñas Village sa Makati. Alam kong mga prominenteng mga tao ang nakatira sa naturang village at may sinabi sa buhay. Nakikita naman iyon sa estado ng buhay na mayroon si Justin dahil doktor ito at may pagmamay-ari na ospital.
Inikot ko ang paningin ko sa loob ng malaki niyang bahay at dinala sa isang bahagi na maaaaring makapag-usap kami. Mula sa kagamitan at palamuti sa bahay niya, alam kong mamahalin ang mga iyon.
“Maupo ka. Mag-usap tayo,” malamig niyang wika. Tinungo niya ang counter, kumuha ng dalawang baso at nagsalin ng alak. Nang malagyan niya ang mga ito ay muli siyang lumapit sa gawi ko. “Here.”
Umiling ako. “Hindi ako umiinom.”
“You should taste the wine sometimes.”
“I’m sorry.”
“Fine.” Inilapag niya ang isang baso sa center table at umupo malapit sa akin. “Now, tell me who you are. Baka sakaling maibsan ang mga iniisip kong hindi maganda tungkol sa iyo, Luna. Or should I call you with your real name?”
I looked at him. Nagtama ang paningin naming dalawa habang sumisimsim siya ng alak sa baso niya. “Imari. Imari ang tunay kong pangalan. At hindi nawala ang alaala ko katulad ng sinabi ko noong magising ako.”
“And then?” Naghihintay siya sa mga susunod ko pang sasabihin.
“Isa akong Mechanical Engineer na nagtatrabaho sa isang malaking kompanya rito sa Maynila. Marunong din akong magmekaniko kaya ko nagawang ayusin ang sasakyan ni Mang Hermes,” paliwanag ko na.
“So, from the start, you lied to me?”
“Yes,” tugon ko.
“Why?”
“Dahil…dahil kapag sinabi ko ang tungkol sa pagkatao ko ay hindi ka rin maniniwala. Hindi rin paniniwalaan ng sensya na may isang katulad ko sa mundong ito ang dumaan sa ganoong proseso.” Umaayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kaniya. “Justin, ang lalaking nakita ko kanina sa TV, kilala ko siya.”
“Sino? Si Augustus Villegas?” kunot ang noo niyang tanong sa akin.
“Oo. Kilalang-kilala ko siya dahil ako…ako ang asawa niya. Ako si Imari Ranses Soler Villegas!”
Maang na napatitig si Justin sa akin subalit makalipas naman ang ilang segundo ay seryoso na naman siya. “Don’t play s**t with me, Luna. Kamakailan lang ay binawian ng buhay ang asawa ni Augustus dahil nilooban ang bahay nila. Ang ginamit na pagpatay sa asawa niya ay⸻”
“Ay ang mismong baril niya! Hindi totoong namatay ako sa panloloob ng kung sino, Justin. Isang malaking kalokohan iyan,” maluha-luha ko na namang sabi sa kaniya. “He killed me,” nginig kong sabi. “Hindi ko maaaring kalimutan ang gabing iyon kung saan pinagtaksilan ako ng asawa ko. Matagal na rin hindi maganda ang pagsasama naming dalawa dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Limang taon na kaming kasal at iyon lang hinihiling niya pero hindi ko magawa dahil ako ang may problema. Ako ang may deperensiya sa aming dalawa.”
Justin still staring at me with strange emotion. “Luna, hindi magandang biro ito. Itigil mo na.”
“Nasa sa iyo kung maniniwala ka o hindi. But I am telling you the truth. Nang gabing nangyaring mapatay niya ako, nagsingungaling ako sa kaniyang may pupuntahan ako sa Cebu. Nahuli ko lang naman siyang may kahalikan sa mismong pamamahay naming dalawa. Kasama niya ang babaeng bibigyan niya ng anak niya at kukunin upang alagaan ko. Pero para sa akin, isa na iyon sa pinakamasakit na gagawin niya. Dinampot ako ang baril at itinutok sa taksil kong asawa.
“Pinigilan niya ako at pinakalma upang mabawi sa akin ang baril niya. Muli na sana akong magpapadala sa pagmamakaawa niya pero masyadong maanghang ang mga salita ng babae niya kaya napilitan akong muling itutok sa kanila ang baril. Kaya lang ay nakipag-agawan na si Augustus sa baril hanggang sa pumutok ito at ako pala ang tinamaan. Binitawan ko na ang baril nang mga oras na iyon pero tinuluyan niya ako. At…at nagising na lang ako sa clinic mo na iba na ang katauhan ko.”
“How is it possible?” he asked me.
“I don’t know how it was happened when I am in a rebirth process. Gulong-gulo ang isipan ko hanggang ngayon dahil isa pa iyan sa hindi ko maintindihan. Isa ito sa mga rason kung bakit ayokong sabihin sa kahit sino ang nangyari sa akin at baka sabihin lang nila nababaliw na ako. But I remember everything. Kahit ang mga pananakit sa akin ni Augustus ng ilang taon ay tandang-tanda ko pa.”
“Augustus came from Mindanao.”
“Yes. Lumipat lang kami rito dahil sa misyon niya at sa career niya bilang isang sundalo. At ako naman na nasa isang propesyon na hindi ko rin maiwan-iwan.”
Sumandal siya sa kinauupuan niya. “Paano ako maniniwalang ikaw ang asawa niya?”
Napabuntong hininga ako at muling sumulyap kay Justin. “Wala akong maipakitang identities sa iyo dahil ibang mukha na ang nakikita mo. Kung mga emails naman, baka isipin mo rin na na-hacked ko lang ang account ko. Basta alam ko lahat ng tungkol kay Augustus kahit pa ang pera na pumapasok sa account niya na hindi ko alam kung saan nanggagaling.”
“Is it big money?”
“Yes. Justin… I want your help. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin sa ngayon.”
“Kung babawiin mo ang identity mo, hindi kita matutulungan sa bagay na iyon dahil ang alam ng lahat ay patay ka na.”
“No. it’s not that. Gusto kong pagbayarin si Augustus at bigyan ng hustisya ang sarili ko. Gusto kong maghiganti sa lalaking iyon na ilang beses na akong sinaktan at pinahirapan!”
“Revenge? Malabo iyang iniisip mo, Luna.” Kinuha niya ang basong inialok niya sa akin kanina at siya na ang tumungga.
“Please? Gagawin ko ang lahat ng kabayaran sa iyo, matulungan mo lang ako.”
“Gagawin mo ang lahat-lahat?”
“Y-Yes!” desperada kong sagot.
Napatitig siya sa akin ngunit panandalian lang at agad siyang tumayo. “Let’s call it a day, Luna. Pag-usapan na lang natin ito sa susunod na araw.”
Tumayo ako upang pigilan siya. “Pero⸻Justin!” Hinawakan ko ang braso niya na siyang biglang paglingon din niya. Nawalan ako ng balanse ngunit mabilis ang braso niyang ikinawit sa baywang ko upang hindi tuluyang saluhin ng carpeted floor ang aking likuran. “Huh?!” Napakapit agad ako sa matitipunong braso niya.
Our eyes meet our gaze for a while. Kaybilis ng pintig ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan o marahil sa sitwasyon namin ngayon dalawa. Napayakap na ako sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya at sa mapupula niyang mga labi. No! Hindi ito tama. Dapat na maramdaman ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa dahil may asawa ako at kataksilan ang ginagawa kong ito.
Pero hindi ito kataksilan dahil sa mata ng ibang tao, patay na ako. Ibang katawan na itong napasukan ko at wala akong nararamdaman awkwardness na mayakap ng ibang lalaki. Paninibago lang ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakadikit ang mga katawan namin sa isa’t isa. Pakiwari ko ay bago sa pakiramdam ng katawang ito ang kung anong sensasyon sa opposite s*x.
“Pag-iisipan ko ang sinabi mo, and let’s see.” Iniayos niya ako ng pagkakatayo pagkatapos. “Sumunod ka sa akin at ituturo ko ang kwarto mo sa taas.”
“Mananatili ba ako rito?” paninigurado ko.
“You’ll stay here for a while. Kailangan ko rin masiguro ang mga sinasabi mo at maaaring manganib ang buhay mo kung totoo man ito. Maaga rin ako bukas upang makipagkita sa kasamahan ko kaya solo mo itong bahay ko.”
Kahit papaano ay lumuwag na ang pakiramdam ko o marahil ay nasabi ko na sa kaniya ang totoong ako. Nagpapasalamat na rin ako dahil nariyan si Justin at muli na naman niya akong iniahon sa kumunoy. Sumunod na lang ako sa kaniya at baka magbago pa ang isip niya.