“Luna!!”
Gulat akong may humawak na sa kamay ko nang akma kong itusok sa tiyan ko ang matulis na dulo ng kahoy. I want to end my damn life and this is all I know for now. Pero mukhang hindi naman hahayaan ng panahon na sa pangalawang pagkakataon ay mawala ako sa mundong ito.
“What are you doing?!” tanong sa akin ni Justin. Bakas na rin sa mukha niya ang galit at hindi ko matingnan ang mga mata niyang nanlilisik.
That was the first time I saw him in fierce. Binawi niya agad ang kahoy sa kamay ko at itinapon ito sa malayo. Ako naman na natulala na lang sa biglang pag-iba ng mode niya. Ito pala ang kabilang karakter ni Justin na kung magalit na halos katulad na rin ni Augustus.
“Are you out of your mind? You want to end your life?!” asik niya. “Okay, fine! Kung gusto mong tapusin ang buhay mo, then go!”
Lalo na naman akong nabigla sa sinabi niya. Muli na namang nanginig ang katawan ko sa takot at sa galit na ipinakita sa akin ni Justin ngayon. Ibang-iba sa mga nakaraang-araw na inaamo niya ako at pinapakalma. Justin…
“Hindi sagot ang pagpapakamatay sa lahat ng mga pinagdaanan mo ngayon, Luna. Do you think that this is the best way on how to ease your pain? Huh? Ilang araw na naging magulo ang mundo ko nang dahil sa iyo at sa pagpapaintindi sa kalagayan mo. And who are you, huh? Pakawala ka ba para manmanan ako rito sa isla? I know na may natatandaan ka at hindi mo lang ito sinasabi sa akin. But if you here for your mission, don’t dare me, Luna. I can do anything to stop you,” tiim-bagang niyang sabi sa akin.
“J-Justin…” nangangatal kong wika. “H-Hindi ako masamang tao…”
“Then what?!” muli na naman niyang sigaw. “Kung hindi ka masamang tao, then tell me who are you? Ilang beses ko na rin sinabi sa iyo na handa akong makinig! But then, idadaan mo na lang ako sa pag-iyak mo at pagpapaawa?!”
Tuluyan na akong bumigay sa pag-iyak at sa unang pagkakataon ay sinalubong ko ang masama niyang tingin. “Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ko!!”
“Then tell me!! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na handa akong makinig!” sigaw din niya.
“Hindi mo alam kung gaano kabigat sa dibdib ko ang sabihin sa iyo ang totoo, Justin! Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko kayang tanggapin ang sitwasyon ko! Siguro nga, tama ka! Isa akong mahinang nilalang sa mundong at wala na talagang pag-asa. Isa na akong pinagkalooban ng lahat ng mga mabibigat na saloobin at binigyan ng matinding kalungkutan kahit pa marami naman akong ginawang kabutihan. I’m sorry kung binigyan kita ng sama ng loob at ginulo ko ang mundo mo nang matagpuan mo ako. I swear, hindi ako masamang tao. Wala akong balak sa iyo at mas lalong hindi ako pakawala sa kung sino. Mas mabuti pa na i-uwi mo na lang ako ng Maynila,” mangiyak-ngiyak kong sabi. Napasinghot din ako sa huli kong sinabi.
“So, you’re from Manila. Okay, ibabalik na kita roon kung iyan ang gusto mo!” Isang malalim na tingin ang pinakawalan niya sa akin saka siya tumalikod at naglakad palayo.
Muli akong humugot ng malalim na hininga kasabay na naman ng pag-ihip ng malakas na hangin sa paligid. Alam kong mali ko ito pero masisisi niyo ba ako sa sitwasyon ko na ito? I’m so desperate to end my life and then vanish. Mas lalo lang akong nahihirapan sa tuwing may naalala ako at may mga taong nagtatanong tungkol sa buhay ko. Nanatili muna ako rito sa dalampasigan habang pinapakalma ko ang sarili ko.
HAPON na ako bumalik ng mansion ni Justin. Nahihiya na rin ako sa kaniya sa mga pang-aabala ko at alam kong kasalanan ko naman ito. Kumakalam na ang sikmura ko pero tiniis ko lang habang nasa dalampasigan ako.
“Mabuti naman at nandito ka na,” sambit niya habang pababa siya ng hagdanan. May dala-dala na siyang backpack niya. “Darating na ang chopper na maghahatid sa ating dalawa sa airport. Ang gamit mo ay nasa back pack na nasa ibabaw ng center table.”
“Justin…” Habang tinititigan ko siya, wala man lang akong nakikitang ngiti sa mga labi niya. Galit pa rin ba siya? Ibang-ibang Justin siya ngayon kaysa una ko siyang nakilala.
“Kung gusto mong kumain, magsabi ka lang at magpapahanda ako kay Aling Virgie.” Naglakad siya malapit sa sofa kung saan naroon ang luggage niyang nakahanda na rin.
“Hindi na,” pagsisinungaling ko. Ayoko na rin namang abalahin pa siya at kalabisan na. Titiisin ko na lang ang gutom ko.
“Bahala ka,” malamig lang niyang tugon.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog ng chopper sa paligid. Marahan na akong kumilos upang damputin ang kulay pink na backpack sa center table. Wala naman akong gamit at lahat ng mga suot ko ngayon ay galing kay Justin. Pero dahil siya ang naghanda nito, no choice na rin akong kunin ito upang hindi na rin siya mag-isip pa.
Kinausap lang niya si Aling Virgie saka kami umalis. Ni hindi na ako nakapagpaalam kay Aling Virgie dahil pumasok na siya sa kusina at kami naman na nagmamadali. Dire-diretso lang din ang lakad ni Justin na para bang hindi ako nag-e-exist.
Hanggang sa makarating kami sa chopper ay hindi na niya ako iniimikan. May dalawang piloto pa kaming kasama sa loob at pumuwesto rin naman ako. Maya-maya lang ay si Justin na ang nagsuot ng seatbelt ko. Habang inaayos niya ang seatbelt ko, I stared at him. But he never looked at me back. Gusto ko na talagang yakapin siya para lang mapatawad niya ako pero hindi ko rin kayang gawin.
Dumating din ng kalahating minuto ang sinasakyan namin sa Surigao Airport. Alam ko ang airport na ito dahil minsan na rin akong dinala ng dati kong asawa nang madestino siya rito. Mula sa chopper ay lumipat naman kami sa isang private jet na hindi ko alam kung pagmamay-ari pa rin ni Justin. Ang napuna ko lang ay sumasaludo ang mga sundalong nag-assist sa amin. Palaisipan tuloy kong isa bang sundalo si Justin pero ang alam ko lang ay doktor siya.
Kahit sa loob ng private jet ay walang imik sa akin si Justin. Kaysa naman na isipin ko pa siya ay humalukipkip na lang ako sa sulok at itinulog ang gutom ko. Habang nakapikit ako, tumutulo na naman ang luha ko. Iniisip ko pa na kapag dumating na ako ng Maynila ay wala rin akong mapupuntahan. Bahala ka na sa akin, Lord. Nagpahid na lang ako ng luha ko at tuluyang umidlip na.
GINISING na lang ako ng crew ng private jet dahil nakarating na pala kami ng Maynila. Wala na si Justin sa loob at mukhang nakababa na. Kumilos na lang ako nang tahimik din habang bitbit ko ang bag ko. Pagkababa ko naman ay naghihintay sa akin ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin.
“Ma’am, nasa VIP parking na si Sir Justin. Doon na lang daw niya kayo hihintayin,” wika niya.
Tumango na lang ako saka sumunod sa kaniya.
May pagkakataon na akong tumakas o lumihis ng paglalakad pero hindi ko ginawa. Kahit man lang sa huling pagkakataon ay sundin ko muna si Justin hanggang sa maghiwalay na kami ng landas. Iyon na lang ang natatangi kong naisip para man lang pasalamatan siya. Alam kong malaki na ang perwisyo na idinulot ko sa kaniya.
Pagdating namin ng parking, binuksan ng lalaking nag-guide sa akin ang pinto ng sasakyan. Nakita ko pa si Justin na seryosong nakatingin sa ibang direksiyon at tila balewala na lang ako.
“Sumakay ka na,” wika niya nang ibaling na niya ang tingin sa akin.
Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit walang bago sa emosyon niya mula pa man kaninang umaga. Sumunod na lang ako sa kaniyang sinabi at sumakay sa itim na SUV. Wala akong ideya sa gusto niyang mangyari pero alam kong hindi na niya ako isasama sa bahay niya. Wala rin naman siyang tinanong tungkol sa akin at sa kung saan ako nakatira.
“Saan kita ihahatid?” basag niyang tanong habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada palabas ng airport.
“Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam, Justin. Wala akong kamag-anak dito sa Maynila at⸻”
“Kung hindi ka makikipag-cooperate sa akin, hindi kita matutulungan na ihatid ka sa mga kamag-anak mo.”
Sumulyap ako sa nadadaanan namin at pamilyar pa rin ako sa paligid. “Sa susunod na kanto, diyan na lang ako bababa.” Hindi pa naman iyon ang lugar na dapat kong puntahan subalit kailangan ko na rin bumaba kung hanggang ganito na lang din ang pakikitungo niya sa akin na para bang ibang tao na ako.
“Okay.”
Okay lang? As in susundin niya lang ang sinasabi ko? “Salamat,” tugon ko na lang.
“Mang Nestor, pakitabi sa kanto.”
“Yes, Sir.”
Bumagal ang takbo ng sasakyan saka ito huminto sa sinasabi kong kanto. Nagkataon na may mga tao naman at may mga establishment sa paligid kaya safe akong maglalakad. Though, I am really afraid. Subalit kailangan kong tatagan ang sarili ko ngayong magkakahiwalay na kami nang tuluyan ni Justin.
“Salamat, Dok Justin.”
“Okay,” tugon niyang hindi man lang ako tinitingnan.
Masakit man pero kailangan ko ng bumaba. Binuksan ko ang pinto na walang lingon-lingon pa. Para ano pa? Pagkababa ko naman ay dire-diretso lang akong pumasok sa kantong tinutukoy ko. Abala rin naman ang ibang mga tao kaya hindi na nila ako pansin na naglalakad. Dama ko pa na hindi pa umaalis ang sasakyan kaya naman nakakita ako ng tiyempo. Pumasok ako sa medyo madilim na eskinita at ni isang tao ay wala akong nakita. Mabilis akong sumandal sa pader upang silipin ang sasakyan sa kanto subalit wala na ito.
I sighed. Parang gusto kong umiyak nang mga sandaling ito. Dahan-dahan akong lumabas upang bumalik sa dinaanan ko. Mag-iisip muna ako ng paraan kong paano ko mabawi ang buhay na sinimulan ko noon. Tiningnan ko ang paligid ko. I saw the people around busy on their monkey business. May mga nagtitinda sa paligid ng mga pagkain at mga nagtatawag ng pasahero sa jeep sa unahan.
Napatitig ako sa isang burger corner na amoy na amoy ko pa ang mabangong patty nito. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko pero wala pala akong pera. Ni singkong duling ay wala ako. Gutom na ako. Bakit ba hindi ako kumain kanina?
Muli na lang akong naglakad at nilagpasan ang establishment na iyon. Bagsak ang balikat ko habang iniinda ang gutom ko sa tiyan. Gusto na namang umiyak pero kailangan kong labanan ito. Awang-awa ako sa sarili ko dahil ang isang katulad ko na may magandang trabaho at may narating sa buhay ay mas mahirap pa sa daga.
Sa unahang bahagi ay may mga nakita akong mga street children na kinakalkal ang basura. Nang may makita sila sa basurahan, nag-aagawan isila sa supot na may lamang tinapay. Alam kong expired na ang mga tinapay na iyon ngunit sarap na sarap pa ang mga batang nag-aagawan dito. Napalunok ako. Napaisip na rin na tila mauuwi sa ganito ang buhay ko ngayon. Ang mapabilang sa laylayan ng lipunan na wala man lang nag-iisip para sa kanila.
“Ate, gusto mo?” alok ng isang batang paslit sa akin ng tinapay.
Napatitig ako sa madungis niyang mukha at sa marumi niyang kamay. Napagtitiyagaan niyang kainin ang tinapay na ito na itinapon na ngunit nakikipaglaban pa rin sa hamon ng buhay sa kabila ng kakulangan. Nanlumo at awa ang nararamdaman ko sa batang ito ngunit ang kamay ko, unti-unting iniabot ang tinapay na bigay niya.
“Mukha po kayong nagugutom at hindi pa kumakain. Huwag kang mag-alala at hindi pa naman panis iyan. Itinapon lang iyan ng mga mayayaman dahil sa panlasa nila, hindi na kasi masarap. Pero sa mga katulad ko, masarap pa iyan at laman din iyan ng tiyan!” masayang wika niya.
“S-Salamat.” Nasa kamay ko na rin ang tinapay na iniabot niya kanina.
“Walang anuman!” Walang gatol na kinain niya ang tinapay at gutom na gutom.
Ako naman, nagdadalawang-isip pa sa tinapay na hawak ko. Mukhang hindi pa naman siya expired, wala rin amoy at higit sa lahat, walang amag. Wala sa hinagap ko na kakain ako ng pagkain nagmula sa basurahan pero kung hindi ko gagawin ito, paano ako mabubuhay?
Nilunok ko ang pride ko at pikit-matang isusubo na sana ang tinapay ngunit may pumigil sa akin. Nagmulat ako ng aking mata nang maulinigan ko ang boses ng lalaking ilang araw ko rin hindi narinig ang boses niya. Sumulyap ako sa kaliwang bahagi ko nang may makita akong TV sa isang tindahan. Malinaw pa ang mga mata ko at hindi ako maaaring magkamali sa boses niya. Si Augustus!
Nanginginig akong naglakad patungo sa tindahan na ito at malinaw kong nasulyapan ang mukha ng asawa kong nasa interview ng isang media. Nakalagay sa screen na nakuha na niya ang posisyon na nais niya at proud na proud siya.
Augustus! Ang taksil kong asawa! Muli na naman namamalisbis ang mga luha ko sa pisngi at ang sakit nang araw na binawian ako ng buhay kasama siya. Ang galit ay muling namuo sa puso ko upang makapaghiganti sa ginawa niya sa akin. Ang walang habas niyang pagmamaltrato sa akin sa tuwing pinagtatalunan naming hindi ko siya mabigyan ng anak.