Luna
Mugto ang mga mata ko nang magising ako isang umaga. Hanggang sa pagtulog ko ay laman pa rin ng panaginip ko ang nangyari sa akin. Paulit-ulit at nakakasakal. Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako tinitigilan ng mga naging karanasan ko sa una kong buhay.
Inot-inot akong bumangon mula sa malawak na kama ni Justin. Natatandaan ko rin kagabi na napapanaginipan ko na naman ang pagkakabaril sa akin kaya ako napasigaw at takot na takot. Humagulgol din ako sa pag-iyak na animo’y nalunod na ako nang tuluyan sa pighating nararamdaman ko.
Hanggang saan ba ako dadalhin ng mga takot at mga masamang panaginip ko?
Kahit ang sarili ko ay hindi ko rin masasagot sa pagkakataong ito. Mabigat pa rin ang kalooban ko at pakiramdam ko, gusto ko na rin mawala sa mundong ito. Hindi ko man lang alam ang rason kung bakit pa ako binuhay ng panginoon gayong wala rin naman akong silbi sa buhay na ito.
Isa akong inutil, walang kakayahang magkaanak at pinatay ng sariling asawa. Ano pa ba ang misyon na kailangan kong tapusin sa mundong ito ngayong walang nakakakilala sa akin? Nasa ibang katauhan ako na kailanman ay nanatiling palaisipan sa akin.
“Luna…”
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking unti-unting naglakad palapit sa akin. Si Justin. “Dok,” sambit ko.
Nanatili lamang ang paningin niya sa akin na halos ayaw niyang bawiin at ibaling sa iba. Bahagya lamang siyang nakangiti sa akin at halatang nakikiramdam sa mode ko. Habang papalapit siya ay malaya ko siyang pinagmasdan.
He wears his comfort cotton grey shirt, a black jogger and an indoor slipper. Naalala ko si Augustus sa kaniya ngnnit ibang-iba ang aura niya kaysa sa dati kong asawa. Nang makalapit na siya sa kama, marahan naman siyang umupo sa gilid nito. Nanatili lamang din akong walang imik at nakikiramdam sa sasabihin niya. Masyado na akong pabigat kay Justin at hiyang-hiya na rin ako sa ginawa ko.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya. Marahan niyang ini-angat ang kamay niya upang damhin ang leeg ko na hindi ko naman tinutulan. “Hindi ka na mainit.”
Pero ang kamay mo naman ang naghahatid init sa pisngi ko, Justin. “Mainit ako?” tanong ko naman. Noon ko lang din napagtanto ang kaniyang sinabi.
Muli niyang inalis ang kamay niya sa leeg ko na hindi ko alam kung bakit ayokong alisin niya ito. “May lagnat ka kagabi matapos ang paghagulgol mo. Luna, alam kong nasa matinding depression ka ngayon dahil sa mga alaala mong paulit-ulit mong napapaniginipan. Pero kailangan mong iwasan ito hangga’t maaari dahil makakasama ito sa tuluyan mong panggaling. Kailangan mong lumaban at mag-move on, Luna. That’s the best way on how to ease your pain inside.”
“But how? How could I ease that pain na halos gabi-gabi na akong pinapatay? I’m tired to keep on fighting, Justin. I am tired of being…alone and lonely,” maluha-luha kong tugon sa kaniya. Naroon na naman ang mga taksil kong mga luha sa mga mata ko na hindi ko na rin napigilan pa.
“You’re not alone, Luna. See? Kasama mo ako sa pagpapagaling mo? I’m your doctor, right? You can trust me and tell me everything.” Marahan niyang ginagap ang mga kamay kong nanginginig na naman.
Nang maramdaman ko ang init na hatid ng palad niya sa kamay ko, nakadama nga naman ako ng maalwan na pakiramdam. Ipinakita niya ang comfort na hinahanap ko ngunit hindi ko pa rin maaaring sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi paniniwalaan ng sensya ang nangyari sa akin ngayon at baka ikapahamak ko pa.
“I can’t tell you right now, Justin. Bigyan mo sana ako ng sapat na panahon upang makapag-isip,” wika ko na lang.
“All right. Hindi naman ako namimilit, Luna. Handa naman akong maghintay sa kung kailan handa ka na. Ayusin mo na ang sarili mo at ipapasyal kita sa islang ito. I don’t want you to miss this place. The place is awesome, Luna. Ibaling mo ang isip mo sa magagandang bagay at iyon ay payo ng isang doktor na katulad ko.”
Tama siya. Kailangan kong pilitin ang sarili kong mag-move on. Kailangan ko rin tulungan ang sarili ko. Akma na niyang tatanggalin ang kamay niya ngunit bigla ko itong mahigpit na hinawakan.
“Justin… Salamat sa lahat ng mga naitulong mo sa akin. Patawarin mo sana ako sa pagiging mahina ang loob at pakiramdam ko ay wala akong kwentang tao. Tatandaan ko ang lahat ng mga sinabi mo.”
“Good.” Naramdaman kong pinisil niya ang palad ko saka niya tuluyang binawi ang kamay niya. Umalis na rin siya sa pagkakaupo niya sa kama. “Fix yourself, Luna. Hihintayin na lang kita sa baba upang mag-almusal.”
Bahagya lang akong tumango at siya naman na naglakad na palabas ng kwarto. Napakabuti mo, Justin. Kung katulad mo lang ang… Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa isipan ko dahil alam kong hindi ko na siya dapat isipin pa. Tuluyan na lang din akong umalis sa kama niya at inayos ito. After that, bumalik na ako sa kwarto ko upang ayusin ang sarili ko. Masyado ng nakakahiya sa gwapong lalaking kasama ko sa bahay na ito.
MATAPOS kaming mag-almusal ni Justin ay dinala niya ako sa unahang bahagi ng mansion niya. Naglalakad lang kami sa gilid ng dalampasigan habang may mga matataas na niyog sa paligid, sariwang hangin at ang kulay bughaw na tubig sa karagatan.
“Alam mo bang nasa Siargao ka, Luna?” pangunguna niya.
“Siargao? N-Nasa Siargao tayo?” pagtataka ko. Paano ako napunta sa lugar na ito matapos ang malagim na nangyari sa buhay ko?
“Yeah. Ang nakikita mong malawak na karagatan na iyon ay dagat-Pasipiko.” Sabay turo niya sa tinutukoy niyang malawak na dagat. “Marunong ka bang mag-surf?”
“Hindi,” tugon kong may kasabay na pag-iling. “Kung ganoon ay nasa isang isla tayo na malayo sa Maynila.”
“Why? Taga-Maynila ka rin ba?”
“Ha?! Ah, h-hindi! I mean…” Hindi ako maaaring magsinungaling kay Justin dahil ang mga tao rito ay hindi matatas magsalita ng tagalog. Natuto lang naman ako dahil lumipat kami ni Augustus sa Maynila at nasanay na rin. “Maynila lang ang nasabi ko pero hindi ako taga-roon.”
“It’s all right, Luna.” Bumaling siya sa kabilang bahagi at kumaway sa lalaking may kinukumpuni sa sasakyan. “Mang Hermes!” tawag din niya.
Kumuway din ang tinawag niyang si Mang Hermes kay Justin at niyaya naman niya akong lumapit dito. Sa tantiya ko ay nasa animnapung taon na si Mang Hermes dahil nakikita ko na rin ang mapuputi niyang buhok. Mahahalata na rin sa kaniya ang katandaan niya at sa edad niyang ito ay nagkukumpuni pa siya ng sirang sasakyan.
“Magandang umaga, Dok Justin. Kayo ho pala iyan,” bati ni Mang Hermes. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti. “Miss Luna, magandang umaga rin.”
“Luna na lang ho. Magandang umaga rin ho,” tugon ko. Lumapit ako sa kaniya upang kunin ang kamay niya para magmano. Nakaugalian ko na sa probinsiya namin na magmano sa mga matatanda.
“Madumi itong kamay ko, hija, pero kaawaan ka ng diyos.”
“Ayos lang, Mang Hermes.”
“Anong problema diyan sa sasakyan mo, Mang Hermes. Sinabi ko naman sa iyong palitan mo na iyan at gamitin mo na iyong luma kong sasakyan.” Sinilip ni Justin ang loob ng makinang kinukumpuni ni Mang Hermes. “See? Mga kinalawang na ang nasa loob at mukhang hindi na rin aandar ito.”
“Malay mo at maghimala, Dok. Ay, siyangapala. Mabuti at napadaan kayo at may nilutong masarap na biko ang asawa ko. Tara na sa banda roon at para naman makatikim din itong si Luna ng biko.”
Sumulyap si Justin sa akin. “Let’s go, Luna.”
“Susunod ako,” mabilis kong tugon. Hindi ko alam pero gusto kong ayusin ang sasakyan ni Mang Hermes.
Bahagyang kumunot ang noo ni Justin. “Are you sure?”
“O-Oo, Justin. Susunod ako.”
“Okay, sige. Sumunod ka na lang, ha.”
Hindi na ako pinilit ni Justin na sumama sa kanila at makikita lang din naman nila ako. Malapit lang din naman ang kubo na tinutukoy ni Mang Hermes at tanaw lang nila ako kung sakali. Muli ko rin sinulyapan ang makinang inaayos ni Mang Hermes at ramdam kong may pag-asa pa. Tiningnan ko rin ang mga tools sa tool box niya at ilang langis.
Hindi na bago sa akin ang gawaing ito dahil isa akong Mechanical Engineer. Kumuha rin ako ng kursong automotive para lang maging mapaghusayan ko pa ang napiling landas na tinatahak ko noon. Naawa ako noon sa tatay kong parati na lamang sira ang sasakyan niyang traktura na ginagamit sa pagsasaka at minsan pa ay hindi magamit.
Kinuha ko ang screwdriver na pinaglaruan ko pa sa kamay ko na animo’y isang eksperto saka ko sinilip ang ilalim. May sinilip lang ako sa oil ng makina hanggang sa electrical nito. Gumana naman ang utak ko sa mga ganitong pag-aayos kaya nagsimula akong magkalikot.
Sa unahan pala sa kinaroroonan nila Mang Hermes at Justin, hindi ko na namalayan na napatingin na pala sila sa akin. Kumunot ang noo ni Justin dahil sa pagtataka niya lalo na rin si Mang Hermes. Ako naman na nagpatuloy lang sa ginagawa ko hanggang sa natumbok ko rin ang problema ng sasakyan ni Mang Hermes. Nakakita ako ng bolt na pwedeng alternative para lang umandar ang makina niya kaya ko ito inilagay. Napalitan na rin naman ng langis ang sasakyan kaya may pag-asa pa.
Halos masubsob na ang mukha ko sa makina at may mga langis pa na nakadikit sa bawat naroon. Hindi ko namalayan na napapahid na ako dahil sa pagiging pursigido kong maayos ang sasakyan ni Mang Hermes.
“Luna, anong ginagawa mo?”
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Justin sa likuran ko kaya nabitawan ko ang screwdriver na hawak ko. “Huh?!”
“Naku, hija! Mag-ingat ka at matamaan ang paa mo sa screw!” Kinuha naman ni Mang Hermes ang screwdriver na nahulog. “Hindi mo na sana pinakialaman ang nandito at baka mapano ka pa. Pero sa tingin ko ay alam mo rin ang ginagawa mo. Mekaniko ka ba?”
Natigilan ako. Maya-maya lang ay napasulyap ako sa mga mata ni Justin na tila naghahanap ng kasagutan mula sa akin. “Uhm, Mang Hermes. S-Subukan niyo ho na paandarin ang sasakyan niyo,” wika ko. Hindi ko na sinagot ang tanong niya kanina kung ako ba ay isang mekaniko.
Natawa siya. “Hija, noong isang araw ko pa kinakalikot itong luma kong sasakyan at tatlong mekaniko na ang tumingin dito pero walang nangyari.”
“S-Subukan niyo lang ho,” pamimilit ko.
“Mang Hermes, just try it. Wala naman sigurong masamang subukan niyong paandarin,” wika na rin ni Justin. But this time, seryoso siya. Halata rin sa kaniyang curious sa kilos at ginagawa ko.
Kibit-balikat lang si Mang Hermes at tinungo ang pinto ng sasakyan niya. Sumampa na siya sa loob at nakita ko pa ang malalim niyang paghinga. Ilang sandali pa ay pinaandar na nga niya ang makina. Hindi rin madali ang pagpapaandar niya dahil hindi pa kumapit ang bolt na nilagay ko. But on the third time, umandar ang sasakyan niya. Labis na tuwa ang mababakas sa mukha ni Mang Hermes at sumilip pa ito sa bintana.
“Dok Justin, Luna, umandar ang sasakyan ko!!” tuwang sabi niya.
Napangiti rin naman ako at nang sumulyap ako kay Justin, ni hindi man lang siya napapangiti.
“How did you do that?” he seriously asked.
Napawi ang ngiti ko sa aking mga labi. “Uhm, Justin…”
“Dok!” sigaw ni Mang Hermes kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Agad siyang bumaba ng sasakyan na hindi pa pinapatay ang makina at lumapit sa amin…sa akin. “Paano mo iyon nagawa, hija?!”
Palipat-lipat ang tingin ko kay Justin at Mang Hermes. Wala akong choice kung hindi sabihin ang totoo. “M-May alam lang ako sa pagme-mekaniko. Sorry,” paghingi ko ng paumanhin sa kanila.
“Naku, hija! Nakakatuwan naman ang ginawa mo! K-Kung ganoon ay may naalala ka na?”
“Ha?!” maang kong tugon.
Tila sabik silang malaman ang totoo sa akin at heto na naman akong nahuli na naman sa sariling kilos ko. Sa takot ko, bigla na lang akong tumakbo. Narinig ko pa na tinawag ako ni Justin pero hindi na ako lumingon pa. Sobrang takot na takot ako at balak kong lumayo. Ayokong malaman nila ang tungkol sa akin! Ayoko! Ayoko!
Hingal na hingal akong nakarating sa bahaging malapit sa dalampasigan. Imbes na tumakbo ako pauwi ng mansion ay tumakbo akong palayo sa lugar na iyon. Nais ko lang naman makatulong pero wala akong balak na ipagsabi ang katauhan ko. Nalilito na naman ang puso at isipan ko sa mga nagaganap.
Habang pinagmamasdan ko ang bawat paghampas ng alon sa dagat, naisip ko na naman ang sandaling pinagtaksilan ako ni Augustus. Na sarap na sarap itong makipaghalikan sa babaeng iyon at ako na luhaan. Ako na nabaril ng sariling asawa at namatay sa mga kamay niya.
Napahawak ako sa ulo ko na litong-lito at sumigaw. “Aaaahhhh! Tama na! Tama na! Ayoko na!!” Nakakita ako ng kahoy na may matulis ang dulo at dinampot ito. “M-Mabuti pa ang…mabuti pang mawala na lang ako! Aaaaahhh!!”