Justin
Hapon na ako nakabalik ng bahay ko matapos kong gamutin ang anak ng isa sa mga tauhan ko rito sa isla. Naabutan ko pa si Aling Virgie sa kusina na nagluluto ng hapunan.
“Magandang hapon, Aling Virgie. Kumusta si Luna?” tanong ko. Tinungo ko ang water dispenser at kumuha ng tubig.
“Magandang hapon, Dok. Nasa taas siya at nagpapahinga. Sinabihan ko siya kaninang tatawagin ko na lang siya kapag kakain na kayo ng hapunan. Siyangapala, nabalitaan ko na nilagnat ang anak ni Aling Josefa. Kumusta na pala ang bata?” tanong niya nang hinarap niya ako.
“Maayos na ang kalagayan niya at napainom ko na rin ng gamot. May sipon at ubo ang bata kaya ibinigay ko na rin ang tamang mga gagawin,” tugon ko. Inilapag ko ang baso malapit sa lababo. “Akyat muna ako sa taas upang tingnan si Luna.”
“Ah, Dok Justin,” tawag niya nang akma na sana akong tatalikod.
“Yes?”
“Si Luna, hindi ba talaga siya nakakaalala? Naitanong ko lang kasi at baka hinahanap na siya ng kaniyang pamilya.”
Umiling ako. “Wala siyang naalala, Aling Virgie. Tumawag na rin ako sa mga kakilala ko upang alamin kung may naghahanap sa kaniya.”
“Okay, Dok. Magandang dalaga si Luna at marahil ay napagtripan siya ng mga taong gusto siyang gawan ng masama ng mga ito. Hay, ang mga tao talaga.”
“Huwag niyo ng isipin iyon, Aling Virgie. Ako na ang bahala sa bagay na iyan.”
“Pasensiya na, Dok. Naaawa lang ako sa kaniya.”
Bahagya lang akong ngumiti sabay tuluyan na rin tumalikod upang umakyat sa taas. Bago pa man ako dumating sa kwarto ko, napalingon ako sa may sala sa second floor. Napuna ko ang isang boses na tila takot na takot at nagmamakaawa. Inilapit ko pa ang sarili ko sa may entrance door.
“Niloko mo ako! Napakawalanghiya mo!”
Si Luna? Nabusesan ko agad siya at dali-dali akong nilapitan ang kinaroonan niya. I found her on the sofa lying and sleeping but she has a nightmare.
“Lumayo ka! Lumayo ka!”
“Luna! Luna, wake up! You’re dreaming⸻”
“Huh?!” Agad siyang nagising at sa paggising niya ay takot na takot siya. “L-Layuan mo ako! L-Layuan mo ako!” Halos humalikipkip na siya sa dulo ng sofa upang layuan lang ako.
“Luna, it’s me, Doc Justin. Hindi mo ba ako nakilala? You’re just dreaming,” wika ko sa kaniyang pilit siyang inaamo upang makilala niya ako. “Luna, hindi ako masamang tao, okay? Come here.”
“D-Dok,” nauutal niyang wika. Maya-maya lang ay napaiyak na siya sa sobrang takot niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “I won’t hurt you, Luna. Nanaginip ka lang at sinabi ko na sa iyong huwag ka ng iiyak.” Naawa naman ako sa kalagayan niya dahil marami na rin akong kasong nakita katulad ng dinanas niya.
When she realized that it’s me and it was a dream, she calmed herself. Nagpahid din siya ng mga luha niya at ako naman na marahang tumabi sa kaniya. Alam kong may mabigat siyang dinadala at alam ko rin na hindi pa siya handang sabihin sa akin ang totoo.
“Dok, s-sorry. Akala ko kasi na totoo ang panaginip ko. Mabuti na lang…mabuti na lang na panaginip lang,” nanginginig pa niyang wika sa akin.
“It’s okay.” Unti-unti kong inilagay ang kamay ko sa likuran niya upang haplusin ang kaniyang likod. “Luna, alam kong may pinagdadaanan ka na hindi mo pa sinasabi sa akin. But I am still waiting for the right time to tell me about it and I told you not to cry.” Pinahiran ko ang pisngi niyang mamasa-masa ng luha.
Nakatitig si Luna sa mga mata ko at nakita ko na naman ang inosenteng mga mata niya. Ang inosenteng mukha niya na mas lalo kong kinaawaan. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, tanging kay Luna lang ako napapatitig nang ganito. I don’t want to stare at women’s eyes. Makikita ko lang ang mga inosente nilang mata at mukha. But then again, Luna is different.
“Natatakot ako,” sambit niya. “Natatakot akong baka bumalik ang panaginip ko at…at walang gigising sa akin. Ayokong manumbalik na naman ang masamang bangungot na iyon na hindi ko alam kung saan nagmula.”
Bakas pa rin sa mukha niya ang takot ngunit isang desisyon ang ginawa ko upang kumalma siya. “All right. Gusto mong matulog sa kwarto ko?”
Muli siyang napatitig sa akin. “Dok, kalabisan na ang iniisip mo. Ayokong isipin mo na ginagawa ko ito para lang…para lang...”
“No. It’s okay, Luna. I insist. I told you last time, kargo na kita ngayon. Kung may mangyari sa iyo ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Huwag mo na rin isipin ang mga bagay na iyan at makakasama lang iyan sa paggaling mo. May malawak na living room naman ako sa kwarto ko at pwede na ako roon. Kailangan ko rin bantayan ang vital signs mo. Is that okay with you?”
Tumango siya. “Oo, Dok. Maraming salamat sa tulong mo. Paano na lang kung wala ang katulad mo? Paano na ako mabubuhay?”
“Luna, tandaan mo na hindi natatapos ang buhay nating lahat sa kalungkutan. You need to fight your own misery. Kung hindi mo gagawin ito, parang hinayaan mo lang na lamunin ka ng iyong nararamdaman. Move on and fight back, okay?”
“Okay, Dok. Tatandaan ko ang lahat ng iyong mga sinabi.”
“Good.”
“Dok Justin, handa na ang hapunan.”
Napalingon ako kay Aling Virgie na naroon na pala. “Susunod na kami, Aling Virgie.”
“Sige, ho.” Muli din siyang tumalikod at lumabas.
“Let’s go and let’s eat. Kailangan mo rin kumain ng masususansiyang pagkain upang lumakas ka.” Inilalayan ko pa siyang tumayo na hanggang ngayon ay naroon pa rin ang panginginig niya ngunit hindi na gaano.
“Dok, bakit ang bait mo sa akin?” tanong niya habang naglalakad na kami pababa.
“Mabait ako sa mga taong nangangailangan ng tulong. Tradisyon na rin sa pamilya namin ang pakinggan ang hinaing ng mga taong walang-wala sa buhay,” tugon ko.
“Pagpalain nawa kayo ng poong maykapal, Dok. Napakabuti mo,” simpleng tugon niya na ikinatuwa ko naman.
Hindi na siya nagtanong pa at nagpatuloy na lang kami sa dining area upang maghapunan. Hindi katulad kanina na wala siyang ganang kumain. Lahat ng mga inilalagay ko sa kaniyang plato ay inuubos niya. Gayunpaman, hindi ko pa rin siya nakikitaan na masaya na siya at may nakikita pa rin akong takot sa mga mata niya.
Matapos naman kaming maghapunan ay nagtungo muna kami sa kwarto ng bawat isa. Siya na mag-aayos muna sa sarili niya bago siya tumungo sa kwarto ko. I fixed myself at the bathroom first before she come to my room.
Matapos naman akong mag-shower ay nagbihis muna ako. Sakto rin naman na natapos akong magbihis ay tumunog ang cell phone ko na nasa ibabaw ng side table. Kinuha ko ang cell phone ko at tiningnan ang caller. Si Joshua? Agad ko rin sinagot ang tawag ng kaibigan ko at tauhan na rin sa trabaho.
“Hello, Joshua?” wika ko sa kabilang linya.
“Hi, Sir. Good evening,” tugon niya sa akin. “Pasensiya ka na at gabi na ako nakatawag sa iyo dahil marami akong mga follow ups kanina. Nasa harapan ka ba ng laptop mo, Sir?”
“Uhm, no. Is it needed?”
“Yes, Sir. I just sent you the file and opened it.”
“All right. Just wait and I open your message.” Nagtungo ako sa kabilang bahagi ng kwarto ko upang buksan ang laptop ko. Nang makarating naman ako sa living room ay agad kong binuksan ang email niya. Nakabukas naman ang laptop ko kaya madali ko rin makita. “I opened your email. So, what’s this all about, huh?” Umupo na rin ako sa sofa at nakatitig sa monitor ng aking laptop.
“Sir, lahat po ng nakikita niyo ay files ng mga babaeng naka-report sa lahat ng departamento na nawawala. Sa kasamaang palad ay hindi ho kasama ang larawan ng babaeng natagpuan niyo sa dalampasigan diyan. Tinulungan na rin ako ng mga local nating kasamahan para malaman kung sino ang nasa pangangalaga niyo ngayon,” paliwanag niya.
“Okay. Wala na ba tayong alternative files na makukuhanan? Baka may kamukha niya sa lahat ng government affiliates like mga ID’s niya na naka-register. Kailangan kong malaman ang tungkol sa kaniya sa lalong madaling panahon.”
“Yes, Sir. Sa panahon ngayon ay kailangan pa rin nating mag-ingat at baka pakawala iyan ng mga nakabangga mo noon. Kumusta na ba siya? May naalala na ba siya?”
“Negative.”
Isa si Joshua sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at nakakaalam lang tungkol kay Luna. Ayoko namang isipin na pakawala siya upang makaganti sa akin dahil ako mismo ang nagligtas sa kaniya sa dalampasigan na halos wala na rin buhay. I know that thing because I am a doctor. Naroon ako upang e-check ang vital signs niya at malabong gagamitin siya sa mga pangunahing interes ng mga nakalaban ko.
“Okay, Sir. Kung kailangan mo ng tulong ko upang pumunta riyan sa Quezon, nandito lang ako. Isasama ko na rin ang iba pa para maging safe ka riyan habang nagbabakasyon.”
“No, Joshua. I can handle her. Update mo na lang ako sa mga ipinapagawa ko sa iyo.”
“Copy, Sir. Sige, Sir. Ibababa ko na itong tawag at mag-ingat ka.”
“Salamat, Joshua.”
“Okay, Sir. Bye.”
“Bye.” Ibinaba ko na rin ang tawag niya. Napabuntong hininga rin ako sa pag-iisip tungkol kay Luna. Sino ka ba talaga, Luna? Saan ka nagmula?
Maya-maya lang ay narinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko at may tumawag na rin. Si Luna. Naglakad ako patungo sa pinto at nang naroon na ako ay pinagbuksan ko siya.
“M-Magandang gabi, Dok Justin. Naabala ba kita?” nahihiya siyang magtanong. Halos hindi rin siya makadiretso ng tingin sa akin.
“Good evening din, Luna. Please come in.” Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok siya. “Feel free lang. Isipin mo na kwarto mo ito.”
“Dok, saan ka matutulog? Kung gusto mo ay doon na lang ako sa living room mo.”
“No. Ako na sa living room at ikaw na ang hihiga sa kama ko. I’m okay there. Hindi pa naman ako matutulog dahil may gagawin pa ako. Mag-aasikaso pa ako ng mga reseta ng mga pasyente ko.”
“Salamat, Dok.”
“Halika na sa kama ko upang makatulog ka na rin nang mahimbing,” yaya ko sa kaniya. Sumunod naman agad siya sa akin. “Kung may kailangan ka pa ay magsabi ka lang, Luna. Nariyan lang ako sa kabilang bahagi at maaari mo akong puntahan.”
“Okay, Dok. Maraming salamat ulit.”
“Walang anuman.”
Hindi ko na siya hinintay na makahiga pa at agad ko na siyang iniwan. Lumapit naman ako sa lamesang may drawer at may kinuha ako roon. Hindi na niya ako makikita sa bahagi ng living room ko kung may kukunin ako. Tumambad sa akin ang forty-caliber na bagong-bago pa. This is for my safety if ever Lunas has done something to me. I’m sorry, Luna. Kailangan ko lang din manigurado.
After that, I went to my living room. May inihanda na rin naman akong extra unan at kumot para pagtulog ko mamaya. Umupo ako sa sofa habang ang hawak kong baril ay itinabi ko muna at tinakpan ko ng small pillow. Hinarap ko muna ang mga gawain ko na pending na rin ng ilang araw sa pag-aalaga sa kaniya.
Wala pang dalawang oras ay naghihikab na ako. Napagod na rin ako sa buong araw at ang bakasyon ko sanang ito ay nauwi rin naman sa pag-aalaga ng isang nawawalang landas na nilalang. But it’s okay, basta nakatulong ako. Maya-maya lang din ay narinig kong sumisigaw na naman si Luna. Luna? Dali-dali akong napabalikwas sa kinauupuan ko, kinuha ang baril sa ilalim ng pillow at patakbong tinungo ang kama kung saan siya natutulog.
“Luna!” sambit ko at nakita ko siyang umiiyak na naman at takot na takot. Subalit mas lalo siyang natakot sa nakitang baril na hawak ko.
“Aaahhh!” sigaw niya sabay bumalikwas siya sa kamay at tumakbo.
“Luna!! Hey!” Sinalubong ko siya ngunit bago ko pa siya mahawakan ay itinapon ko sa kama ang baril ko.
“Wala akong kasalanan! Wala akong ginawang masama!” histerikal na siya at umiiyak na naman.
Hinawakan ko ang magkabilaang balikat niya. “Luna! It’s me, Justin! Wala kang kasalanan at wala kang ginawang masama!”
Hindi na siya sumagot at panay na lang ang pag-iyak niya. Nang mga oras na iyon, wala na akong naisip kung hindi yakapin na lang siya. Damang-dama ko ang mapait at nakakalungkot na sinapit ng dalagang ito kahit hindi ko pa man alam ang totoo sa kaniya.
Alam kong may dahilan ang mga panaginip niya at iyon ang dapat kong malaman. Sa ngayon ay kailangan ko muna siyang pakalmahin at nagawa ko naman ito. Naging mahinahon na rin siya matapos ko siyang painumin ng tubig at pampakalmang gamot na rin. Anong mayroon sa iyo, Luna? May gumawa kaya ng masama sa iyo?