Chapter 4

2218 Words
Bumaba ako upang puntahan ang doktor na si Justin na nagligtas sa akin mula sa madilim na bahagi ng buhay ko. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari sa akin kung paano ako nabuhay sa ibang katauhan. Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako pero hindi iyon ang nangyayari. Natatandaan ko pa ang mga masasakit at masaklap na sinapit ko mula sa kamay ng aking asawa. Nais na naman tumulo ang mga luha sa aking mga mata habang naglalakad ako. Subalit pinigilan ko iyon dahil ayokong mapuna na naman iyon ng doktor at tanungin ako sa mga bagay na hindi niya muna dapat malaman ang tungkol sa akin. “Oh, nandiyan ka na pala. Kumain ka muna para magkalaman ang tiyan mo. How is your feeling right now? May masakit pa ba sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Justin sa akin. Inihanda na rin niya ang mga pagkain sa dining. “A-Ayos lang ako, Dok Justin.” Kahit hindi ko alam kung magiging maayos pa ako. “Justin na lang ang itawag mo sa akin, Luna. Umupo ka na.” Sabay turo niya sa bakantang upuan na malapit dito at naupo na rin siya. Hinila ko naman ang upuan at umupo malapit sa kaniya. Bagamat nararamdaman ko ang bahagyang hiya sa kaniya, kailangan ko rin ang kumain. Naramdaman ko rin na mabuti naman ang pakikitungo niya sa akin kaya pinilit ko ang sariling paniwalaan ang kaniyang mga ipinapakita sa akin. Ibang-iba sa kung ano ang pagtrato sa akin ng dati kong asawang si Augustus. Nilagyan pa niya ng pagkain ang plato ko at ulam saka ngumiti sa akin. Sa totoo lang, ang gwapo niya talagang doktor. Sa kabila ng aking mga naranasan, may isang tao akong nakilala na hinulog na yata ng langit para sa akin. Kahit saan ko siya tingnan, hindi ko maiwasang humanga sa kagwapuhan niyang taglay na malayo sa katauhan ko noon na si Augustus lang ang nakikita ko. “Kumain ka upang bumalik ang lakas mo, Luna. Kailangan mong maka-recover para mabilis nating matukoy kung ano nga ba ang nangyari sa iyo. Sana nga lang ay makaalala ka para hindi na mag-aalala ang mga magulang mo sa iyo o iba mong kamag-anak,” wika niya sa akin. Sumusubo na rin siya ng pagkain niya habang nakikipag-usap sa akin. Napayuko ako. “Pasensiya ka na, Justin. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong naaalala. Habang pinipilit ko ang sarili ko, sumasakit lang ang ulo ko. Kung ayaw mo naman na magtagal ako rito dahil hindi mo obligasyon na alagaan ako, maaari naman akong umalis at hanapin ang sarili ko.” “No. Nasa poder kita at konsensiya ko kung pabayaan kita sa daan. It would be best if you stayed here for a while or until the day you will remember everything. I’m your doctor, and I know what would be the best for you,” he said. “Salamat, Justin.” Muli naman nagsilaglagan ang mga luha ko na hindi ko na naman napigilan. “Don’t ever cry anymore, Luna. I am here to help you.” Nagulat na lamang ako nang bigla niyang pahiran sa mga daliri niya ang mga luha ko sa mata. Habang nakikita ko ang mga magaganda niyang mga mata na puno ng pag-asa at pag-aalala, noon ko naramdaman may isang tao pala na handang damayan ako sa lahat. Na handa akong pakinggan at alagaan sa kabila ng bagay na wala siyang alam tungkol sa akin. Inalis niya ang kamay sa mukha nang mawala na ang mga butil ng aking mga luha at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Nalaman ko kay Justin na lingguhan lang pumupunta ang katiwala niya at nag-iisa lang siya roon. May mga tauhan naman siya sa katabing resthouse niya ngunit madalang lang din niya itong utusan ayon na rin sa binatang doktor. Yes! Binata pa si Justin at wala siyang nobya o ano pa man. Wala rin magagalit kung sakaling manatili pa ako sa bahay niya nang matagal. Tinulungan ko naman siyang magligpit ng aming pinagkainan at naghugas na rin ako. Naglinis ng kaunti sa kusina niya na madalas ko namang ginagawa noong asawa pa ako ni Augustus. Kahit anong pilit kong kalimutan ang nangyari sa akin, lalo lang itong bumabalik sa mga alaala ko. Lalo lang din sumisikip ang dibdib ko sa pagtataksil ng asawa ko sa akin. Napakasakit! Sobrang sakit at halos lamunin na ako ng lungkot ko sa tuwing naalala ang pagtataksil ni Augustus sa akin. Naalala ko rin ang putok ng baril nang mangyari ang pag-aagawan namin ng asawa ko. “Luna…” “Huh?!” Bigla akong nagulat at napaatras nang may nagsalita sa likuran ko. “Hey. It’s me, Justin. Are you okay?” Nanginginig akong humarap sa kaniya at marahil sa naalala kong putok ng baril. “J-Justin!” sambit ko. Lumapit siya sa akin. “Hey. Relax ka lang, Luna. Ako lang ito. Nabigla ba kita?” malambing niyang pag-aalala sa akin. Bahagya akong tumango. “O-Oo. Pasensiya ka na at…at nag-iisip lang ako,” dahilan ko sa kaniya. “Huwag kang masyadong nag-iisip. At dapat hindi mo ito ginagawa dahil tinawagan ko na ang katiwala ko na pumarito na araw-araw upang may makakasama tayo. Ang gawaing bahay ay masyadong mabigat para sa paggaling mo,” malambing niyang sabi sa akin. “Dok, k-kasi… Hindi naman pupuwede na manatili lang ako sa kwarto ko at magpahinga. Mas lalo ko lang…” Natigilan ako dahil hindi ko pa maaaring sabihin kay Justin ang tunay kong pagkatao. “Mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko,” palusot ko na lang. “All right. Uhm, ganito na lang. Gusto mong mamasyal sa labas?” tanong niya. “Sa labas?” “Oo. Para naman makalanghap ka ng sariwang hangin sa labas. Ipapakita ko na rin sa iyo ang magandang tanawin ng kapaligiran at baka makatulong ito sa iyo.” Muli na naman niyang ipinakita ang ngiti niyang tila pinapagaan ang loob ko. “Sige.” “Halika na,” yaya niya. “Paano itong pinaghugasan ko at⸻” “Darating na ang katiwala ko at ipaubaya na natin sa kaniya.” Hinawakan na niya ang kamay ko kahit basa pa ito pero hindi iyon ang nasa isip ko. Nakatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang naglalakad kami palabas. I looked at him. Naisip ko kung ganito sana ang dating asawa kong si Augustus, masaya sana kami. Kung nabigyan ko lang siya ng anak noon ay hindi sana magbabago ang kaniyang pagtingin sa akin. Subalit pinilit kong kalimutan iyon dahil alam kong mas lalo lang din bibigat ang damdamin ko. Maaalala ko na naman ang ginawa ng asawa kong pinagtaksilan ako. “Here we are, Luna.” Huminto kaming dalawa at hinarap niya ako habang hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. “Hindi ba nakapaganda ng paligid?” Tumingin ako sa mga mata niya saka ako bumaling sa paligid. Napakaganda nga naman ng paligid. Maaliwalas at naamoy ko ang simoy ng hangin sa tabing-dagat. Kasabay ng hangin na ito ay ang paghawi naman ng iilang hibla ng buhok ko. Naalala ko na naman ang sandaling masaya kami ni Augustus sa tabi ng dagat at naghahabulan. Dinala niya ako sa isang isla noon na kami lang dalawa at naglalaro habang sinusundan kami ng alon sa dalampasigan. Naririnig ko pa ang bawat tawa naming dalawa habang ninamnam ang kapaligiran. “Malungkot. Napakalungkot ang nakikita ko, Justin.” Namalayan ko na lang na nangilid na pala ang luha ko sa mga mata. “Sa kabila ng tahimik at malalim na tubig sa dagat ay kaakibat naman nito ang panganib. Sa likod ng bughaw nitong kulay, naroon ang kadiliman na sumasalamin ng pagkatao ng bawat lalangoy dito.” “Napakalalim ng iyong mga salita, Luna. Sabihin mo nga sa akin, isa ka bang makata?” “Huh?” Sumulyap ako sa kaniya ngunit huli na dahil may isang butil ng luha ko ang namalisbis sa pisngi ko. “I told you not to cry again.” Muli na naman niyang pinahiran ang luha ko sa pisngi. “Hindi muna kita pipiliting sabihin sa akin ang mga pinagdaanan mo pero narito lang ako at handang makinig.” “S-Salamat, Justin.” Napakabuti mo sa akin kahit na isa akong estranghero sa iyo. Sana ay isang katulad mo na lang ang nakilala ko at naging asawa. “No worries.” “Dok Justin!” Sabay kaming napalingon sa lalaking paparating at tinawag si Justin. Noon lang binitawan ng binata ang kamay ko na para bang ayokong gawin niya iyon. Gusto ko pa sanang maramdaman ang init ng kaniyang palad na hindi ko man lang naramdaman kay Augustus noong nagbago na siya sa akin. Tila nasabik ako sa init ng mga palad niya ngunit alam kong kahibangan lang ito. “Dok Justin,” muling sambit ng lalaki. Bahagya pa siyang tumingin sa akin at muli rin namang sumulyap sa doktor. “Dok, ang anak ni Aling Josefa ay nilalagnat. Kailangan ho ang tulong niyo at wala ho ang asawa niya dahil nasa laot pa.” “O-Okay.” Bumaling si Justin sa akin. “Luna, pumasok ka muna sa loob at kailangan kong pumunta sa bahay ni Aling Josefa,” pagmamadali niyang sabi. “P-Pero⸻” Hindi na ako nakapagsalita pa nang tinalikuran agad ako ni Justin at sumama sa lalaking tila taga-rito. Wala akong nagawa kong hindi ang bumalik na lang sa mansion niya at hintayin siya roon. Nakikita kong isang mabuting doktor si Justin sa mga taga-rito pero wala pa akong masyadong alam tungkol sa buhay niya sa labas ng napakagandang lugar na ito. Pagbalik ko naman sa mansion ay nakita ko agad ang isang babaeng petite at may edad na. Nag-aayos siya sa sala at nang makita ako ay nginitian niya ako. “I-Ikaw ba si Luna?” bungad niyang tanong. “Ako nga ho. M-Magandang araw, ho,” bati ko sa kaniya. “Magandang araw,” ganting bati niya sa akin. “Napakaganda mo pala talaga, hija. Anong pangalan mo?” Pinamulahan naman ako ng pisngi. Sa totoo lang, nang makita ko ang mukha ko sa salamin ay humanga rin ako. Mukha akong modelo sa hugis pa lang ng katawan ko at sa imahe ng mukha ko. Hindi ko nga lang kasing puti ko ang sarili ko noon pero kakaiba ang kagandahan ng katawan kong ito. “Salamat, ho.” Bahagya lang akong ngumiti sa kaniya at nahihiya pa rin. “Kilala niyo na pala ako.” “Oo. Nasabi na rin ni Dok Justin ang pangalan mo. Ako nga pala si Virgie. Ako ang pinagkakatiwalaan ni Dok Justin sa bahay na ito. Ay, hindi na ako makikipagkamay ha at madumi itong kamay ko.” “A-Ayos lang, ho.” “May kailangan ka ba? Gusto mo ba ng pagkain?” alok niya. “Hindi na, ho. Busog pa ho ako, Aling Virgie. Uhm, si Justin ba, siya ang medical doctor ng lugar na ito?” nahihiya ko pang tanong. Nagpatuloy na siyang maglinis ng sala at naging abala na ngunit sinagot pa rin niya ang tanong ko. “Hindi siya ang medical doctor namin dito pero siya na rin ang takbuhan ng mga tao rito sa tuwing naririto siya. Nasa Maynila ang buhay ni Dok Justin at may mga ospital siya roon. Nandito lang siya para magbakasyon at nagkataon na sa pagbabakasyon niya ay nakita ka sa dalampasigan. Nagkakagulo pa nga kami noon dahil ang inakala namin ay patay ka na.” “Ho?!” “Ay, jusko! Ano ba itong pinagsasabi ko sa iyo.” Hinarap niya ako. “H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin, hija!” sabay bawi niya ng sinabi. “Ang ibig kong sabihin ay inakala lang naman namin iyon. Mabuti nga at dinala ka kaagad ni Dok Justin sa clinic niya rito sa loob at ginamot. Ano ba ang nangyari sa iyo, Luna?” Nakatitig ako kay Aling Virgie at hindi ko pa rin maaaring sabihin sa kaniya ang totoo. “Wala ho akong maalala, Aling Virgie. Ipagpaumanhin niyo po.” Mukhang naramdaman niya ang biglang kalungkutan ko na naman. “Ay, pasensiya ka na. Masyado kasing madaldal itong bibig ko. H-Huwag kang mag-aalala at nasa mabuti ka namang kalagayan. Napakabait ni Dok Justin at ubod pa ng gwapo!” eksaherada niyang sabi. “Tama ho kayo.” At ubod pa ng bait sa akin. “Magpahinga ka muna sa kwarto mo at tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo.” “Sige, ho.” Muli akong umakyat upang magtungo na sa aking kwarto ngunit bago pa man ako makarating sa aking kwarto ay napadaan ako sa sala sa second floor. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang malawak na karagatan. Tila tinatangay akong maglakad at pumasok sa sala. Nang nasa sala na ako ay marahan akong umupo habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa labas. Makikita lang ito dahil sa malaking salaming bintana. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga dahil sa nararamdaman kong mabibigat na emosyon. Habang nakatitig na naman ako, naalala ko na naman ang ginawang kataksilan ng asawa ko. Sa loob ng sala na iyon ay humagulgol na ako. Inilabas ko na naman ang mga luha ko habang walang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Na ako ang dating asawa ng isang sundalong pinagkaitan ng buhay at kaligayahan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD