MALAMYOS na musika ang naririnig ko sa paligid ng isang malawak na kwarto. Hindi ko alam kung bakit ako natatangay sa sitwasyon kong ito habang kasama ang lalaking minsan na rin naging bahagi ng buhay ko. “Let’s forget our dillema’s,” he whispered. Nasa likuran ko siya habang kinuha niya ang champagne na hawak ko at inilapag sa vanity mirror. Tumayo ang mga balahibo ko sa pagbulong niyang ito sa akin at ang malambing niyang boses na may nais tukuyin. Subalit kailangan kong maging alerto dahil kilala ko si Augustus. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit may isang paraan naman akong kahinaan ng dati kong asawa. “Uhm, Augustus, h-hindi ako sanay sa ganito.” Humarap ako sa kaniya habang ipinakita ang kainosentehan ko at ang bahagyang takot ko sa sarili. Ipinakita ko rin ang kilos ng m

