ANDREA
Nandito kami ngayon sa harap ng hapagkainan. Tahimik lang kaming kumain tanging mga ingay lamang ng kutsara't tinidor ang maririnig mo. Maya-maya pa ay nagpunas na ng bibig si Aidan at tumayo.
"Sandali." pigil ko sa kaniya. Tumingin naman ito sakin na walang emosyon ang mukha."P-pwede ba tayong mag-usap?"
"Kumatok ka nalang sa kwarto ko kung ano na naman yang walang kwenta mong sasabihin." Diretso niyang sabi sabay lakad papunta sa hagdan. Napatitig lamang ako sa kaniya, pinagmasdan ko lang siya habang papaakyat patungo sa kwarto niya. Napatingin naman ako sa gawi ni manang na nakatayo lang, ngumiti siya sakin ng bahagya tinanguhan ko lang siya.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa kwarto ko bago ako pumunta sa kwarto niya. Sabi sakin ni manag kanina nasa kabilang dulo daw ng kabilang pasilyo ang kwarto ni Aidan. Nang nasa tapat na ako nito ay bahagya akong kumatok. Nang walang sumasagot ay kumatok ulit ako bahagya kong nilakasan ang katok. Bumukas naman ang pinto at bumungad sakin si Aidan na nakasuot ng puting sando at grey na PJ's.
"What?" Kunot noo niyang tanong.
Napalunok naman ako. "A-ano kasi, p-pwede ba tayong mag-usap?" Tinitigan niya muna ako bago buksan ng maluwag ang pintuan niya. Pumasok ako doon, nilibot ko ng aking paningin ang kwarto niya.
Ang manly lang...
Kulay itim at puti lamang ang mga kulay na narito. May leather na sofa na kulay itim at katapat nito ay ang isang flat screen na TV. Ang kama naman niya ay pinaghalong itim at puti na kulay.
"What do you want to talk about?" Biglang tanong nito na nagpapukaw sa pag-inspeksiyon ng paningin ko sa kwarto niya.
Humarap ako sa kaniya. "A-ano kasi, medyo malayo itong bahay mo sa trabaho k-"
"Bakit sino bang may sabi sa'yong magtatrabaho ka pa?" Putol niya sa sinasabi ko. "Mag-resign ka na bukas sa trabaho mo."
"Ano? Hindi pwede! ano nalang ipangtutustos ko sa tatay ko at sa mga gamot niya?!" Histerikal na sigaw ko sa kaniya.
Lumapit ito sakin at pumantay ang mukha sa mukha ko."Ano pa't naging asawa mo ako kung pagtatrabahuin pa kita? Ako na bahala sa mga gamut ni Papa at sa iba pang pangangailangan niya. Naiintindihan mo?" Kusa akong napatango. Ilang oras ko palang siya nakakasama sa maghapon at ilang beses ko na siyang nakitang magseryoso pero bakit nakakatakot parin?
"Magpahinga ka na. We will go to my parants' house, ipapakilala kita. Pero dadaan muna tayo sa trabaho mo para maipasa ang resignition letter mo."
"O-okay..." Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto. Pupunta daw kami sa bahay ng mga magulang niya at ipapakilala ako.
"One more thing Andrea..." Pahabol niya ng nabuksan ko na ang pintuan ng kwarto niya. "Galingan mo ang pag-arte bukas sa harapan ng pamilya ko."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Pag-arte? saan?" Takang tanong ko.
"Pag-arte bilang asawa ko LOVE. They need to see that we are madly inlove to each other. Understand?" Nakangising sabi niya.
Tumingin ako sa mga mata niya, nakipagtitigan siya saakin. "Bakit mo ba ginagawa 'to? May nagawa ba akong kasalanan sayo?"
Pumormal ang mukha niya. "Matulog ka na." Sabi niya saka ako tinalikuran at nagtungo sa banyo niya. Napabuntong hininga ako. Bakit ako? Bakit ako ang kinaladkad niya para magpakasal sa kaniya at para maipakilala sa mga magulang niya. Hindi ko kasi maintindihan eh. Napailing nalang ako at tuluyang lumabas sa kwarto niya at nagtungo sa kwarto ko. Bahala na bukas.
Nandito kami ngayon sa kotse niya patungo sa bahay ng mga magulang niya. Galing kami sa Mall para magpasa nga ng resignition letter ko. Ang daming tininanong sakin ng mga kasama ko at ng manager ko, nabigla sila bakit naman daw agad-agad akong aalis. Sinabi ko nalang na kailangan ako ni papa kaya ayun natahimik na sila. Pumasok ang sasakyan namin sa isang mataas na gate. Nilibot ko ang paningin ko sa labas napapalibutan ito ng matataas na puno na bihira lang makita. Manghang-mangha ako sa aking nakikita para akong nasa ibang lugar.
Nasa pilipinas pa ba ako?
Huminto kami sa isang napakalaking bahay. Mas malaki at di hamak na mas maganda kaysa sa bahay ni Aidan. Ibang klase talaga ang yaman nila.
"Remember what I told you Andrea. " Sabi ni Aidan bago bumaba sa kotse at umikot papunta sa gawi ko. Pa-gentleman. At anong akala niya makakalimutin ako? Bahala na talaga! marunong naman akong mag-inarte.
Naglakad kami papasok sa loob ng mansiyon. Agad kaming sinalubong ng mga kasambahay nila. Binati ng mga ito si Aidan ngunit hindi man lang sumagot. Nang makarating kami sa dining area nila ay naabutan namin ang mga tao doon na nagkakasayahan. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko, napatingin ako doon. Ang kamay ni Aidan ay nakahawak sa kamay ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon lang may lalaking humawak sa kamay ko.
Napatingin samin ang isang babae. Tingin ko ito ang nanany niya. "Aidan! you're here!" Bulalas nito. Saka tumayo at lumapit samin. Bumeso siya kay ay Aiden at bumaling sakin. "And you are? Wait you look familiar." Nakangiting sabi nito sakin.
Ngumiti ako ng alanganin dito. "Ah, h-hello po."
Magsasalita na sana ulit ito ng biglang magsalita si Aidan. Seryoso ang hilig ng lalaking to makisabat."Mom, I want to introduce to you, my wife Andrea." Pormal lang ang mukhang pakilala nito sakin.
Tumingin ako sa mga taong bigla na lamang natahimik sa pagkukwentuhan dahil sa sinabi ni Aiden. Sino nga bang hindi mabibigla doon ng wala man lang kagatolgatol na pakilala sa asawa nila.
Unang nagsalita mula sa pananahimik ang isa pang babaeng bersiyon ni Aidan, napakaganda nito ngumiti ito sakin at sumilay sa pisngi nito ang malalim na biloy. Lumapit ito sakin at nagbeso. "Finally, welcome to the family." Nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Ganun din ang iba mati sakin at naupo na kami ni Aidan. Nagulat ako ng lagyan ni Aiden ang plato ko ng pagkain.
"Aww, how sweet of you Aiden." Nakangiting sabi ng babaeng maganda kanina. Ani mo'y kinikilig-kilig pa ito sa nakikita. Ewan ko pero piling ko namula ang pisngi ko sa sinabi nito.
"Shut up, Aileen. Namumula na pisngi ng asawa ko." Sabi ni Aidan dito.
"Hindi ka na naman nag-aate Aidan." Iling iling na sabi nito. Matanda ito kay Aidan? Talaga?
"Whatever."Bumaling ulit sakin si Aidan. "Kain na Love." Sabi niya na mas lalong ikinainit ng pisngi ko. "S-Salamat, ikaw din L-Love kain ka na." Saralgal na sabi ko.
"Gosh! Look mom! ang sweet nila."
Napuno ng tuksuhan ang hapag kainan. Bakit parang ang babait ng pamilya ni Aidan samantalang siya parang pinaglihi sa sama ng loob. Natapos ang masayang hapunan at nagkayayang magkwentuhan sa hardin nila. Puno ng ilaw doon at sadyang napakaganda. Magkatabi kami ni Aiden sa isang upuan at naka-akap siya sa bewang ko.
"Paano nga pala kayo nagkakilala?" Tanong ng daddy ni Aidan.
"Dad-"
Pinutol ulit ni Aidan ang sasabihin ni Ate Aileen. "Long story dad, the important is kasal na kami." Sabi nito at hinawakan ako ng mahigpit sa bewang.
"Ganun ba? well mabuti narin iyon at mabibigyan niyo na ako ng apo. Wala akong aasahan dito kay Aileen dahil hanggang ngayon hindi parin nagkakanobyo." Biro nito.
"Dad naman eh!" Reklamo ni Ate Aileen.
Teka! Anong sabi magkaka-apo daw? Sino?
"Don't worry dad, we're starting work on it."Wika ni Aidan sa ama.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Kami mag gagawa ng baby?!