ANDREA
Nang nasa munisipyo kami kanina at pagkapasok na pagkapasok talaga sa opisina ng mayor ay agad akong pinapirma ng kontrata. Aba siyempre nagreklamo ako ano yun walang siresiremonyas kasal agad? Ni hindi nga ako pumayag. Pero, walang nagyari sa reklamo ko dahil wala naman akong nagawa kundi pumirma. Tignan ba naman ako ng masama ng MISTER ko na daw ngayon.
Nandito kami ngayon sa isang Parke na wala namang tao. Nakaupo ako sa mahabang upuang kahoy na nakatapat sa isang ilog, siya naman ay nakapamulsa sa harapan ko. "Do you have a family?" Tanong niya pagkaraan.
Nginisihan ko siya. "Aba! natanong mo rin? Pagkatapos mo ako kaladkarin at sapilitang ipakasal sayo, ngayon ka lang magtatanong kung may pamilya ako. Yung totoo, nag-aadik ka no?" Uyam na uyam na sabi ko sa kaniya.
Tinignan niya ako ng masama. Napalunok naman ako sa pagkakatitig niya bakit kaya nakaktakot ang lalaking 'to. "Tinatanong kita ng maayos o ano?" Seryosong wika niya.
Tumikhim muna ako bago ako sumagot."Tatay ko nalang kasama ko."
"Ok, from now on you will stay in my house. Your dad can live there too." Tumayo siya at saka humarap sa ilog.
Napatayo din ako dahil sa pagkabigla. "Ano?!Bakit naman ako titira sa bahay mo!" Sigaw ko sa kaniya.
Humarap ulit siya sakin, matalim ang mga matang tinitigan ako. "Saan ka nakakita ng mag-asawa na magkahiwalay ng bahay?"
"Sa-"
"Shut up!" Putol niya sa sasabihin ko. "One more word hihilahin ko na yang dila mo. Sumunod ka nalang sa mga sinasabi ko para tapos na ang usapan. Get it?" Napatango nalang ako ng walang rekla-reklamo.
Pumunta kami sa bahay para pormal na magpakilala kay papa bilang isang ganap na mag asawa.
"Anak, ang aga mo naman yata ngayon?" Bungad ni papa pagkabukas niya ng pinto. Nagmano ako bago pumasok sa loob ng bahay. Nagulat pa si papa ng pumasok ang asawa ko.
aish hindi ko nga pala alam pangalan nito.
"Sino itong binatang kasama mo anak?" Rakang tanong ni Papa.
Ngumiti ako kay papa. "Sandali lang pa ha? may sasabihin lang ako sa kaniya sa kusina."Tumango naman siya ako naman hinatak sa kamay ang lalaki. Pagkarating namin sa kusina ay hinarap ko agad siya.
"Paano kita ipapakilala sa papa ko eh hindi nga pala kita kilala." Mataray na sabi ko.
"Hindi ka marunong magbasa? Nakasulat ang pangalan ko sa kontratang pinirmahan mo kanina." Salabong ang kilay na sabi niya.
"Aba! malay ko ba, sabihin mo nalang kasi dami mong satsat." Sabi ko sa kaniya. Napailing siya. "I can't believe you, tsk! fine, Aidan my name is Aidan Matthew Berthelot."
"Be-Berthelot ka? so-"
"Yes! so please lang ipakilala mo nalng ako sa tatay mo para matapos na 'to." Aburidong sabi niya. Aba't sira ulo tong makong na 'to siya pa nagmamadali. Inirapan ko lang siya saka nagtungo ulit sa may sala namin. Nakita kong nakaupo si tatay sa mahabang kahoy na sofa.
"Pa..." tawag ko sa kaniya bago naupo sa upuan sa harapan niya. "Oh anak bakit hindi mo paupuin ang kasama mo, tara hijo at maupo ka dito." turo ni papa sa isang pang kahoy na upuan. Sumunod naman si Aidan dito at naupo.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay papa na ikinasal na ako. Jusko! ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend tapos asawa agad. Nagbuga ako ng isang malalim na hininga."Pa, kasi- ano. Gusto ko lang po sabihin sa inyo na, kinasal na ako."
Nagulat naman si papa sa tinuran ko. "Akala ko ba'y wala ka pang nobyo, anak?"
"Ano kasi pa-"
"I'm sorry Sir for keeping our relationship to you, and sorry din kung nagpakasal agad kami without your consent it's just, Andrea and I love each other too much." Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Mahal namin ang isa't isa? Saang libro niya nabasa ang mga pinagsasabi niya.
Napailing si papa. "Ang mga kabataan talaga ngayon, masyadong nagmamadali, masyadong mapusok pero't ano pa nga bang magagawa ko kung nandiyan na yan. At kung saan masaya ang anak ko doon din ako. Ang tanging maipapayo ko lang at mahihiling sa'yo hijo, 'wag na 'wag mong papaiyakin yang anak ko. Dahil kahit matanda na ako kayang kaya kong ilaban ng patayan yan oras na masaktan yan." Seryosong sabi ni papa kay Aidan.
Gusto kong maluha sa sinabi ni papa ganun niya ako kamahal. Ngumiti ako sa kaniya. "Of course Sir, makakaasa kayo."
"Huwag mo na akong tawaging Sir, papa nalang." Sabi ni papa dito. Sumagot naman si Aidan ng isang tango.
"Ah, Papa." Tawag ko ulit sa kaniya. "Kasi kaya kami nagpunta dito gusto sana ni Aidan na sa bahay niya nalang tay tumira."
Ngumiti at umiling si papa. "Drei anak, ikaw lang ang titira sa bahay ng asawa mo hindi ako kasama. Alam mong mahal na mahal ko itong bahay natin, at ano ka ba naman pati ako inaalala mo pa may asawa ka na sa kaniya at sa magiging anak niyo na ibuhos ang atensiyon mo."
Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at agad na niyakap si papa. Ano ba naman kasi tong pinasok ko, bakit ako napunta sa isang kasal sa lalaking hindi ko pa mahal. Ayokong iwan si papa ako na nga lang ang meron siya iiwan ko pa.
Hinagod ni papa ang likod ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Iyakin ka talaga, nakakahiya sa asawa mo oh." Hindi ko pinansin ang sinabi niya nanatili lang akong nakayakap sa kaniya. Pagkaraan ng ilang minuto at pagkatuyo ng mga luha ko. Humiwalay ako kay papa at humarap sa kaniya. "Dadalawin kita dito araw-araw ha? Yung mga gamot mo 'wag mong kakalimutang inumin. Mahal na mahal kita papa..."
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang panibagong luhang dumaloy doon. "Mahal na mahal din kita anak, maging mabuti kang asawa." Tumango ako.
Kumuha lang ako ng ilang gamit gaya ng sabi kanina ni Aidan bago kami umalis sa bahay. Nakasakay kami ngayon sa kotse niya patungo sa bahay niya. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas, iniisip ko kung anong magiging buhay ko kasama ang lalaking 'to. Napabuga nalang ako ng hangin bahala na si Cinderella.
Pumasok ang sasakyan niya sa isang village naglalakihan ang mga bahay dito. Tumingil siya sa isang kulay puting bahay, o mas magandang sabihin na mansiyon. Bumaba siya at sumunod naman ako. Pagkapasok namin sa loob namangha ako sa nakita ko. Ngayon lamang ako nakapasok sa bahay na ganito ani mo'y mala mall ang deseniyo.
Napansin ko namang may lumapit sa amin na isang babae. Ngumiti ito sakin gumanti naman ako ng ngiti dito.
"Manang please usher her to her room." Diretsong sabi nito at nag lakad patungo sa isang silid. Hindi man lang ako tinapunan kahit isang sulyap?
Nagtaka naman ang babae sa sinabi nito ngunit sinunod niya parin ang sinabi ni Aidan. "Tara hija, ipapakita ko sa'yo ang kwarto mo." Malumanay na wika nito. Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya. Pumanhik kami sa pangalawang palapag ng bahay, lumiko kami sa isa pang pasilyo at nagtungo sa isang kwartong nasa dulo. Pagkabukas ng kwarto ay namangha na naman ako sa laki at ganda nito.
Totoo? Dito ang kwarto ko?
"Maiwan na kita hija, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka." Sabi nito tumango naman ako at tuluyan na niya akong iniwan. Nawala ang mga ngiti ko sa labi ng maalala ko si papa. Ako nakatira ngayon sa ganito kagandang bahay na mayroong malamig na kwarto.
Ganito din kaya kaganda ang kalalabasan ng buhay ko dito?