ANDREA
Madaming costumers ngayong weekend at dahil ber months na din. Nakakapagod magdinaldal at magpabalik-balik sa stock room.
"I recieve two-thousand ma'am." sabi ko sa costumer na nagbabayad ng pinamili niya."Here's your change ma'am, thank you." nakangiting paalam ko.
Napabuga ako ng hangin pagkaalis ng costumer. Buti naman nawalan muna ng mamimili, ano ba yan pagpahingahin niyo naman muna mga pera niyo. Napahawak ako sa batok ko at minasahe ito.
Inalis ko kaagad ang pagkakahawak ko sa batok ko ng makita kong paparating ang manager namin galing sa kabilang boutique, pumnasok ako sa stock room at daliang ginising si Chelie."Hoy, gising andiyan na si Ma'am!"
Agad naman itong napatayo at nauntog sa hagdan na bakal. "Aray!" sigaw niya habang hawak ang ulo na nauntog.
"What happening here?" Tanong ni Ma'am Ivy pagkapasok sa stock room.
Nilingon ko ito saka ngumiting-aso."ah-eh, wala Ma'am may kinukuha kasi ako tapos ayun nasipa ko si Chelie sa ulo." Palusot ko. Tumango-tango naman ito at tinalikuran na kami pumunta sa counter.
Pinalo naman ako ni Chelie sa braso pagkatalikod ni Ma'am Ivy. "Ikaw kasi eh!" mahinang bulyaw niya sakin.
Nilakihan ko siya ng mata. "Anong ako? anong gusto mo maabutan ka niya na sleeping beauty dito?" Inirapan niya ako. "Oo na, tse! makapag-in na nga." Napailing nalang ako. Kasi naman gagawa nalang ng kababalaghan dinadamay pa ako, mahal ko ang trabaho ko ayokong matanggal no.
Bumalik ako sa pagtatrabaho, bandang hapon na, may inaasikaso akong costumer nang biglang may pumasok na mga nakaputi at matatangkad na lalaki na naka suit. Napatingin ako sa mga ito.
Hala ano 'to hold-up?
Tumayo ang mga ito sa b****a ng boutique, maya-maya pa'y may dumating na isang matangkad na gwapo na sobrang tangos ng ilong at may nakakatakot na mga mata ngunit hindi mo maipagkakaila na maganda ang mga mata nito. Nilibot ng mata nito ang buong botique.
"Good Morning, Sir." Bati ni Ma'am Ivy dito.
Mukhang hindi niya ito kilala, ay tanga sino ba nakakakilala sa mga costumer na pumapasok samin, pwera nalang kung kilala namin.
"Good Morning, Sir." Magalang na bati namin ni Chelie dito.
Tumingin ito sakin. Lumapit ito ng hindi man lang kumukurap. Bigla naman kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa titig nito habang papalapit sakin, lumingon ako sa likod at gilid ko baka naman kasi asumera lang ako katabi ko pala lalapitan nito. Lalo lumakas ang kabog ng aking dibdib ng makita kong ako lang ang tao sa kinatatayuan ko.
Nasa harapan ko siya ng bigla itong yumuko at pumantay sa mukha ko. Lumapit ang mukha nito sakin at umangat ang kaliwang kamay nito. Napapikit ako ng mariin.
Gosh! hahalikan niya ba ako?
Ilang sigundo yata akong nakapikit ngunit parang wala namang labi na dumikit sakin, nagdilat ako ng mga mata at nakita ko siyang seryosong nakatingin sakin.
Ginalaw niya ang kamay niya na nasa likod ko. "Wear this." Maotoridad na sabi niya. Lalaking-lalaki ang boses niya. Inabot niya sakin ang isang puting simpleng dress na sleeveless.
"Ha? Bakit ko po susuotin yan? Kasukat ko po ba yung pagbibigyan niyo?" Takang tanong ko.
Tumingin ito ulit sa mga mata ko, walang emosiyong makikita sa mga mata nito. "Don't ask too much, just go to f*****g fitting room and wear that f*****g dress." Aburidong sabi nito.
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin nalaman ko nalang na sinunod ko na pala ang sinabi niya. Pumunta ako sa fitting room at hinubad ko ang uniform ko saka sinuot ang dress. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, bumagay sa kulay ko na maputla ang suot ko.
Lumabas ako sa fitting room, nasa harap naman ng pintuan nito ang lalaking nagpasuot ng dress. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bumalik ang tingin niya sa mukha ko. Lumapit siya kaunti at inabot ang kamay ko. Agad namang nag-alburoto ang puso ko. Ngunit nabigla ako ng hinila niya ako palabas. Narinig ko pang nagsalita si Ma'am Ivy ngunit hindi ko na ito narinig.
Pinasok ako nito sa isang kilalang Salon.
"Make her beautiful." Sabi nito sa isang bakla na agad namang tumayo. Pinaupo ako nito sa isang upuan na nakaharap sa malaking salamin. Agad naman nitong hinawakan ang buhok ko at inayusan.
Ano bang nangyayari? Bakit ako nandito, hala! nabudol-budol na yata ako ng lalaking 'to dahil hindi ako makapalag tuwing may sasabihin siya.
Pagkatapos ng trenta minutos na pagaayos sa buhok ko ay may lumapit na naman na isang bakla sa harapan ko. Tinignan ko sa salamin ang lalaking nagpasuot sakin ng dress at nanghila sakin dito. Seryoso siyang nakatingin at may katext sa cellphone niya.
Sinimulan na naman akong ayusan ng mga bakla.
Ano ba kasing trip 'to? Nasa wow mali ba ako?
Ng matapos ang pag-aayos sakin ay may sumenyas sa lalaki na isa pang nakablack na lalaki. Sinabi yata nito na tapos na akong ayusan dahil tumingin ito sakin. Nagtama ang tingin namin.
Tumayo ito at lumapit sakin. "Pwede na." Walang emosyong saad nito.
Napakunot ako ng noo. "Pwede po bang magtanong? Anong trip niyo? High ba kayo?" Seryosong tanong ko.
Nagsalubong naman ang kilay niya at umirap. Hinila na naman ako nito palabas ng salon. Sumakay kami sa isang elevator na diretso sa parking lot. Sinakay ako nito sa isang magarang sasakyan.
"Hala uy! Mister saan mo ako dadalhin?!" Nagpapanik na sigaw ko. Hindi siya umimik at tahimik lang na tumingin sa labas ng sasakyan. "Kinikidnap mo ba ako?! hoy! maganda lang ako pero wala akong pera!" Bulalas ko.
"Just shut up woman, we will go to the municipal office because you will marry me." Seryosong sabi nito.
Ano daw? kasal? Ako ikakasal sa kaniya?
"Anong kasal pinagsasabi mo?" Kunot nuong tanong ko sa kaniya. Hindi na naman ito umimik at tumingin ulit sa labas. Napahugot ako ng isang malalim na hininga.
Nang makarating kami sa munisipyo agad siyang bumaba at may isang lalaking nagbukas sakin ng pinto bumaba ako. Tinignan ako ng lalaking nagdala sakin dito.
"Sandali lang." Pigil ko sa paglalakad niya. "Ano ba talagang trip mo? Bakit gusto mong magpakasal sakin?"
Ngumisi naman ito ng nakakaloko. "For your information, hindi ko gustong magpakasal sa'yo kailangan ko lang." Sabi niya saka naglakad papasok sa loob ng munisipyo.
Napanganga naman ako sa tinuran niya. Tinawag ako ng isang lalaki at iginaya sa loob. Wala na akong nagawa, nasisiraan na din yata ako ng ulo.