Chapter 1

777 Words
Nagmamadali ako papasok sa entrance ng Mall kung saan ako nag tatrabaho. Mahuhuli na ako, kasi naman buhol-buhol na naman ang mga sasakyan. Leche yan! "Dalian mo Drei at isang minuto nalang late ka na!" Sigaw ni Chelie pagtapak ko sa shop. Nagtatrabaho ako bilang isang Cashier sa kilalang boutique. Dati akong Sales Staff pero ayun naregular ako nagtraining bilang cashier kaya heto ako ngayon nagmamadali dahil mahuhuli na ako. Iniscan ko ang ID ko sa computer. "Muntik na!" sabi ko sabay baba ng mga gamit ko. "Muntik na talaga, may audit pa naman ngayon kaya dalian mo na at ilagay mo na yang mga gamit mo sa locker." Sabi ni Chelie siya naman ang custodian dito. "Opo madam." Pumasok na ako sa stock room at inilagay ang gamit ko sa locker. Dumating ang mga Auditor at tsinek ang buong boutique mula sa stock room, fitting room at mga damit kung maayos at may mga hard tags. Naging maayos naman at isa lang nakitang mali. Patuloy naman kaming nag assited ng mga costumer maghapon. Isang oras lang naman ang lunch break at trenta minutos lang ang coffee break at buong maghapon ka ulit nakatayo. "Drei, ikaw mag-Opening to Closing bukas, Rest Day and Vacation Leave ni Eva. Tignan nyo nalang sa schedule niyo." Sabi ng manager namin. Buset talaga kung kailan naman Sabado. Tumango nalang ako."Sige ma'am." Alas nueve trenta na ako nakauwi ng bahay. Pagbukas ko sa pinto namin ay nadatnan ko si Papa na nakahiga sa kahoy namin na upuan. May katandaan na si papa kami na lang din dalawa magkasama dahil ang nanay ko iniwan kami nung sampung taon palang ako. Sampung taon naring nakakalipas dahil dalawangpu na rin ako. Kaya todo kayod ako kahit anong trabaho pinasok ko ng makagraduate ako ng High School. Hindi na ako nakapag kulehiyo dahil hindi ko talaga kaya magbayad tuition fee palang patay na ako, hindi rin naman ako katalinuhan kaya hindi ako nakakuha ng scholarship. "Mano po." Inabot ko ang kamay niya saka nilagay sa noo ko. "Nainom nyo na po ba ang mga gamot niyo?" Tanong ko kay Papa. "Kaawaan ka ng diyos. Oo naman, ayoko maging pabigat sayo anak." Sagot niya. Niyakap ko siya."Pa, naman. Hindi ka pabigat sakin." Malambing na sabi ko. Niyakap niya din ako. "Napaka-swerte ko at biniyayaan ako ng isang anak na katulad mo. Napakaswerte ng taong mamahalin mo, anak." Wika niya sakin. Tumingala ako sa kaniya. "Edi, swerte ka pala papa? ikaw ang mahal ko eh." Ginulo niya ang buhok ko. "bolera ka talagang bata ka. S'ya magbihis ka na ng makakain ka na at makapagpahinga." "Ang sweet talaga ng Papa ko." Nagtungo na ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ko maghapunan ay hinugasan ko muna ang mga platong ginamit ko, nagtungo ako sa likod ng bahay namin at naglaba. Inabot ako ng ala-una ng madaling araw sa paglalaba. Sumakit ang buong katawan ko nagpahinga muna ako pagkatapos ko magsampay. "Naman talaga! opening pa ako bukas." Nakangusong sabi ko habang minamasahe ang balikat ko. Humiga ako sa papag, binilihan ko nga 'to ng kotson para naman medyo marelax ang likod ko pati si papa binilihan ko din para malambot namabn ang hinihigaan niya, tuwang tuwa nga siya nun. Wala na sigurong isasaya makita mo lang ang tatay mong masaya kahit sa maliit na bagay lang. Nakakawala ng pagod makita mo lang ang mga ngiti ng tatay mo, walang kapantay yun. "AYAN ma'am mas bagay sa inyo ang dress na yan, ang sexy niyo po." Sabi ko sa customer ko. Konting bola-bola lang para bumili. Kailangan ko mag upsell baka ma warningan din ako kapag di ko naabot ang qouta ko. "Talaga ba? sige nga hija, kukunin ko yan tsaka yung highwaist na pants." Tuwang-tuwa na sabi niya. Pumunta ako sa counter at pinunch ang mga pinamili niya umabot din ito sa apat na libo. "Ito po ma'am, Salamat." Todo ngiting sabi ko sa customer. Nagpasalamat din siya bago umalis. Dumating si Chelie pagkaalis ng costumer. "Hay salamat dumating ka din kanina pa ako nagugutom." Reklamo ko. "Sorry na, natagalan ako kasi hindi nagtally yung benta ng kabilang botique eh." Hinging dispensa niya. "Ok sige na, lunch break na muna ako at nagugutom na mga bulate ko sa tiyan." Paalam ko. Iniscan ko sa computer ang ID ko para makapag out sa lunch break. Pumunta ako ng cafeteria dahil mura lang dito kesa magpafast food ako mas makakamura ako dito kahit walang lasa mga pagkain nila kaya namang pagtiyagaan. Hirap ng ganitong buhay. Kahit high school graduate ka, hindi parin sasapat kung hindi ka college graduate iba parin talaga. Napabuntong hininga nalang ako. Kaya ko 'to, para kay Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD