bc

'Til We Meet Again Mr. 1865

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
time-travel
heir/heiress
bxg
mystery
nerd
soldier
first love
secrets
rebirth/reborn
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Oras...

Oras ang kalaban ng dalagang si Storm.

Pag-ibig...

Pag-ibig ang dahilan kaya tinawid niya ang panahong milya ang agwat sa kanyang panahon.

Paano kung sa taong 1865 niya makilala ang lalaking bibihag sa puso niya?

Kaya ba nilang ipaglaban ang pagmamahalan nila kung isang sentenaryo ang agwat ng panahon nila?

Isang umaga ay naisipan niyang umabsent sa eskuwela upang umiwas sa lalaking nangungulit sa kanya, pero habang nagmumuni-muni ay bigla siyang nakarinig ng mga pagtangis na hindi niya alam kung saan galing.

Sa pagsunod sa ingay ay napadpad siya sa basement ng mansyon kung saan ipinagbawal ng kanyang ama ang pumasok.

Dala ng kyuryosidad ay pinasok niya iyon at nakakita ng mga sulat na para sa isang Consuelo Del Valle.

Habang binabasa ay parang pelikulang naglaro sa harap niya ang mga pangyayari na nasa liham, ni hindi niya namalayan na lumuluha na siya.

Nagising na lang siya isang umaga na naroon ulit, ngunit hindi sa parehong taon...

At sa ibang katauhan...

Napadpad siya sa taong 1865 at doon ay nakilala niya ang lalaking bibihag sa puso niya bilang si Consuelo, panganay na anak ng mayamang angkan sa panahon na iyon, ang nakatakdang ikasal sa isang mayamang mersenaryo na si Juan Carlos Fernandez.

Si Enrique Aguas ay ang batang Heneral na namumuno noong panahon ng Kastila. Iibig sa dalagang alam niyang hindi niya kayang abutin. Nakatakda na itong ikasal ngunit unang kita pa lamang niya rito ay agad siyang nahulog sa magandang ngiti nito.

Kakayanin bang lumayo ni Storm sa lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso? Sa lalaking nabuhay milyang taon bago pa siya isinilang?

Ano ang kaugnayan niya kay Consuelo? Bakit siya ang napadpad sa taong iyon?

Kaya ba nilang labanan ang tadhana, muli lang silang magkasama? May kinabukasan ba ang pag-iibigang una pa lang ay wala nang pag-asa?

Kaya ba nilang tawirin ang oras maitama lang ang lahat?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook