bc

Hospicio Alay Hiling

book_age4+
1
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Kumpleto at masaya na sana ang pasko kung narito ang regalo niya.

Samahan si Buboy sa kanyang kwento at ang mahikang dala ng Hospicio Alay Hiling.

chap-preview
Free preview
Hospicio Alay Hiling
UMUULAN ng nyebe sa buong nayon. Tanaw rin mula sa labas ang mga nagngingitiang mga tao sa daan na parang walang iniindang problema. Mayroon ding ilang kabataan ang nagsisipag-awitan ng pampasko. Habang naglalakad silang dalawa na maglola ay nasasamyo din ni Buboy ang katakam-takam na amoy ng bagong lutong puto bumbong sa tapat ng simbahan. Nagkatinginin silang dalawa ng kaniyang Lola, nakahawak ang munting kamay niya sa palad nito. Ito na nga ang araw ng kapaskuhan. Ang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Naaninag pa niya ang mga masasayang mukha ng mga tao na nakapaligid sa kanila. Magkakasama ang bawat mag-anak na nakikita ang kakaibang kislap sa mga mata ng mga ito. Ngunit para sa isang musmos na kaisipan si Buboy ay wala itong dalang saya. Hindi niya mawari sa sarili kung bakit ang dami-daming tao ang labis ang kagalakan. "Merry Christmas, Apo," mahinang tinig ang narinig niya mula sa kaniyang likuran. Walang iba kung hindi ang taong nag-aruga sa kanya mula pagkabata. Nasabi sa kaniya ng kanyang Lola Felizidad na iniwan siya ng kaniyang mga magulang noong siya ay dalawang taon pa lamang. Pilit siyang ngumiti sa harap ng kaniyang Lola na may halong pagtataka. "Kailagan bang magbatian ng katagang 'Merry Christmas' at bakit may mga pagkain sa hapag?" "Merry Christmas din po, La" nakangiting tugon nito. Nakangiti siya sa harap ng kaniyang Lola, ngunit ang kanyang mga mata ay makikita ang labis na pangungulila't pagmamahal ng mga magulang. Siguro kung hindi lang abala sa trabaho ang kaniyang mga magulang ay hindi siya iniwan ng mga ito. Na hanggang ngayon ay hindi man lamang siya masulyapan ng mga ito o nag-abala man lamang na makita siya. Upang hindi na sumagi pa sa kaniyang isipan ang kaniyang mga magulang ay naging libangan na ni Buboy ang paglalaro ng brick games sa loob ng kwarto at nakahiligan na rin niyang dumungaw sa bintana araw-araw. Nagbabakasali na isang araw ay matunghuayan niyang nandoon sa labas ng bahay ang kaniyang mga magulang. Minsan ay lihim siyang umaakyat sa bubongan ng tahanan nila upang masaksihan ang pagbagsak ng mga bituin. Katulad ng maraming kabataan, may mga bagay siyang hinihiling doon. Minsan ay nasabi ng kanyang Lola Felizidad na, "Kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin mula sa langit nang mataimtim ay unti-unting matutupad ang iyong hilig. Kailangan mo lamang magtiwala." Dahil doon ay maya't maya rin siyang tumitingin sa kalendaryong nakasabit sa pader ng kwarto niya. Isang araw, sa susunod na lingo, at samakalawa. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinihiling na nandyan na ang kaniyamg mga magulang. Kinabukasan ay gumising siya nang maaga. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata at ngiting nakabungisngis ang nakalarawan sa mukha ni Buboy. Ito ang araw na espesyal para sa kaniya. Ang kaniyang pinakahihintay na araw, ang pag-uwi ng kaniyang mga magulang galing sa ibang bansa. "Magandang umaga, Lola!" Masayang nag-unat si Buboy harap ng kaniyang Lola. Laking gulat naman niya dahil iba ang awrang mayroon ngayon ang kaniyang pinakamamahal na Apo. "Halika apo may padala ka oh, naku, napakarami." Tuwang-tuwang inabot ng matanda ang nakabalot na regalo sa bata. Kaagad naman niyang kinuha iyon, kaagd ding binuksan at binaklas ang pagkakabalot ng regalo. Ngunit nang masaksihan ang isang liham mula sa loob nito ay bumalatay sa kaniyang mukha ang sakit at pagtulo ng mga luha ng kaniyang Apo. Kaagad niyang dinaluhan si Buboy, mayroon naman siyang naisip na paraan para mawala ang lumbay nito kaya naman inintindi niya na lamang ito sa pagbabakasakali na maging maayos na sa mga susunod pang araw. "Akala ko ba? Kapag humiling ka sa mga bituin matutupad? Bakit nila ako pinabayaan?" negatibong mga salita ang namumuo sa isipan ng batang si Buboy. Mga katagang ayaw sana niyang isipin ngunit patuloy siya nitong ginagambala. Hanggang sa isang araw napagpasiyan ng Lola na dalhin at isama ito para sa isang charity work. Sa Hospicio Alay Hiling na naging pangalawang tahanan ng milyo-milyong kabataang minsan na ring nangarap makasama ang mga mahal nila sa buhay. Sa musmos niyang kaisipan ay napatanong siya sa kaniyang nakikita ngayon, "Bakit ang mga batang nandito ay masaya kahit wala silang mga magulang? Kahit iniwanan sila sa lansangan o kahit saan man? Paano nila nakakayanang labanan ang pangungulila at lungkot? Ang pag-iisa? Sa pagmamahal na dapat maramdaman sa mga magulang nila?" May isang bata ang lumapit sa kaniya. Nakalahad ang mga kamay nito sa kaniya't napansin ang gula-gulanit nitong damit na kaniyang pinagtaka dahil nakangiti ito at sinabing, "Ako po si Miguel, kaunting tulong lang po sana para sa mga kabataang tulad ko. Ipambibili ko lang po sana ng pagkain." Animo'y nag-flashback sa kaniya ang lahat ng mga nangyayari sa kanya. Naisip niyang muli na napakaswerte pa rin niya dahil bukod sa mayroon siyang maayos na tirahan. Mayroon din siyang mga magulang at kumpletong pamilya. At higit sa lahat tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga biyaya sa kanila. Samantalang itong si Miguel ay napakaraming pasan sa buhay. Inabutan niya ito ng isang tsokolate at nagmadali itong ipinamahagi sa iba pang kabataang kasapi ng Hospicio. Nang makauwi sila sa bahay, kaagad niyang inayos ang kwarto niya at naghanap ng mga kagamitan doon na hindi na niya kailangan pa. Kinabukasan napagplanuhan niyang ibahagi ang mga natitirang damit at mga laruan sa mga batang nakita niya't nakilala. Batid niya kung gaano kabigat ang buhay ang maaring pinagdadaanan ng mga na ito. Kaya ganoon na lamang ang saya at taba ng puso niya nang marinig ang mga katagang, "Maraming salamat po at Merry Christmas po." sa mga batang iyon. Lumapit sa kaniya ang batang si Miguel at niyaya siyang makipaglaro sa iba pang kabataan na nasa Hospicio habang abala ang kanyang Lola sa paghahanda sa salosalo mamayang gabi. Ito si Lito. Siya 'yong kapatid ko. Ito naman si Buboy" Ipinakilala siya nito sa mga kaibigan. Napahinto ang mga ginagawa ng mga ito at napunta ang atensyon sa kaniya. Kaya naman hinatak siya nito papunta sa mga pasimanong mesa na naglalaman ng iba't ibang palamuti. Mga makukulay na bulaklak na tinatawag nilang Poinsettia. At ang mga kumukuti-kutitap na parol sa labas na sinabayan ng mga nagliliwanang na Christmas lights. Napadako naman ang paningin niya sa isang batang babae na sa tingin niya ay nasa edad anim na taong gulang. Kakaiba ang batang iyon dahil bukod sa hindi ito sumasama't nakikihalubilo sa kanila. Nilapitan niya ito at napansing abala ito sa pagsusulat. Hindi niya alam kung anong tawag doon kaya tinanong niya ang batang ito kung para saan ang bagay na 'yon. "Ano iyang ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya sa batang babae. "Ganito kasi kami sa Hospicio, Kuya. Palagi kaming gumagawa ng mga postcard at isasabit sa punong 'yon. Ang sabi po kasi ay dadating daw si Santa Klaus para tuparin iyong mga hiling naming." Excited na excited itong tumayo at sumayaw-sayaw pa na parang ballerina. Inabutan siya nito ng kapirasong papel na kagaya ng hawak nito at sinulatan niya rin 'yon. Hi Santa Alam kong ngayon mo lang ito mababasa at alam ko ring ngayon mo lang ako nakilala. Pero katulad nila may ilang kahilingan lang ako na sana ay matupad. Una. gusto kong makasama ang aking mga magulang ngayong pasko. At pangalawa hiling ko po sana na tulungan niyo rin ang mga kasama ko sa Hospicio na maranasan ang tunay na pag-aaruga ng mga magulang ngayong pasko. Maraming salamat po. Kasabay ng pagsabit niya sa punong iyon ay ang muling pagbalik ng pag-asa sa mukha niya at katulad ng mga batang ito ay alam niyang hinding-hindi matatapos ang pasko ng walang milagrong mangyayari sa araw na ito. Maya't maya pa ay magsisimula na ang salosalo at ang lahat ay nanalangin para sa lahat. At syempre para pasayahin ang mga bata, may isang hindi inaasahang bisita, si Ginoong Santa Klaus na kasa-kasama si Rudolf at ang lahat ng mga bata'y di magkamayaw sa pagtakbo. Nang matapos makapagpa-picture ang mga bata kay Santa Klaus ay tinawag siya nito. Lumakad naman si Buboy palapit sa Ginoo at siya'y pinapikit at sinabing, "Manalig ka sa taas at lahat ng kahilingan mo ay kanyang tutuparin." Napatigil ang kaniyang mundo nang marinig ang mga salitang iyon. Tila ba huminto ang oras at ang lahat ng mga tao sa kaniyang paligid ay hindi gumalaw at dalawa lamang silang dalawa ni Santa Klaus ang nag-uusap sa panahong iyon. "Totoo po ba na kapag humiling ako sa inyo ay tutuparin ninyo? tanong ni Buboy.na may isang matamis na ngiti na nakapaskil sa labi nito at nakuha niya ang isang masuyong pagtango mula rito. "Basta lagi kang manalig sa kanya at lahat ng naisin ng puso mo ay kaniyang ibibigay," makahulugang ani pa nito sa kaniya bago maglaho na parang bula. Naiwan siya roon at pumikit at patuloy lang sa paghiling. Nang idinilat niya ang mga mata ay laking tuwa niya nang makita ang kaniyang mga magulang sa mismong harapan niya. Sa huli pala ay matutupad ang kaniyang kahilingan. Wala na yata siyang mahihiling pa sapagkat lahat ay dumating na maliban na lang mga kasamahan niyang kabataan na ngayon ay naluluha na rin sa madamdaming pagtatagpo nila. Ipinikit niya ng muliang mga mata para humiling, ngunit hindi na ito pansarili lamang. Ilang minute lang rin ay nagsipagdatingan na ang mga magulang na nagsasabing mga anak nila ang nasa Hospicio. Niyakap nila ito nang mahigpit. "Nakakatuwa palang pagmasdan ang ganito," ani ng batang si Buboy na ngayon ay hindi na malungkot. Makikita sa mata ng bata ang labis na kasiyahan. Ang labis na pagmamahalan sa isa't-isa'y nakapaloob na sa Hospicio at sa pagkakataong iyon naging buo na ang pagkatao ng batang si Buboy. Napagtanto niya na ang buhay sa mundo ay kasing kulay ng fireworks display sa kalangitan. May iba't ibang anyo. At kaya nitong magbigay kulay sa mumunting pangarap ng kabataang katulad ni Buboy at iba. ——— Hello po! This is an all original Christmas themed story which is especially made for JLP's : ALL I WANT FOR CHRISTMAS. ? I was hoping that it can make you feel positive kahit may pandemic pa tayo. And also I decided to post this para mawala ang stress niyo HA-HA-HA So 'yun po. Enjoy reading po and feedbacks, comments, reactions are highly appreciated po ?✨ ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️ H O S P I C I O : A L A Y H I L I N G Wattpad Version. UNEDITED

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

A Warrior's Second Chance

read
329.6K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
201.9K
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
69.9K
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.7K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook